TCH 16

169 3 3
                                        

GEORGE' POV

Nanlalaking matang nagkatinginan kami ni Ron, dahil sa sinabi ni mommy.

Seriously? they just to be kidding me. Ako at sya? Pupunta ng europe? as in only the two of us?!

'NO! it can't be!' bulong ko sa sarili ko.

Kahit matagal ko ng pangarap ang pumunta sa paris, hindi ako pupunta ng kasama ang lalaking to.

"Mom? kung ganon lang din, hindi na kami tutuloy. Anong gagawin namin don?!" kunot noong tanong ko rito.

"Hindi pwede iha, ayos na ang flight nyo. Kaya tutuloy kayo ngayon." sagot nito

"Pero ano ang gagawin namin don?!" giit ko. Ayoko talaga matuloy to. "At saka may klase pa kami. Hindi pwedeng hindi namin papasukan yon"

"Inayos na namin ang mga iyan iha, kaya wala ng problema" sagot agad naman ni daddy.

"but--"

"No more buts, iha" inis na turan ni daddy.

Wala na kong nagawa, pag sila na talaga ang nagdesisyon. Wala na kong magagawa pa.

Napaupo na lang ako ng makaalis ang mga ito sa harap namin.

"Kung ayaw mo huwag na natin ituloy" Maya maya ay narinig kong sabi ni Ron. Umupo ito sa katabing espasyo sa inuupuan ko. Nakahilamos ang mga palad ko sa mukha ko.

"ah, iha. Nakaayos na nga pala ang gamit nyo. Kaya wala na kayong dapat na dalhin pa" Sabi ni mommy na nakapagpalingon sa akin. Nang makita kong nakanigiti ito, lalo akong napasimangot at napalingon sa katabi ko

"Paano? eh! ayan na, nakaayos na ang lahat. For sure may mag momonitor nito" Naiinis na sagot ko rito.

***

NAIA at the moment. Arggh! palakad lakad ako, habang si Ron naman ay nakaupo lang.

"Pwede ba hyle?! ako ang nahihilo sayo eh" naiinis na sabi ni Ron.

Hindi ko iyon pinansin, tuloy lang ako sa ginagawa ko.

"Bullshit hyle! pwede ba?! hindi naman ibang tao ang makakasama mo!" napalingon ako kay Ron, naka tayo na ito at naka kunot ang noo.

"ay? hindi ka ba ibang tao? akala ko kasi iba ka" pang aasar ko rito, nilapit naman nya yung mukha nya sa mukha ko na naging dahilan para mapaatras ako. Pero mabilis sya kaya nahawakan nya agad ako sa bewang ko.

"Bitiwan mo ako" inis na utos ko rito

"Pano pag ayoko ko?" mapang asar na ngiting tanong nito . Ah! that smile.

"Sisigaw ako" pagbabanta ko

"Eh di sumigaw ka"

"Tu--" pagsigaw ko pero hindi ko na natuloy ng bigla nyo kong hapitin papalapit sa kanya at kabigin ang batok ko.

"Hindi ako hihingi ng sorry sa gagawin kong ito" pagkasabi niyon ay bigla na nyang tinawid ang natitirang pagitan sa aming mga labi.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa nito pero unti unti na ring akong napapikit.

Nakapikit pa rin ako ng tapusin nito ang halik. Pagkamulat ko ng mga mata ko, mabilis akong tumalikod rito. Ah! nakakaasar ka hyle! Naramdaman ko pa lalo yung pang iinit ng pisngi ko ng lumapit ito at akbayan ako.

"It's taste so sweet, Honey. Tara na" bulong nito sa akin. Para naman akong naging sunod sunuran rito. Kusang humakbang ang mga paa ko.

'HONEY?' napakunot noo ako sa narinig ko. Ano raw yun? honey? ako? honey nya ako?!

---

Readers! new update. ahahaha <3 vote and leave your comments and suggestions. Tcare everyone! Kob Khun Ka! :)

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon