Episode 72 - Broken pieces can be mended

1.5K 15 5
                                    

It's been a week since makasal sina Young Bae at Hyorin, hindi parin humuhupa ang iba't ibang mga rumors na dinidikit sa pangalan nang Bigbang at 2ne1 pero tahimik lang ang lahat dahil alam nilang huhupa din ito.

Thailand...

Ramdam na ramdam ni Jjangmae ang lungkot ni Dara dahil halos walang araw itong umiiyak pag ka videocall nito si Jiyong. Naalala din nito ang ginawa nang alaga noong concert ni Jiyong pero this time hindi niya ito nakitaan nang pagrereklamo.

''Dara makakaabot tayo bukas''

Malungkot naman na ngumiti si Dara kay Jjangmae.

''Ne.. arosso.. gomawo''

''Haaay.. saglit lang ang 2 years.. naantay mo nga siya nang''

''Oppa..'' she cut him off.

''Ne?''

''This is different, hindi ko siya makakausap o makikita nang 25 days and the rest of that 2 years... ilang oras ko lang siya pwedeng makita sa isang araw.. sa tingin mo ba araw araw akong makakapunta dun?'' at hindi na napigilan ni Dara ang pagluha kaya nagkatinginan naman si Jjangmae at ang make up artist nito na si Ms. Lee.

''Aigoo.. isipin mo na lang after that palagi mo na siyang makakasama'' sabi naman ni Ms. Lee para pagaanin ang loob nang alaga.

''Jjangmae anung oras ba ang lipad natin from here? and anung oras ang pasok ni Jiyong sa camp?'' tanung nito.

''Ang flight natin ay 7:00 am so darating tayo nang Korea nang 10:00 byahe tayo nang 2 hours from Seoul.. tapos idagdag mo pa ang traffic.. so mga ala una na tayo makakarating sa camp.. papasok daw si Jiyong nang 12:00 noon.'' mahabang calculation ni Jjangmae.

''Panu kung dumaan tayo sa ibang way? para hindi tayo ma stock sa traffic kaya naman siguro na 1 hour lang ang travel time from airport?''

Habang tahimik lang si Dara sa kanyang kama at nakatanaw sa labas.

Buong araw ay hindi na nila pinag usapan ang enlistment ni Jiyong dahil umiiyak lang si Dara.

Korea..

Inasikaso na lahat ni Jiyong kelangan niyang gawin bago ito pumasok sa camp bukas nang alas dose. Si Tae Hee muna ang hahawak nang account nito sa mga social media pwera ang kanyang personal accounts.

Nagbukas na rin ang kanyang bagong shop sa Shinwa World. Ibinilin na din nito ang lahat nang pwede niyang ibilin.

''Ah hyung! paki abot to kay Dara kung sakaling hindi siya makaabot bukas'' pakiusap nito habang inaayos ang gamit na dadalhin nito.

They're currently at his parents house, doon na siya manggagaling bukas.

''Anak.. hindi ka ba maihahatid ni Dara?'' tanung nang ina nito

''Ani omma, 80% baka hindi siya makaabot eh'' malungkot na sagot nito.

''Do you want me to pick her up by helicopter?'' seryosong tanung nang ate nito pero natawa lang si Jiyong.

''Jinja! unnie gwenchana'' tatawa tawa nitong sagot.

''Seryoso ako''

Napatingin naman si Jiyong dito at napabuntong hininga na lang.

''Thanks noona pero hindi sa lahat nang oras kelangan nating gawan nang paraan ang mga bagay bagay.. maigi na rin na hindi niya ako ihatid dahil mas malulungkot lang yun.. mamaya magbago pa isip ko''

''Bakit ba kasi hindi pa kayo nagp plano sa kasal niyo?'' tanung naman nang ama nito.

''Magp plano naman kami aboeji pero siguro after nang 5 weeks training ko, allowed naman akong lumabas nun for 3 days''

Will love be enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon