Malapit na tong matapos..May part 2 po, Dont worry :)

8.9K 180 2
                                    

Danica's POV

"Pwes tingnan moko sa mata tsaka mo sabihing hindi mo nako mahal!!!!!!!"

"Hindi na kita mahal. at Hinding hindi na kita mamahalin pa.."  pagsisinungaling niya dito...

bumabalik sa alalahanin ni Danica ang huling pag uusap nila ni Cass.. sa mga oras nayon. nagpipigil siyang yakapin si Cass, pinigilan na din niya ang sarili na tumugon sa halik nito..  pinapahirapan mo ko masyado Cass. :( Hindi na kita pwedeng mahalin kasi ikaw ang dahilan kung bakit nawala si daddy, nagawa mo Pa kong lokohin at ipagpalit kay Lucio... :( nag umpisa na naman tumulo ang luha niya..

lumipas ang isang linggo ni anino ni Cass hindi niya nakikita.. 

"namimiss ko na siya,. :( pero hindi pa din kitang kayang patawarin." bulong ng isip ni Danica ..

natigil lang ang pag iisip niya ng may kumatok sa pinto niya..

"Pasok" maikling sabi niya sa kumatok

"Mam may matandang babae pong naghahanap sainyo, si nanay Elvie daw po siya at kilala niyo daw po siya. papapasukin po ba namin?" sabi ng katulong nila

"Sige"

kinabahan siya bigla ng marinig ang pangalan ni manang Elvie. ano kaya gingawa niya dito??. syet! baka may masamang nangyare kaya kay Cass? baka nag suicide attempt ito? kaya ba hindi na niya ito nakikita sa school??? madaming tanong sa isip niya kaya minabuti nalang niyang harapin ito.

'manang Elvie kumusta po kayo?ano po maitutulong ko po sa inyo?" magalang na sabi niya dito

"Wala naman iha. may pinapabigay lang si Cassandra sayo. ito oh" inabot nito sakanya ang isang sobre at isang puting rosas.

"sinabi niya sakin na ibigay ko to sayo matapos ang tatlong araw. nasa america na siya ngayon at doon na mag aaral.. yun lang iha. sige aalis na ko ha. at may lakad pa ako e."  sabi ni manang Elvie sakanya at pinasak na nito sa tenga ang headset.

wala na ito sa harap niya naiwan siya doon habang hawak hawak ang sobre. sinimulan niyang buksan ito.. bumungad sakanya ang sulat ni Cass

Prinsesa ko,

kumusta kana? sa oras na mabasa mo to. wala na ako dito... sana sa paglayo ko nato naging masaya ka, wala ng mang gugulo sayo, okay yun di ba? gusto ko lang malaman mo, sa puso't isip ko. Hindi kita niloko.. pero wala na din sense kung sasabihin ko pa to dahil hindi mo na ko mahal... oo nasaktan ako. kasi lahat ginawa ko na para sayo.. pero siguro nga tama ka.. mas okay kung lalayo ako.. mahal na mahal kita prinsesa ko, at kahit kailan hindi ko pagsisisihan na nakilala at minahal kita.. dahil sayo, natuto akong magmahal at masaktan.. sana sa tamang panahon magtagpo ulit ang landas natin at sana sa araw nayun bigyan mo na ako ng chance makapagpaliwanag sayo.. mag iingat ka palagi.. paalam...

love,
Cass.

di niya napansin na lumuluha na pala siya habang binabasa ang sulat nito.. nanikip ang dibdib niya kaya napaiyak na sya ng malakas.. Y.Y

wala na si Cass. wala na yung taong nagpangiti talaga sakanya ng totoo...

sa sobrang sakit na nararamdaman niya. nagpunta siya sa bar para uminom para kahit pano makalimot siya..

habang nasa bar. inom siya ng inom... wala na siyang pakialam kung malasing man siya .. basta ang gusto niya lang makalimot kay Cass.

tumunog na ang masayang tunog. handa na ang dance floor. marami ang nagsasayawan don. tumayo siya para makisayaw... madaming lalaking naglapitan sa gawi niya at nakikisayaw sakanya, yung iba hinihipuan na siya at kinakaskas na ng mga ito ang maselang bahagi nila sa gawin pwitan niya.. natigil siya sa pagsasayaw ng may humila sa kamay niya..

sa sobrang hilo niya pagewang gewang siyang napasunod sa may hawak ng kamay niya. dinala siya nito sa private room at iniupo sa sofa.

"My god girl, what are you doing?!" sabi sakanya ng babaeng nakadress na hubog na hubog dito ang magandang katawan.

napalingon siya pataas dito

"Cass??"

"I'm not Cass, I'm kendra. her twin sister.. Buti nalang nakita kita sa dance floor! Kulang nalang hubaran kana ng mga lalaki don.. my sissy will kill me kung hindi kita sinave ngayon."

napatulala siya sa sinabi nito. Hindi na niya halos maintindihan kung ano nga ba ang sinasabi nito. sa sobrang hilo na nararamdaman,nakatulog nalang siya..

"Waaaa... Tinulugan ako ?? " sabi ni kendra sa sarili

nagpatulong si kendra sa mga lalaki para buhatin si Danica papunta sa kotse niya..

nabuo na sa isip ni kendra na sasabihin na niya lahat kay Danica , kahit na sampalin pa siya nito. wala na siyang pakialam. kailangan niyang harapin ang kasalanan niya. dahil ang nagdudusa ang kawawa niyang kambal na si Cass...

dinala niya ito sa secret garden para makasagap din siya ng sariwang hangin bago magtapat dito.

Ms. Lalakero Meets Ms. Babaera (Girlxgirl Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon