Episode 11- Road trip

1.3K 19 0
                                    

Maagang nagising si Dara at tinulungang magluto ang kanyang ina. Habang nag aayos nang hapagkainan ay nagulat ito nang makitang pormang porma si Sang Hyun.

''Omo! Omo! san ka pupunta at ganyan ang ayos mo?'' takang tanung ni Dara.

''Ah wala naman noona.. may musical play kasi kami sa school'' sagot nito at umupo na, sakto naming pagdating ni Dami at ang kanyang ina.

''Unnie.. totoo bang girlfriend ni hyung si Kiko?'' tanung ni Dami.

Napatigil naman sa pagkain si Dara ''ewan ko.. hindi yata'' patay malisya nitong sagot.

''Oo nga noona, parang last year pa sila ni lilink sa isa't isa sabi ni Hyung Seong-hu. (member nang MBLAQ).

''Sino si Seong-hu?'' tanung ni Dara.

''Ahmm ate yun ung ka band mem...'' hindi natuloy ni Dami ang sasabihin nang bigla siyang subuan ni Sang Hyun nang hotdog.

''He he he.. ani.. noona..'' pangiti ngiti na sabi nito.

''Yah Park Sang Hyun! may tinatago ka ba sakin?'' tanung ni Dara at tila seryoso ito.

''Noona.. Omma.. mianhe'' panimula nito.

''Wae-yo?''tanung naman nang ina nito.

''Alam ko mali ako, alam kong gusto niyo akong makapagtapos nang pag aaral.. pero kasi nahihirapan din akong Makita si noona na nahihirapan itaguyod tayong mag isa.. kaya naisipan kong mag audition para sa isang boy band'' pagtatapat nito.

''Mwo!!!! Michiso!!!!'' sigaw ni Dara na tila maiiyak sa inis.

''Para saan pa ang lahat nang ginagawa ko kung hindi kayo mag aaral nang mabuti.. at bakit hindi mo agad sinabi samin?!''

''Anak..'' pigil nang ina nito nang makitang maiiyak na.

''Hindi omma! pagod na pagod na akong paulit ulit na maloko nang mga taong pinagkakatiwalaan ko! ikaw pa! Sang Hyun! tiniis ko lahat! kasi gusto kong makatapos kayo at hindi kayo matulad sakin! tapos anung ginawa mo?'' umiiyak nitong sabi.

Naiyak na din ang ina nito at si Dami maging si Sang Hyun.

''Ne! noona! nagsinungaling ako pero hindi ko nilustay ang perang binigay mong pang tuition ko..'' at nilabas nito ang isang envelop sa bulsa at nilapag sa lamesa.

''Wala nang mas sasakit sa lalaking walang magawa para tulungan ang sariling pamilya, ginawa ko to dahil awang awa na ako sayo, binuhay mo kami nang ilang taon na mag isa.. kayo ni mama.. oo noona, hindi ako nag enroll ngayon pero hindi ibig sabihin titigil na akong mag aral.. mag aaral ako pero gusto ko din munang tulungan ka.. alam ko hirap na hirap kana.. kaya nag audition ako sa J Tune Entertainment nang malaman ko na naghahanap sila nang bubuo sa MBLAQ, at natanggap ako.. noona, sorry kung nasaktan kita at tingin mong niloko kita pero hindi.. hindi ko sinusuko ang pag aaral ko.. gusto ko lang makatulong sayo.. mianhe noona'' umiiyak na pagtatapat ni Sang Hyun at lumapit ito sa kapatid para yumakap.

Hindi na napigilan ni Dara ang humagulhol at napayakap na lang sa kapatid.

''Nae Dongsaeng-ah.. mianhe.. mianhe-yo.. ayoko lang kasing mahirapan kayo.. okay na ako na lang..''

''Ne noona.. arosso.. gomawo... pero malaki na din ako at kaya ko na ang sarili ko..''

''Mga anak.. mahal na mahal ko kayo at kahit anung desisyon niyo sa buhay andito lang ako'' umiiyak na sabi nang ina nila at niyakap ang mga anak. Natigil lang ang mga to nang biglang may mag doorbell. Inayos muna nila ang sarili nila at tinungo ni Dara ang pintuan.

''Good morning!'' ito agad ang bati nina Jiyong, Top, Seungri at Daesung.

''Good morning!'' pilit na ngumiti ni Dara kahit kitang kita na galing ito sa pag iyak.

Will love be enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon