Ms. Lalakero Meets Ms. Babaera (G2G Romance)

55.6K 649 24
                                    

haaaayy.... napabuntong hininga si Danica habang nakaharap sa Computer.

Ang dami dami naman kasing pinapagawang research paper ng matandang hukluban nyang prof. sa History.

kailangan kong tapusin to, at magkikita pa kami ni Lucio bukas ng hapon sa coffee shop. Nakakainis kasi yung matanda na yun! bulong nya sa sarili.

makalipas ang ilang minuto.

waaah! ayoko na! sigaw ni Danica

letseng Google to! ayaw sagutin ng matino tanong ko! napahiyaw nyang sabi.

at biglang may sumapok sakanya mula sa likuran nya.

haharap sana sya para magalit sa gumawa nakita nya Mama nia pala at mukang ito pa mas galit sakanya.

"ano kaba naman Danica! alam mo naman natutulog si Jose kung humiyaw ka dyan parang wala kang kasama sa bahay!" pagalit sakanyang salita ng Mama nia.

si Jose ito ang bagong kinakasama ng Nanay nya. wala na syang tatay namatay dahil naaksidente sa kotseng minamaneho..

Maganda ang mama nia, kaya naman marami pa din nahuhumaling dito. kasi kahit may edad na hindi nito pinapabayaan ang sarili,mapag ayos ito at malinis sa katawan. dito sya nagmana ng kagandahan pati din siguro ng kalanturan :)

"sorry ma, naiinis kasi ako ang dami ko pang gagawin parang wala akong natatapos" sagot nia sa mama nya.

"ikaw talagang bata ka. di ko alam kung san ka nagmana ng kabaliwan. sige tapusin mo nayan. tandaan mo kung anong oras na! batang to.. parang sya lang tao sa mundo!" naririnding wika ng mama nya.

"sige ma, tulog kana."

tumalikod na sabi nya at muling humarap sa computer.

"hindi talaga kita matatapos dahil ayaw makisama nitong Google. haaay sa library nalang kita tatapusin bukas" kausap niya sa sarili.

Kinabukasan.

"tiiiiiiinnnggggggggg! tiingggggggggg!"

" ahhhh." nag inat sya habang inaabot ang alarm clock habang nakapikit.

" five minutes more please.." sambit Nya na parang nagmamakaawa sa alarm clock.

pagkasabi nyang yon may biglang pumalo sa pwitan nya.

"hoy Danica. bumangon kana dyan! malelate kana naman!" Mama nia pala.

" ma ano ba matuto kang kumatok."

sabi nya na bugnot na bugnot

"abat...."

"oo eto na ma gigising na!"sabi nia na Hindi na pinatapos pagsasalita ng ina..

Ms. Lalakero Meets Ms. Babaera (Girlxgirl Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon