【ON GOING】Clyde Molina is not your typical millennial girl. Imbes kasi na magpakalunod siya na makarami ng likes sa social media ay mas gugustuhin niyang makarami siya ng mahahanap at mapapanood na old and classic films. Nang dahil naman sa kanyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SABI nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Pero sabi rin nila, may dahilan ang lahat ng mga nangyayari. O iniisip lang ni Steve ang huli dahil ayaw niyang lamunin ng konsensya at pagsisisi niya. Una, hindi dapat niya hinusgahan si Holly agad-agad, pinagkatiwalaan siya nito pero anong ginawa niya?
He can't forget Holly's burrowed eyebrows and pursed lips when he gave her an accusing look of disapproval for what she did to her supposed daughter or son. He can't accept the fact that his last moment with the girl who meant the world for him was filled with disappointments and regrets.
Pero ang malala, wala siya sa mga huling sandali ng dalaga at hindi matahimik ang diwa niya na kasalanan rin siguro niya 'yon.
He should have made it special. He should have made it count but that's the sad fact, it's just a wishful thinking because now, it's too late. Too late to apologize and too late to realize that all this time the universe had given him the opportunity to be with the person he's been longing for but he just wasted it and maybe that's why fate made him lose his chance with her either.
"Holly..." usal ni Steve habang nakatitig sa bookshelf ng Literature Club leisure room na tila nakikita niya itong nag-aayos ng mga libro roon.
Dito siya dumiretso pagkatapos niyang magpakabasa sa ulan sa lugar kung saan niya huling nakasama si Holly. Naalala pa niyang nakita niya rin doon si Beau pero hindi na niya maalala ang napag-usapan nila. All he knew is that he wanted to find ways on accepting the fact that how on earth did he miss his chance?
How could time be that treacherous?
Nilamon na naman siya ng mga pangyayari nitong hapon tulad ng paglamon ng kadiliman sa lugar kung saan una niyang nakausap at nakasama ang taong naging malaking parte ng buhay niya.
Several hours ago...
"BRO! Tangi-- puta!" pagmumura ng kasama ni Steve na si Ivan sa paglalaro ng Counter Strike. Bigla kasing nabaril ang avatar nito sa video games.
"Kasi naman, kung nagsorry ka na sana sa girlfriend mo edi nakakafocus ka ngayon sa laro," natatawang komento ni Steve sa kabilang cubicle habang naglalaro ng NBA2K series, napakwento kasi kanina ang kasama niya na nag-away sila ng nobya nito dahil lang sa hindi pagreply sa text message kagabi kasi nga masyado itong kinain ng paglalaro ng Minecraft.
Ah, shit, tahimik na lintanya niya dahil sumablay ang shoot ng player sa nilalaro niya.
"Akala mo rin. Ikaw rin naman Steve, ha." panunukso ni Leon na nakaupo sa likuran niyang cubicle at naglalaro ng Final Fantasy. Nakilala rin niya ito rito sa Lexi's Palace na schoolmate ni Ivan.
"Hoy, ma-issue ka, ha. Kailan pa ako nagkagirlfriend?"
"Girlfriend wala, pero aminin mo, binasted ka ng crush mo, kamakailan lang kasi wala ka rin sa tamang huwisyo nung naglaro tayo ng DoTA kaya nga natalo tayo."