Episode 6 - The Old days

1.5K 22 0
                                    

Dumating ang araw na mag sho shoot na ang BIGBANG at unofficial 2NE1 nang TVC para sa LOLLIPOP mobile.

Nagsisikanchawan ang lahat nang makita nila ang itsura nang bawat isa. Nagmistula kasi silang mga high school na halo halo ang kulay nang kanilang mga kasuotan. Ang pinaka weird na buhok ay si Sandara dahil mistula itong palm tree sa tayog. Walang humpay ang tawanan nila nang dumating na ang direktor maging sina YG.

''Ready?!!!'' sigaw nang direktor at sabay sabay silang sumigaw nang ''Ne!'' at nag roll na ang camera, dahil sa halos isang linggo silang bugbog sa rehersals ay malinis nilang nakuha lahat ng blockings maging steps.

Halos limang oras bago natapos ang shoot nila at lahat ay naging masaya. Nang makabalik na sila sa YG building ay nagpatawag na nang meeting si YG kasama ang BIGBANG at unofficial 2ne1. Nakaupo silang lahat nang pumasok si YG.

''We will wait for the feedback this week, kung magiging hit ang LOLLIPOP TVC niyo... We will start releasing all your hidden video for preparation ng debut ng 2NE1 girl group'' pagbabalita nito.

''I'm writing songs already kaya mag ready kayo'' sunod namang sabi ni Teddy sa mga babae.

''Ah by the way BIGBANG, you'll be staying in Japan for 6 months to 1 year para sa tour niyo at Japan album niyo''sunod na sabi ni YG Appa.

''Ne'' tila tamad na sagot ni Jiyong.

''Oh Jiyong? may problema ba?'' tanung nito.

''Ani.. '' tipid nitong sagot.

''Hindi mo ba maiwan mga babae mo dito?'' tila may panghahamon na tanung niya.

Bigla namang nagbago ang mukha ni Jiyong ''Ani.. pero inisip ko lang mga commitments namin dito'' 

''You have 3 months to finish all your commitments here'' makahulugang sagot ni YG.

After 1 week....

''Omo!! Omo!!! Unnie!!!!'' sigaw ni Chaerin habang nasa training room sila at kakatapos nilang mag praktice.

''Wae-yo Chaerin- ah!!'' sagot naman ni Boom.

''AIGOOO!!! look! look!! nasa tabloid tayo!!!!!'' masayang masayang balita ni Chaerin.

''BIGBANG with the new faces of YG Entertainment made it to number one chart''

ito ang nakasulat sa tabloid maging sa internet, may mga weekly top chart kasi ito at hindi nila inexpect na ganun bebenta ang TVC nila maging ang song na ginawa ni G-dragon para sa LOLLIPOP TVC. Nagtitilian sila nang dumungaw si Ms. Yun 

''Ladies, tawag kayo ni Sangjangnim'' tawag nito at dali daling sumunod ito sakanya.

Pagdating sa opisina nito ay nandun na din ang BIGBANG, Teddy, Kush at iba pang producer nang YG.

Nagulat ang mga ito nang biglang sabay sabay na nagsigawan ang mga ito nang.

''Wazzz up were 2ne1!!!!!! woooooooohhhh!!!!'' at nagpalakpakan pa.

Maluha luha naman ang apat sa nasaksihan.

''Yah! Yedera(kids) wala pa nga umiiyak na kayo'' kanchaw ni Teddy.

''Oppa!'' maluha luha namang sagot ni Chaerin.

''Sitdown ladies'' utos naman ni YG at naupo sila sa sofa.

''Well..'' nakangiti nitong panimula. '' mukhang nakuha niyo ang puso nang masa... so we decided to make it official... were releasing your pre -debut videos tonight, in 1 week you'll be having your debut in television'' masayang pagbabalita nito.

Will love be enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon