Scene 39 Dr. Strange Love

107 3 0
                                    

"CHACK in Chill went up to hill to fetcha pel of water

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"CHACK in Chill went up to hill to fetcha pel of water. Chack fil down and wawawa and Chill kim tumbling apter." natutuwang pagkanta ng anim na taong gulang na batang si Steve habang nawiwili sa pagkulay ng coloring book niya ng cartoon character na si Bugs Bunny sa classroom nila.

Bigla siyang nakarinig ng nagtatawanan na mga batang lalaki sa likuran niya, "Hindi mo naman alam ang kanta!"

Hindi na niya sila pinansin at nagpatuloy sa ginagawa niya. Ayaw naman niya kasi ng may nakakaaway siya dahil natatakot siya na baka saktan siya nila.

"Hindi niyo rin naman kayang kantahin ang Jack and Jill, eh." singit ng boses ng isang batang babae.

"Hoy! Oreña! Wag kang sumali sa away namin!" sumbat rito ng mga batang lalaki na umaaway kay Steve.

"Teacher! Teacher! Inaaway nina Ivan si Steve!"

Maybe fairytales are sometimes wrong. This was one of the unconventional case where the damsel saved someone. Pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na siya binu-bully sa school. Hindi na rin siya pinapakialaman kung mali-mali ang lyrics ng kinakanta niyang nursery rhymes. Nang araw na rin na 'yon ay ipinangako niyang poprotektahan niya si Holly Oreña sa abot ng makakaya niya. She befriended him, until they became best of friends.

"Didiretso ka ng uwi sa bahay! Tandaan mo 'yan Steve!" sigaw ng mama ni Steve kaya naputol ang pagbabalik-tanaw niya. Palabas na siguro ito ng bahay upang pumasok sa trabaho.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili at hindi makapagbitaw ng pabalang na salita sa mama niya, "Okay! Okay!" sagot niya mula sa kwarto niya, hindi kalakihan ang bahay nila kaya nagkakarinigan talaga sila.

Simula kasi nang umuwi siya ng lasing ay walang araw na hindi siya sinermunan ng mama niya. Kesyo daw nasasama na siya sa maling barkada. Kesyo nabobobo na raw siya --'yong totoo, paano nadawit ang paglalasing sa pagiging bobo ng tao? Hindi ba pwedeng may problema lang?

Ang papa naman niya ay binawasan ang allowance niya. Pampamasahe at pangkain lang niya sa lunch break ang nakukuha niya rito para kung may plano raw siyang maglakwatsa ay hindi na niya magagawa. Ang mga magulang nga naman.

Inis na kinuha ni Steve ang nakapatong na Harry Potter and The Philosopher's Stone na libro sa table niya. Hindi nagawang itago ng plastic cover na nakabalot rito kung gaano na kaluma ang pabalat nito. Ang bawat pahina ay wala na rin ang amoy na gustong-gusto niya at kumukupas na rin ang kulay nito. Pero kahit gan'on ay walang nawawala o nakatuping pahina ng aklat. Hindi siya mahilig mag-earmark kapag nagbabasa kaya siguro ay nakatulong rin 'yon.

Nakapagdesisyon na siya, ibabalik na niya 'yon kay Holly. Hindi naman na sila malapit sa isa't isa ngayon para itago pa ito. She should just give it to Nick instead.

Are you sure you wanted to do this? Tanong niya sa sarili niya nang mapagtantong ilalagay na niya iyon sa backpack niya. Baka naman kasi nadadala lang siya sa emosyon niya at pagsisihan niya iyon sa huli.

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon