Epsisode 21- G-dragon and Kiko

1.3K 14 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyare ang insidente at dahil doon ay mas naging malapit sina Jiyong at Kiko. Si Top naman at Yuri ay araw araw na magkasama kung kaya mas lalong na inlove ang dalaga dito.

Kasalukuyang kumakain sila nang biglang mag ring ang telepono ni Jiyong, ibang number.

''Yeobo-seyo?'' tanung nito, nawala ang ngiti nito nang marinig ang nasa kabilang linya.

''Ji.. '' malungkot na malungkot ang boses ni Dara sa kabilang linya at napansin yun ni Jiyong kaya nag excuse muna ito at naglakad palabas nang restaurant ngunit dinig na dinig ni Dara ang mga babaeng nagtatawanan at batid nitong sina Kiko yun.

''Hey..'' balisang bati ni Jiyong, almost 2 weeks din niyang hindi nakausap ang dalaga at aminado siya miss na miss niya ito.

''Gwenchana?'' mahinang tanung ni Dara.

''Ne, ikaw?'' mahinahon ding tanung ni Jiyong.

Natahimik naman bigla ang nasa kabilang linya kasunod nang mahinang paghikbi.

''Mianhe-yo kung nagalit ako imbes na unawain ka.. pero maniwala ka sana hindi ko siya kinausap o nakipagkita.. nagpalit narin ang nang number para wala na siyang kontak sakin.. bogoshipo Jiyong-ah.. jongmal..'' umiiyak na sagot ni Dara.

Nasaktan naman si Jiyong sa mga sinabi ni Dara. Na guilty ito dahil alam naman niyang walang ginawang masama si Dara pero parang siya pa ang lumabas na masama. Na guilty din itong isipin na mas may oras na siya kay Kiko kesa tawagan o kamustahin man lang ang nobya niya.

''Baby.. mianhe-yo..'' namumuo naman ang luha ni Jiyong dahil na gui guilty ito.

''Nado.. bogoshipo.. sobra baby.. sobrang miss na miss kita''

Pagkarinig ni Dara sa sinabi ni Jiyong ay humagulhol na ito.

''Baby.. huwag ka nang umiyak.. konting panahon na lang at magkakasama na tayo'' pag aalo ni Jiyong na pati siya ay nalungkot bigla.

''Ne... arosso''

''Kamusta naman kayo diyan? sina eomoni, Dami at Sang Hyun?'' tanung ni Jiyong.

''Okay naman sila, busy na si Sang Hyun sa mga shows nila, si Dami unnie nakita ko siya nung nakaraan, siguro pag hindi na masyadong busy bibisitahin ko sina eomoni at aboeji..''

Natahimik naman si Jiyong ''Fuck Ji! anung ginagawa mo!!! Dara's too pure!!!'Buti pa siya naalalang kamustahin ang pamilya mo' ito ang tumatakbo sa isip ni Jiyong.

''Baby.. kmusta naman ang show niyo? balitang balita na kayo ang pinakasikat ngayon na girlgroup ah.. CONGRATULATIONS BABY! I'M SO PROUD OF YOU''

''Gomawo baby.. thank you kasi kung hindi din dahil sa'yo wala ako ngayon dito''

''Ani.. baby you deserve everything you have right now.. ''

''I love you baby''

Napatigil si Jiyong at parang nag flashback sakanya ang mukha ni Kiko nung isang gabing nalasing ito at sinabihan siya nang ''I love you babe''.

''Baby?'' tanung ni Dara sa kabilang linya.

''Ne baby? I love you too''.

''Baby.. okay ka lang ba? may problema ba?''

''Wala naman baby.. wae-yo?'' tanung ni Jiyong nang biglang may yumakap sakanya mula sa likuran.

''Hey.. food's getting cold now'' malambing nitong tawag na kinagulat ni Jiyong at agad nitong napindot ang end button at bahagyang natulak si Kiko.

Will love be enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon