TCH 2:

218 5 0
                                        

GEORGE' POV

Kanina pagkapasok ko pa lang sa room, kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung paano ko nagawang sagutin ng ganon si Ivan. Alam ko ang reputasyon nila sa eskwelahang ito, pero hindi porke't anak sya ng may ari nito ay maaari na syang maglaro ng damdamin ng iba. Hindi niya pwede paikutin o kontrolin ang mga tao sa loob ng unibersidad na ito.

Akala mo kung sinong mga kagwapuhan at mayaman. Ang pinaka ayoko pa naman sa lahat yung saksakan ng yabang. Apihin na nila lahat pero hindi ang isang nag ngangalang George Smith sa loob ng unibersidad na ito. Ay! hindi pala. Hindi ako papayag na apihin pa nila ang lahat. Mahahanap nila ang katapat nila pag nagkataon.

"Hi classmate! nice one huh?" narinig kong sabi sa akin nung babaeng tumabi sa akin.

"Ganyan ba talaga sila? wala ng pag asang magbago?" tanong ko rito

"Himala kung maituturing kung magbago pa yang mga yan." iiling iling na sagot nito. Hindi na ako kumibo. Dumating yung teacher namin pero tulad nga ng inaasahan ko, lumabas ito dahil sa ginawa ng magbabarkada. Tumayo ako at pumunta sa pwesto nila. Tinitigan naman ako ni Ivan, tinaasan ko sya ng kilay

"Bakit mo ginawa yun?!" taas kilay na tanong ko

"Paki mo?" mayabang na sagot nito, kalma lang george. pero naiinis na ko lalo na ng makita kong nagbubulungan yung na sa harapan ko

"Alam mo, hindi porke't anak ka ng may ari ng eskwelahang ito, magagawa mo na yung gusto mo. Hindi ko alam kung bakit kayo tinawag na Campus Heartthrob e, samantalang di naman kayo kagwapuhan. Ang papangit nyo. Tinalo nyo pa yung aso ko sa bahay. At least yung cute di tulad nyo." Deretsahang sabi ko sa kanila. Prangkahan lang! bakit ba?!

Lalo pang napataas yung kilay ko ng tumayo si ivan at ilapit ang mukha sa mukha ko. Gue! di ako lumayo, Isang maling galaw nya lang and I'll kick his ass!

"Alam mo miss george, ang init ng dugo mo sa amin. Masyado kang pakipot alam mo ba yun?" sabi nito sabay layo ng mukha nya sa mukha ko pero inakbayan nya ako. Pinalis ko yun, bumalik ulit yung titig nya sa mukha ko.

"Blush?" nakangising tanong nito sa akin. Sino ang nagbblush? AKO?! kapal din pala talaga ng mukha nito e.

"Kung ano man yang iniisip nyo, ito lang ang masasabi ko. Hindi mo o nyo ako mapapaikot. Gusto nyo ng away? eh di fine!" matapang na deklara ko, nilingon nito sina jet at dominic

"Pre? away daw oh?" sabi niya sa mga to. Nagkibit balikat lang ang naging sagot ng dalawa

"Baka naman umatras ka bigla? alalahanin mo, babae ka. Lalaki ako" taas kilay na sagot na rin nito, may nakakabit din na naglalarong ngiti sa mga labi nito.

"Tignan na lang natin Mr. Ron Ivan Dimatalo, yang last name mo papatunayan kong matatalo ka sa labang to." sabi ko pagkuwan ay umalis na sa harap nila at lumabas na ng classroom

***

Na sa Quadrangle ako, nakaupo ako isa sa mga bench doon. Nakatuuon yung pansin ko sa librong binabasa ko ng may bolang tumama sa pwesto ko. Grr! Napaangat yung tingin ko sa bumato nun. Naghahamon na talaga tong lalaking to eh! Away o Rayot ba gusto ng mga to?!

"Sabihin mo sa akin kung nagsisimula na ang away. Be fair mr. dimatalo, ganyan ka ba lumaban?" nang aasar na tanong ko sa kanya. Nag crossed arm pa tong lokong to saka lumapit sa akin at bumulong sa may tainga ko

"Sa away na to Ms. Smith, wala ng paalalaman. Kung kailan ko gustong lumaban, lalaban at lalaban ako. Kaya kung ako sayo, back out ka na" pagkasabi niyon ay tumalikod na ito na naglakad papaalis kasama ang barkada nya. Syempre di ako papatalo di ba? kinuha ko yung bolang ibinato niya sa akin kanina. Binato ko yun sa kanya at Boom! lumingon ito sa akin na hawak hawak yung ulong sadyang tinamaan ko ng bola.

"Sino ang may sabi sayong mag baback out ako? nagpapatawa ka ata mr. dimatalo huh? para sabihin ko sayo kapag nag hamon ako yung kalaban ko ang umaayaw at hindi ako. Wala pang nakakapagpabagsak sa isang katulad ko. Isaksak mo yan sa utak mo" sigaw ko sa kanya

"Bakit mo ginawa yun?!" instead na patulan yung sinabi ko sa kanya, yan ang itinanong nya. Slow pala ng lalaking to eh! ahahahaha

"Akala ko ba matalino ka? bakit yun lang di mo pa masagot?" nakataas kilay na tanong ko sa kanya sabay ngisi ng nakakaloko

"Tandaan mo tong araw na to ms. smith, hinding hindi ko to mapapalagpas" nagtatagis na sabi niya. Ako pa tinakot ng loko huh? tignan lang natin

"Sabihin mo lang kung saan at kailan mr. dimatalo, hindi kita uurungan kahit babae ako" nakangising sagot ko sa kanya. Tinitigan pa nya ko ng matalim bago sila tumalikod at naglakad na paalis. Sila rin pala ang tatalikod sa huli. Tsk.

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon