Scene 51 In A Lonely Place

81 3 2
                                    

TODAY is the day, saad ni Steve sa sarili na ang tinitukoy ay ang libing ni Holly habang nakatunghay sa makulimlim na kalangitan na tila nakikidalamhati sa mga naulila ng dalaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TODAY is the day, saad ni Steve sa sarili na ang tinitukoy ay ang libing ni Holly habang nakatunghay sa makulimlim na kalangitan na tila nakikidalamhati sa mga naulila ng dalaga.

He inhaled deeply trying to convince himself that he can get through this day no matter how painful it is to say goodbye to Holly for the last time.

Tatagan mo ang sarili mo at huwag kang magmukhang ewan na umiiyak sa libing, paalala pa niya sa sarili dahil ang alam ng lahat ay magka-clubmate lang sila at bukod pa 'ron baka magtaka si Nick kung bakit masyado siyang apektado sa pagkamatay ni Holly.

Chineck niya ang bulsa niya kung dala ba niya ang chocolate bar na paborito niyang kinakain kapag naglalaro ng video games —para kung pakiramdam niya ay iiyak siya ay may pantulak siya sa tila jolen na nalulunok ng isang tao kapag naiiyak sila.

You are Steve the blithe one, not the gloomy one.

Yes, he just have to stay true to how people see him. That's his goal for the day. He patted his chest to give assurance to his heart, which felt like a melting candle since this morning, that it'll be okay. Nang pakiramdam niya ay napakalma na niya ang sarili niya ay humakbang na siya palabas ng doorstep ng bahay nila.

♡♡♡♡♡

"JACK and Jill went up the hill to fetch a pail of water, Jack fell down and broke his crown and Jill came tumbling after," pakanta-kanta si Steve na pilit pinapasigla ang sarili habang naglalakad sa memorial park kung saan ihihimlay si Holly. Tanaw na niya ang burial site sa di kalayuan na unti-unti na ring dinadagsa ng mga taong gustong makiramay sa pagpanaw ng kanyang kababata —at para maki-chismis na rin siguro, who are they kidding?

Dire-diretso na sana siya sa paglalakad papunta r'on nang makuha ng atensyon niya ng tila isang kahina-hinalang taong nagtatago sa ilalim ng isang puno at sumisilip sa pangyayarihan ng libing. Napailing-iling na lamang si Steve at nilapitan ito.

"Akala ko ba hindi ka pupunta?"

"Steve?" napapitlag na tugon ni Beau. Yes, it's Beau who told him yesterday that he didn't have any plan to attend the funeral as a respect for Holly. Nang makabawi ito sa pagkagulat ay namulsa ito, "Hindi naman ako magpapakita roon, eh. Kaya nga nagtatago ako."

"Ang dami pang drama neto, halika na rito," hinila niya ang braso ni Beau upang pasamahin sana sa destinasyon niya pero binawi lang ito ng huli.

"Alam mong hindi ako pwede r'on."

"Says who? Ayaw mo bang mag-sorry kay Holly kahit sa huling pagkakataon?"

"What for, eh patay na siya? Huli na ang lahat, wala nang magagawa ang sorry ko."

May konting kirot na naramadaman si Steve sa puso niya dahil sa sinabi ni Beau. Totoo nga naman 'yon but what if dead people could hear? Gusto niya sana iyong sabihin kay Beau upang mabawasan ang konsensya nito pero si Beaumont Pavia 'yan, the "what you see is what is real" guy.

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon