MAPATAWAD mo pa kaya ako, Ate Holly? Sinuway ko ang payo mo na layuan si Beau. Ang malala pa 'don, masyado na akong napapalapit sa kanya.
Naalala na naman niya ang ginawa ni Beau na pagyakap nito sa kanya. Siguro wala lang 'yon sa binata dahil sanay na iyong gawin sa mga naging kasintahan nito. Pero para sa katulad niya na sa mga pelikula lang niya iyon natutunghayan ay pakiramdam niya ay para siyang bida sa isang romantic film. Si Tom nga ay holding hands lang ang napapala nito sa kanya, kaya naman nabulabog ang buong sistema niya nang magdikit ang katawan nila ni Beau ng ganun kalapit. But what surprised her more was that she felt elated as if her heart is going to burst while being enveloped in Beau's strong arm. She's like Baby Houseman in Dirty Dancing being held in Johnny Castle's arms.
"Tara na?" untag ng Tita Becky niya kaya bumalik ang diwa niya sa mundo.
Dumalaw sila ngayon sa puntod ni Holly, November 6 kasi ang death anniversary ni Holly kaya isinasabay na nila ang All Saints Day sa death anniversary nito. Naglinis sila sa himlayan ng pinsan niya, nagsindi ng kandila at nag-iwan ng isang bouquet ng daisies na may iba-ibang kulay, ito kasi ang favorite flower nito.
Tulad noong nakaraang taon ay may nadatnan na naman sila ng Tita Becky niya na dalawang lusaw na kandila at dalawa ring bouquet ng daisies pero puro puting daisies ang nasa bouquet. Pasasalamatan niya talaga kapag nakilala niya kung sino man ang mga responsable rito. Ibig sabihin lang kasi 'non ay espesyal pa rin ang pinsan niya sa mga taong ito.
Tumango siya at sinundan ang Tita Becky niya. Hindi niya maiwasang hindi mapatitig sa likod nito. Her posture is so reliable and confident, but deep inside, Clyde knows that her aunt is grieving until now. Masakit mawalan ng magulang pero walang mas sasakit pa kapag nawalan ka ng pinakamamahal mong anak.
Minsan, kapag kasama niya itong mag-isa ay gustong-gusto niyang i-open-up rito kung paanong nagkaroon ng AIDS ang pinsan niya gayong wala naman itong naikwentong naging boyfriend nito. Pero hindi niya kaya, dahil bukod sa alam niyang baka malungkot ang tita niya ay natatakot siya sa maaaring maging sagot nito. Maraming posibilidad kung paano nakuha ni Holly ang sakit pero babagsak pa rin ang pinakaposibleng dahilan sa masamang pangyayari.
"Dadaan po muna ako sa Velacart supermarket, gusto ko pong maggrocery. Saka gusto ko pong ipagluto kayong lahat sa boarding house." paalam niya sa tita niya nang makasakay na sila ng taxi. Gusto lang niya itong pasayahin kaya naman plano niyang magluto ng paborito nitong sinigang.
She smiled as usual, "Sige."
She can tell that her aunt is sad so she hugged her. Siguro nasa lahi nilang mga Molina na hindi umiyak kahit nasa pinakamalungkot na sitwasyon lalo na kapag may kaharap silang ibang tao. And it's not helpful at times like this when crying is necessary.
♡ ♡ ♡ ♡ ♡
NANG MAKAPASOK na si Clyde sa supermarket ay agad siyang kumuha ng metal basket na lalagyan ng mga bibilhin niya. Nasa pinakadulo pa ang grocery section kaya marami muna siyang dadaanan na stalls. Hindi naman pinalampas ng mga mata niya ang nadaanan niyang stalls ng mga DVD. She's about to take a step to go there when she remembered that she's not here for DVDs. Sapat lang ang dala niyang pera pang-grocery kaya nagpatuloy na lang siyang pumunta doon at naisip na huwag nang tumingin-tingin kung saan-saan.
BINABASA MO ANG
when everything feels like the movies
General Fiction【ON GOING】Clyde Molina is not your typical millennial girl. Imbes kasi na magpakalunod siya na makarami ng likes sa social media ay mas gugustuhin niyang makarami siya ng mahahanap at mapapanood na old and classic films. Nang dahil naman sa kanyang...