Scene 09 The Awful Truth

179 25 21
                                    

Katatapos lang ng klase ni Beau sa third period at pagkatapos n'on ay may tatlong oras siyang vacant

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Katatapos lang ng klase ni Beau sa third period at pagkatapos n'on ay may tatlong oras siyang vacant. Tulad ng nakagawian niya, pagkalabas niya ng classroom ay dumirediretso siya ng lakad sa  pambansang tambayan nilang the popular kids' lounge.

Nakaupo na siya sa isa sa mga table doon nang mapagtanto niya ang pagkakamali niya, "Damn it! I don't even belong here." bulalas niya na hindi niya alam na napalakas pala kaya lahat ng tao doon ay nakatingin na naman sa kanya.

"What?" pagmamaldito niya dahil andiyan na naman ang mga tingin na ipinupukol sa kanya na akala mo'y gumawa ng imoral na gawain. Ngayong alam niya na minanipula ni Clyde ang sitwasyon dahil sa simpleng halik sa noo niya at ang curse nito ay hindi literal na curse, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit napakalaking bagay sa mga taong ito kung nilapitan siya ni Clyde. And hell, he'd rather hang out with her than be surrounded by these people anymore.

Nagprisintang nilapitan siya ng dalawa sa mga teammates niya. He can say that they're his friends but they're not even close.

"Pavia, masyado kang hot headed." natatawang puna ni Fernandez. Yes, they call each other in surnames.

"Ano ba kasing problema ng mga tao ngayon?" malakas na sabi niya para marinig siya ng ibang mga estudyante na naroon.

Quinto snickered, "Don't tell me wala ka pa ring kaalam-alam sa mga kumakalat na balita sa school ngayon. Ano bang pinagkakaabalahan mo?"

"It's none of your damn business."

"Tone down your voice, man. Alam kong upset ka lang dahil wala nang pumapansin sa'yo tulad ng dati, pero huwag mong isisi sa amin ang kamiserablehan mo."

"Damn you, Quinto. Wala akong pakialam kung hindi na ako pinapansin ng lahat. Mas mabuti nga 'yon dahil alam ko na kung sino ang pakitang tao lang at kung sino ang totoo kong kaibigan." he just said that to get even with him, but honestly, he's quite bothered being ignored by these people.

"Alam mo Pavia, matagal ko nang tinitiis ang kayabangan mo. Pero sana naman ngayon tumigil-tigil na 'yan." sagot ni Quinto at nakita niyang hinawakan ni Fernandez ang balikat ng huli. Naramdaman siguro nito ang tensyon na namamagitan sa kanila.

"Huh! Sarili ko ngang magulang hindi ko masunod, ikaw pa kaya?" napansin niyang marami nang nag-uumpukang estudyante sa paligid nila pagkatapos ay naramdaman niyang may humila sa kanang braso niya. Nang lingunin niya ito ay hindi na siya nagulat na si Steve iyon. Siya lang naman ang tapat sa kanya.

"Don't mind them, dude." sabi pa ng kaibigan niya.

"Aalis na nga ako, eh." sagot niya, kung pupuwede ay kailangan niyang umiwas sa gulo.

Naikuyom pa niya ang kamay niya nang marinig niya ang sinabi ni Quinto kay Fernandez, "He didn't even made our team win this year. Ano bang akala niya?"

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon