Episode 3 - New Beginning

1.7K 24 3
                                    

Limang minuto bago mag alas sais ay nasa ibaba na si Sandara dahil nahihiya at natatakot ito na baka magalit si Jiyong nang may dumating nang isang itim na sasakyan.

''Morning Jiyong sunbaenim'' nakangiting bati ni Sandara nang makasakay sa loob nang sasakyan nito.

''Morning unnie'' tipid na sagot ni Jiyong.

''Ahh Jiyong sunbaenim.. sorry pala kagabi sa mga nasabi ko.. sorry din sa mga abala na nagawa ko'' apologetic na sabi ni Sandara.

Hindi man lang siya sinulyapan ni Jiyong '' Okay lang..'' sagot nito.

Wala silang imikan habang tinatahak ang daan papunt sa YG building. Nang makarating ay naunang bumaba si Jiyong at naglakad papasok sa elevator nang mapansin nitong wala siyang kasunod.

Lumabas ulit ito ng elevator nang matanaw na binabati ni Sandara ang janitor ng YG.

''Good morning samchon (uncle), gwenchana?'' tanung nito habang nakahawak sa may edad na din nilang janitor.

Sumagot naman ito ''Ne ttal (daughter) thank you'' nakangiting pasasalamat nito sabay tayo. Natumba pala ang floor mop nito buti na lang at nahawakan agad ni Sandara. Pinagmasdan ni Jiyong ang dalaga. Nakasuot lang ito naka black jagger pants  at black t-shirt habang nakatali ang buhok nito at pinarisan ng black na rubber shoes, napakasimple pero napakaganda sa paningin nito. Nasa ganun itong pag iisip nang biglang lumingon si Sandara

''Jiyong sunbaenim! pasensya kana mabagal ako'' paghingi nito ng paumanhin habang patakbong lumapit dito at naunang pumasok sa elevator.

Tahimik lang na sumunod si Jiyong hanggang makarating sila sa kanilang training room nang makasalubong nila si YG Appa.

Sabay na nag bow ang dalawa ''Aneongaseyo sangjanim'' magalang nilang bati.

''Oh morning! aga niyong dalawa ah.. sige na Sandara pumasok kana sa training room niyo'' utos nito.

''Ne sangjangnim'' nag bow ito at lumingon naman kay Jiyong ''Jiyong sunbaenim, kamsamnida'' nakangiting pasasalamat nito bago tuluyang pumasok sa kanilang training room.

''Jiyong.. pwede ba kitang kausapin?'' tanung naman ni YG Appa nang makapasok na si Sandara.

''Uh? Ne hyung..'' tipid na sagot nito at sinundan na nito habang papasok na sila sa loob ng BIGBANG training room. Pansamantalang nagre rehearse ang mga dancers nila at tila siya pa lang ang present sa grupo kaya naupo sila sa isang gilid.

''Jiyong-ah..  halos kalat na kalat na ang mga balita na kung sino sino ang nilalabas mong mga babae galing sa ibang agency.. hindi naman sa pinapakealaman kita sa personal mong buhay pero concern lang ako sa career mo.. niyo..'' mahinahon na panimula ni YG.

''Alam naman nating pareho hyung na hindi ko sila girlfriend, were just having fun'' rason nito na tila bagot na bagot.

''I know pero alam mo naman na isa ka sa pinaka sikat na K-pop superstar.. maraming may gustong ipabagsak ka.. and ayaw kong masayang lahat nang pinaghirapan mo..'' 

''I know.. thank you.. I'll be more careful from now on.. mianhe (sorry)'' sagot nito at tinapik lang siya ni YG at sunod sunod nang nagsidatingan ang iba pang member ng BIGBANG at nagsimula nang maging maingay ang paligid lalo na sa alingaw ngaw ni Seungri, napatigil lang ito nang makitang nandoon si YG.

''Goooooooddddd morrrningggg peeeeopppleee!! Ha.. ha.. handsomeeee Seung...'' sigaw nito na tila hari habang papasok ng pintuan, hindi nito natuloy pa ang sasabihin nang matanaw si YG na nandun. Agad agad itong nag bow.

''Sangjangnim.. goodmorning'' sunod sunod na bow nito.

''Ne.. umagang umaga napaka ingay mo talagang maknae ka.. kabisado mo na ba lahat ng dance step niyo?? papanoorin ko kayo mamaya.. arroso?!'' kunwaring galit nito kay Seungri.

Will love be enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon