Scene 35 Live and Let Die

92 2 0
                                    

HALATA sa mga estudyante na nasa loob ngayon ng Don Quixote Cafè na abala sila dahil huling araw na ng regular classes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HALATA sa mga estudyante na nasa loob ngayon ng Don Quixote Cafè na abala sila dahil huling araw na ng regular classes. Parating na kasi ang kinatatakutang final exams. Mayroong kung makatipa sa kani-kanilang laptop ay akala mo ay gawa sa bakal ang mga ito. Ang iba naman ay tutok na tutok sa kanilang mga notes at libro na parang walang pakialam sa paligid.

"Thanks." sabi ni Beau kay Steve habang iniaabot ng huli ang plastic cup ng inorder niyang capuccino. Dahil wala naman silang bakanteng maupuan ay napagdesisyunan nilang mag-take out na lamang.

"Wala na kayong problema sa thesis niyo?" kaswal na tanong ni Steve pagkalabas nila ng naturang cafè na parang walang pinagdaanang problema ang kaibigan niya kagabi. Nagsimula na silang maglakad papunta sa pedestrian crossing para bumalik sa kanilang paaralan.

Beau sighed heavily, "Polishing na lang, saka proposal pa lang naman 'yon. Sa next semester magkakaalaman."

"Okay," tumango-tango siya, "Halata namang wala kang pressure, nagawa mo pa ngang makipag-date kagabi, eh." biro niya.

"Gago, walang pressure ka diyan. Sa ngayon, sa exam muna ako magfofocus, ang thesis proposal defense sa simula ng semestral break pa naman, eh." humigop ito ng capuccino, "At...ang nangyari kagabi..." bumuntong hininga na naman ito, "Hindi 'yon date."

Nakonsensya tuloy si Steve sa biro niya, akala niya kasi mabubuhayan ng loob doon si Beau, "Ah...eh...ano ba kasing nangyari? Bukod d'on sa nahuli kayo ng mga pulis dahil sa pag-ooverspeed mo?" nakatayo na sila sa gilid ng kalsada at inaantay ang senyales na pwede na silang tumawid. Kokonti na lang ang estudyante sa paligid dahil siguradong abala ang mga ito sa pag-aaral at pagtapos ng thesis.

Umiling si Beau, "That's nothing."

Tiningnan niya ito ng matalim habang humihigop sa hawak niyang kape. He knew Beau, he's his bestfriend, and he can tell that he's in a mess right now. Noong tinanong niya ito tungkol sa nangyari kagabi ay tanging ang dahilan kung bakit ito nadala sa presinto at ang parusa nito ang sinabi lang nito sa kanya. Pero ang rason kung bakit bigla-bigla na lang ito nagmaneho nang gan'on kabilis ay hindi nito binanggit. Ito ang gumugulo sa isip niya, napakaingat magmaneho ni Beau lalo na kapag may mga kasama ito at hindi ito naging kaskasero kahit kailan.

"Bakit ka naman kasi biglang nag-overspeed? Naiwanan mo bang hindi nakakandado ang bahay niyo?"

Tumawa ng mahina si Beau, "Gago, hindi. Puro ka kalokohan."

Napaangat ang ulo ni Steve ng makita ang LED traffic light na pwede na silang tumawid kaya naglakad na sila papunta sa university gate, "Eh, ano nga?"

Bumuntong-hininga na naman si Beau na hindi na niya nabilang kung pang-ilang beses na nito nagawa simula pa kanina n'ong pinuntahan niya ito sa bahay.

"May kinalaman ba ito kina...Holly at Clyde?" hula niya na nakompirma niyang tama dahil tumango lang ang kaibigan niya.

"I finally told her...why she should stay away from me." malungkot na saad nito.

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon