Scene 25 Terms of Endearment

127 8 15
                                    

"NASA IGNASIUS UNIVERSITY NA AKO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"NASA IGNASIUS UNIVERSITY NA AKO." tugon ni Clyde kay Laura sa kabilang linya nang tawagan siya nito kung nasaan na ba siya.

"Hah? Saan dito sa school? Nasa Muñoz building ako."

"Sa..." tumingin siya sa paligid niya, wala talaga kasi siyang ideya sa paaralan na ito dahil unang beses palang niyang makapasok rito. Basta nang papasukin siya ng guard dahil may excuse naman siya, nagdirediretso na siya ng lakad hanggang mapadpad siya sa grandiyosong main building na may malawak at mataong lounge at aakalain mong para kang nakatambay sa lounge ng isang museum, "Sa tingin ko student's lounge ito ng main building--"

"What?!"

"B-Bakit?"

"Umalis ka diyan!"

"B-Bakit?"

"You don't want to deal with fed up people!"

"Huh?"

Narinig niyang bumuntong hininga ang kaibigan niya, "Ang layo pa naman ng kinaroroonan ko diyan sa main building. Sige, antayin mo ako. Basta ang gawin mo 'wag kang umupo sa mga table sa lounge na 'yan. Tumayo ka lang sa gilid or...or umalis ka na lang diyan!"

"L-Laura?"

"Sige na, sige na. Pupuntahan nalang talaga kita diyan." at sumunod na narinig niya ang beep tone.

Tumingin ulit siya sa paligid, hindi niya kasi maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis rito. Mukha namang normal ang lounge, matao, maingay, na katulad lang ng lounge nila sa GSU. Napansin rin niya ang iba-ibang clique ng mga student na nagkukumpulan sa kanya-kanyang mesa.

"Miss, student ka ba rito?" pormal na tanong isang babae na halatang simula pagkabata ay naalagaan ang balat. May kasamahan pa itong apat pang kababaihan. Siguro estudyante sila dito dahil sa nakikita niya sa mga ID nila. Kahit private school ang Ignasius University ay walang uniform ang mga estudyante, tulad nila sa Greco State University ay naka-casual clothes lang din sila. Kaya siguro hindi masabi ng mga kababaihan kung student siya sa Ignasius or hindi.

"Ah. H-hindi. May event kasi na gaganapin rito sa Ignasius University kaya andito ako para antayin ang kaibigan ko na dito nag-aaral." she answered politely like she always does to strangers.

Bumuntong-hininga ang babae, "Kaya pala. Ano kasi...table namin ang inuupuan mo."

"Huh?" napakurap siya dahil ang pagkakaalam niya siya ang naunang umukupa sa mesa, "Ka-Kanina pa kasi ako dito."

Napansin niyang nagtinginan ang mga kababaihan. Then the girl who's wearing a vest came forward, "Ganito kasi 'yon miss, spot namin ang table na 'yan simula pa 'nong freshman year namin dito sa Ignasius."

Tumayo siya at nagbigay daan para makaupo ang mga kababaihan, "Sorry, hi-hindi ko alam an ganyan pala ang patakaran niyo dito sa Ignasius. Sa GSU kasi kahit saan mo gustong umupo pwede. Sorry."

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon