【ON GOING】Clyde Molina is not your typical millennial girl. Imbes kasi na magpakalunod siya na makarami ng likes sa social media ay mas gugustuhin niyang makarami siya ng mahahanap at mapapanood na old and classic films. Nang dahil naman sa kanyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"SHOW IS OVER people. Huwag na kayong makiusyuso pa!"sigaw ni Beau sa mga taong tila natutuwa sa maling confrontation niya kay Clyde.
Nasa gate na sana siya ng outdoor pool area ng Claridel Hotel para sundan si Clyde nang may humila sa braso niya.
"Dude, 'wag mo nang sundan. Si Tom ang date niya, hayaan mong siya nalang ang magconsole kay Clyde." paalala ni Steve sa kanya.
"Gusto kong ako ang gumawa 'non, Steve."
"No, Beau. It's time to face the music, sabihin na nating wala kang gusto sa kanya, but you're involving your life to hers too much and it's not good for you, stop it. You know the consequence. Mas mabuting lumayo ka na sa kanya habang maaga pa."
"That's for me to decide--"
"It has long been decided. Alam mo 'yan sa sarili mo. It's either you'll stay away from her or you'll stay away from your sanity."kapag seryoso ang kaibigan niya ay mahirap na itong kalabanin.
"Steve...she's my sanity." he said firmly with his eyes pleading his friend to let him chase after Clyde.
"No, she's your destruction. Hindi mo ba naisip 'yon? Hayaan mo na sila ni Tom. Tutal naman, wala namang pakialam si Tom sa pagkamatay ni-ni Holly." Steve's lips were pressed into thin line, "Let's go home, dude. You look weary and it's a bad thing, you should get some rest."
"O-Okay."
"Saka pakiramdam ko magki-kick-in na ang nainom ko. Mahirap na baka may tumangay sa akin na babae, mas gusto ko namang ikaw." pabiro pang dugtong nito.
"Puro ka kalokohan! Halika na nga! Ihahatid na kita!"
Kung may pinagsisihan man si Beau sa ginawa niya nang gabing masaktan niya sa Clyde dahil sa pagiging matabil ng dila niya ay 'yon ay ang pabayaang umalis ang dalaga sa party venue. Alam niyang nag-aalala sa kanya si Steve, pero mas nag-aalala siya sa maaaring mangyari rito, lalo pa't sinundan ito ni Tom.
Habang nakasandal sa hood ng sasakyan niya at inaantay nang magaling niyang kaibigan upang ihatid sa Lexi's Palace ay hinugot nalang muna niya ang cellphone niya sa bulsa at nag-attempt na magpadala ng text message kay Clyde.
Clyde, how are you
Clyde, how are |
Clyde, |
C|
Ilang araw na rin ang lumipas pero hindi pa rin siya nagkakaroon ng lakas ng loob para magpakita rito, o magpadala man lang ng text message. Nahihiya siya sa dalaga. Mali kasi ang mga ginamit niyang salita. Ang dating kasi 'non ay parang ayaw niya sa dalaga at pinaglaruan lang niya ito. Pero, ang bumabagabag pa rin sa kanya ay bakit kailangang umalis ni Clyde ng ganun-ganun lang? Sa pagkakakilala niya sa dalaga, madadala pa ito sa paliwanag, pero nang mga oras na 'yon, sa tingin niya ay naapakan niya ang ego nito.