Papasok ko na yung twist sa story. Malapit na tong matapos :)

8.9K 169 3
                                    

Danica's POV

ano ba yan kakahiwalay palang namin ni Cass namimiss ko na sya. huhu :'/

Di ako mapalagay .. -____-

I really want to see her talaga :/ uhmmm ano kaya kung i'surprise ko sya?hihi.

maya maya nagbaked si Danica .. Hindi naman kasi sya marunong magluto. baking lang talaga ang alam niya.

makalipas ang ilang oras naprepare na niya ang caramel cake na may nakalagay pang 'I Love you' .. maya maya sarili naman niya ang inayos para makaalis na..

sana magustuhan ni Cass ginawa ko :)

nag umpisa na syang maglakad papunta sa parking lot.. sumakay na sya sa sariling kotse at bago pa man paandarin ang makina tiningnan niya muna yung phone niya kung may nag text.

bakit kaya di nagtetext yung babae nayun. sabi ng isip niya

pinaandar na niya ang makina.at tumungo na sya sa bahay ni Cass.

makalipas ang kalahating oras narating na niya ang bahay nito .. pinapasok na sya ng guard dahil sa kilala sya nito..

Kinakabahan ako.. sana magustuhan ni Cass ginawa ko. :3

habang papalapit sya sa pinto bumungad sakanya si Lucio na nakatayo at si Cass na tila nakikipaghalikan dito..kitang kita niya kung pano tumugon sa halik ni Lucio si Cass..Hindi niya napansin na nakatingin pala sakanya si Lucio habang sakop nito ang labi ni Cass at tila tuwang tuwa ito na para bang nanalo sa laro.. tila nanghina naman sya sa nakita at nangatog ang binti niya, wala sa loob na naibagsak niya ang dalang cake.. napatulala siya sa nakita. nagumpisang tumulo ang Luha niya..

di niya kayang tagalan pa ang ganong eksena kaya napatakbo sya patungo sa gate sa sobrang sakit na nararamdaman..

"Mam okay lang po kayo.?' pag aalalang tanong sakanya ng guard dahil nakita syang luhaan nito.

Hindi niya ito kinibo at nagpatuloy sya sa paglalakad papunta sa kotse niya..

pagkapasok niya sa kotse niya. Napahiyaw sya at wala sa loob na pinagpapalo ang manibela dahil na din sa sobrang bigat na nadarama niya..

'Shit ka Cass!! sa buong buhay ko ikaw lang minahal ko. pinaglaban pa kita sa mama ko.. lolokohin mo din pala ako!!!!!!" sigaw ng utak niya.

minabuti nalang niyang umalis sa lugar nayun. halos paliparin niya ang kotse pauwi ng bahay nila... sa oras na to ang kalinga ng mommy niya ang kailangan niya..

makalipas ang ilang minuto narating na niya ang bahay nila.. pumasok sya sa gate at bumungad sakanya ang mommy niya na nakatingin sa kawalan sa bintana..

"Mommy.." basag niya sa katahimikan ng bahay nila.

napalingon sakanya ang mommy niya at nagumpisa ng tumulo ang luha nito at niyakap sya..

'anakkk.. im sorry.. huhuhu.. patawarin mo ko kung hindi kita inintindi. napakadami ko palang pagkukulang sayo. simula ngayon anak hindi nako hahadlang sainyo ng mahal mo.. basta patawarin mo lang ako. ayoko ng mawala kapa :( :( "

nagumpisa na din syang umiyak

"mommy I'm sorry kung sinuway ko po kayo.. :( :( :( tatapusin ko na po yung sa amin ni Cass, tama po kayo.. patawarin niyo din po ako..." :(

sinimulan ng ikwento ni Danica sa mommy niya ang nakita.. at mas lalo pa sya nitong kinaawaan .. humihingi ito ng patawad sa pagpapabaya nito sakanya..

Lucio's POV

Malayo palang si Danica natanaw na niya ito. saktong pababa palang ng hagdanan si Cass..

kita mo nga naman ang tadhana, talaga bang gusto niya talagang makita ng personal ang plano ko ? hahaha *evil laugh* bulong niya sa isip.

nabuo ang plano niyang pagbaba palang ni Cass hahalikan niya ito para makita ni Danica ang ganoon eksena. wla naman talaga sa plano niya magpakita ng live kay Danica ang unang plano niya hahalikan niya si Cass at ipapadala niya ang litrato kay Danica .. Pero mukang nakikisama ang tadhana ah? :)

pagkababa ng pagkababa ni Cass .. tinitigan niya muna ito. para bang may bago dito... ngunit nakita na din niyang papalapit si Danica kaya hinalikan na niya ito .. nagulat sya dahil tumugon din sa halik sakanya si Cass. ang buong akala niya sasapakin sya nito .. nagustuhan niya ang malambot na labi nito..

ngunit napatingin ulit sya kay Danica. nakita niya kung pano ito nagulat kung pano nito nabitawan ang dala nito.. kung pano ito umiyak dahil sa nakita..

Hahahaha nagtagumpay sya *evil laugh*

makalipas ang ilang segundong pakikipaghalikan kay Cass tumigil ito at tila natauhan.. bigla siya nitong nasampal..

nagulat siya sa pagsampal nito at nagtaka sya. bakit sampal at hindi suntok?hahaha

imbes na magpaliwanag sya sa ginawa niya dito nginitian niya lang ito at iniwan..

Ms. Lalakero Meets Ms. Babaera (Girlxgirl Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon