96 MINUTES. That is the average duration for you to watch an average movie. The average duration of escaping reality wishing you could be part of the world within that black box. It felt long and straining when the movie bored you, while it felt short and poignant when you enjoyed it that you wouldn't even realized that it was about to get concluded.
And for Clyde, these past months felt like trying to enjoy a bad movie just so the people around her who seemed to be enjoying it won't feel bad. Sa loob ng mga buwan na 'yon ay pinanindigan niya ang magpanggap na acquaintance lang para sa kanya ang isang Beaumont Pavia. 'Yon kasi ang makakabuti.
She put down the comb after fixing her now wavy shoulder-length hair and looked at the dewy pair of brown chinky eyes staring back at her in the mirror. They say that the eyes is the window to the soul, and if so, had she been shutting those windows all along? Because no one seemed to notice her agonizing soul.
It's been months and she was still thinking about him, but more than that, she still haven't decided if she's going to migrate or not...
I have to make up my mind now. Katapusan na ng school year.
"Clyde! Let's go?"
Namumulang tumango lang siya sa repleksyon ni Laura sa salamin na nakita niyang nakasandal sa hamba ng pintuan.
Scarlett and Laura started thinking that it was all just because of the traffic incident kaya iniiwasan ni Clyde si Beau, dahil d'on, hindi na masyadong naging mausisa ang dalawa sa biglaang pag-iwas niya sa binata.
"Bagay sa 'yo ang suot mo," puri niya sa kaibigan nang mabilis na pasadahan niya ito ng tingin dahil sa suot nitong light yellow blouse na taliwas sa parati nitong isinusuot na dark fitted shirts. Hindi rin gaanong matingkad ang kulay ng pulang lipstick na suot nito ngayon. Tinawanan lang tuloy siya nito. Laura always dressed for the occassion so it's no brainer why she's not on her casual rocker chic fit.
"Sigurado ka bang gusto mong dumalo sa graduation nila?" hindi alam ni Clyde kung pang-ilang beses na ata itong itinanong ni Laura sa kanya simula pa kagabi. She's surely just worried about her meeting Beau.
Oo, ngayon ang araw ng graduation ceremony ng Ignasius University at siyempre kabilang na roon si Beau. Enduring a whole semester to avoid him was not an easy task for her, kaya pinili niyang ituon ang isip niya sa pag-aaral at pakikisama sa mga bago niyang kaibigan na buti na lang ay kasundo nina Laura at Scarlett.
"I just...thought I have to be there for Scarlett..." na totoo naman pero isa na rin doon na gusto niyang mapanood si Beau habang tinatanggap nito ang diploma nito, nabalitaan pa naman niya na sa wakas ay magtatapos itong cum laude.
BINABASA MO ANG
when everything feels like the movies
General Fiction【ON GOING】Clyde Molina is not your typical millennial girl. Imbes kasi na magpakalunod siya na makarami ng likes sa social media ay mas gugustuhin niyang makarami siya ng mahahanap at mapapanood na old and classic films. Nang dahil naman sa kanyang...