Isang oras nang nakaalis ang ama nito at isang oras na din silang nag iiyakang mag anak.
''Omma.. bukas na bukas maghahanap na ako nang malilipatan natin pansamantala habang wala pa akong project'' umiiyak na pahayag ni Sandara sa ina.
''Anak.. mianheyo.. mianheyo.. akala ko talaga mas maayos na ang buhay natin pag bumalik tayo dito.. dibale maghahanap ako nang mapapasukan para may pangtustos tayo sa pang araw araw natin'' umiiyak man pinilit paring ngumiti ni Mrs. Park.
''Unnie.. Omma.. magpa partime din muna ako para makatulong'' umiiyak na sabi ni Sang Hyun.
''Yah! Sang Hyun! wag mong sabihin yan.. asikasuhin mo ung mga requirements mo sa paaralan niyo ni Dami at ako na bahala sa mga gagastusin.. may mga naipon pa naman ako... yun na lang muna gamitin natin.. kakausapin ko na lang si YG Appa.'' umiiyak na sagot ni Sandara.
Alas diyes na ng gabi at maaga pa bukas si Sandara ngunit hindi ito dinadalaw nang antok kaya nagdesisyon itong lumabas muna at maglakad lakad. Dinala siya ng kanyang mga paa sa mismong tabi nang Han River at doon nag iiyak nang nag iiyak dahil hindi niya alam kung magkakasya pa ang natitirang pera nito para pambayad nang lilipatan nilang bahay, tapos kelangan din nang pera para sa tuition nina Dami at Sang Hyun at kelangan din niya nang pera para sa mga training nito.
Sa balkonahe ni Jiyong...
Hindi parin maalis sa isip nito ang lahat nang mga sinabi ni Sandara kanina maging ang pagkakatitig nito sakanya.
''Haaayyyy..'' buntunghinga nito sabay tayo at akmang papasok na sana ito nang masulyapan niya ang isang pamilyar na hugis sa mismong tapat lang nang kanilang building.
''Dara?'' bulong nito at agad na nilabas ang kanyang cellphone.
Samantalang kay Sandara...
Umiiyak parin ito nang biglang mag ring ang kanyang cellphone... walang pangalan.
''Yoboseo?'' sagot nito at pinilit na hindi humikbi.
Kay Jiyong..
Nagulat ito nang marinig ang boses ni Sandara na tila umiiyak.
''Yeboseo? Sino to?'' tanung ng kabilang linya.
''Na.. Naya (it's me) Jiyong''. tipid na sagot nito.
Bigla namang tumahimik ang nasa kabilang linya.
''Yoboseo? Dara-ssi?'' tanung nito.
''Ne?'' tipid na sagot ni Sandara.
''Gwenchana?'' tanung ulit nito.
''Ne.. weyo?''
''Ah.. Aniyo.. natanung lang..'' sagot nito habang tinatanaw ang dalaga mula sa balkonahe nito.
''Okeh.. bye'' akmang papatayin na ni Sandara nang pigilan siya ni Jiyong.
''Dara-ya.. jamkkanman-yo(wait a minute)'' pigil ni Jiyong.
''Weyo? (why)''
''Asan ka?'' tanung nito.
''Anu naman sa'yo.. sige Jiyong bye'' sagot nito at pinatay na ni Sandara.
Kinaumagahan...
Halos sabay sabay silang dumating kaya napabilis ang praktice nila. Sa limang oras na ensayo nila ay walang imik si Sandara pero focus ito sa lahat nang mga bagong steps na tinuturo, kahit marami itong pagkakamali ay tahimik lang itong nakikinig sa mga sermon at nahingi nang paumanhin. Nang sumenyas na si Ms. Lee at si Jiyong nang lunch break ay agad na kinuha ni Sandara ang bag nito at nagpaalam.
BINABASA MO ANG
Will love be enough?
FanfictionWhen Dara and Joseph finally ended their relationship for more than 3 years, Dara decided to signed contract under YG Entertainment and went back to Korea. It was tough for her to leave the Philippines cause it has been and will always be part of h...