Episode 12- My Butterfly

1.5K 23 1
                                    

Kasalukuyang nakatambay sina Jiyong at Dara sa isang beach front habang kumakain nang subuan siya ni Jiyong.

''Tikman mo.. sarap'' naka gummy smile na utos ni Jiyong.

''Gomawo'' at kinagat naman ni Dara ang fish cake na binili nila sa gilid nang kalsada kanina.

''ang sarap Jiyong!!!'' nakangiting sagot ni Dara. Paborito itong kainin ni Dara ang Tobokki.

''Alam ko'' nakangiting sabi ni Jiyong sabay punas sa bibig nang dalaga.

''Ang saya ko na kasama kita''

Napatingin naman dito si Dara '' Ne.. Nado Jiyong- ah.. masaya ako na ikaw ang kasama ko sa birthday ko'' at hinaplos ang mukha ni Jiyong.

''Alam mo.. hindi ko din alam bakit masaya ako na nakikita kita palagi, nakakasama ka, nakakausap.. pakiramdam ko kapag andiyan ka okay ang lahat.. you're my comfort zone Ji''

''Nado Dara.. I know you're not yet ready but I'm willing to wait''

''Gomawo Jiyong- ah'' at yumakap sa binata, masuyo ding hinaplos ni Jiyong ang likod nang dalaga. Alam nitong mahirap pero hindi siya bibitaw dahil nararamdaman nitong mahalaga na din siya kay Dara.

Dinala naman ni Top si Boom sa kanilang bahay...

''Honey ah! bakit tayo andito?'' kinakabahang tanung ni Boom nang mapansing papasok sila sa isang private subdivision sa Gangnam kung san nakatira si TOP.

''Chill honey.. gusto ko lang makilala nila ang babaeng mahal ko'' nakangiting sagot nito.

''Seung Hyun ah... baka magalit sila kasi..'' hindi nito natapos nang biglang huminto si TOP sa pagmamaneho.

''Boom-ah.. seryoso ako sa'yo.. ikaw ang unang babaeng minahal ko at ipapakilala sa magulang ko.. hindi ba pwedeng kahit man lang sa magulang ko ay legal tau?'' seryosong sagot nito.

''Mianhe honey.. ne.. gomawo'' mahinahong sagot ni Boom.

Nang makapasok na sila sa bahay nina TOP ay nagulat ito nang makitang nag hahain na nang pagkain ang ina nito.

''Oh! andito na pala kayo.. halina at kumain na'' nakangiting aya ng ina nito.

''Anyeongaseyo eomoni..'' magalang na bati ni Boom at humalik ito sa ginang.

''Yeonjun!!!'' sigaw naman ni Top nang makitang pababa ang kapatid karga karga ang 6 months old na anak.

''Oh! Seung Hyun ah! Boomi-ah!'' nakangiting bati nang kapatid nitong si Seung Yoon.

''Anneongaseyo unnie'' at nag bow si Boom, hiyang hiya si Boom dahil mag iisang taon na sila ni Top at ngayon lang niya sila nakilala.

''Oh umupo na kayo't kakain na tayo..'' nakangiting bati nang ginang, kahit may kasambahay sila ay personal silang inaasikaso habang si Top ay masayang karga ang pamangkin. Nilapitan din ito ni Boom at nakipaglaro

''Pogi pogi naman!!!''

''Ehem.. mana sa tito'' biro ni Top at natawa silang tatlo.

''Pwde ko ba siyang kargahin?'' tanung ni Boom at dahan dahang pinasa ni Top si Yeonjun kay Boom.

Nang makarga ito ni Boom at nilabas ni Top ang cellphone at nagselfie silang tatlo habang naiyak si Yeonjun.

''Honey!!!!'' tarantang hingi nang tulong ni Boom dahil hindi na natigil sa pag iyak si Yeonjun.

Tawa naman nang tawa si Top at masuyong niyakap si Boom habang hawak hawak ang bata.

''How can I marry you honey'' natatawa nitong bulong.

Will love be enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon