GEORGE' POV
Hindi ko alam sa lalaking to kung pinapatamaan nya ba talaga ako o ano e. Nakakaasar. Narinig ko naman lahat. Nagkunwari akong tulog.
Nagulat ako sa lahat ng narinig ko. Maniniwala ba ako? parang gusto kong umiyak sa nalaman ko. Pero nandoon pa rin ang sakit eh!
"Hyle?" napalingon ako rito, hawak pa rin nya yung gitara nya.
"May gagawin ka na ba agad mamaya?" tanong nito pagkuwan ay ibinaba yung gitara at umayos ng upo.
"Wala pa naman, bakit?" sagot ko
"Pwede ba kitang ayaing kumain sa labas?"
ah? ano daw? nabingi po ata ako sa narinig ko.
"sure" aw. hyle, anong sinagot mo? pumayag ka?!
'Pwede mo ng simulan ang plano mo' sabad ng utak ko. Oo nga nuh? okay! this would be fun. tsk.
"What time?" tanong ko
"Seven thirty"
"okay, matutulog muna ulit ako. Sa kama na ako huh?" sabi ko, ng ngumiti ito at tumango, tumayo na ako at pumasok na sa loob.
Pagkapasok ko, pumunta muna ako sa bathroom para maghilamos at makapag palit na ng damit.
Nang matapos ako at makalabas na, diretso higa na agad ako sa kama. Pilit kong ipinipikit ang mga mata ko pero di ko magawa.
Saan kaya kami pupunta mamaya? Ano kayang gagawin namin? Ano kaya susuotin ko?
'teka nga! bakit ba problemado ka dyan? sasama ka para magawa ang plano mo hyle!'
okay, epal mo kahit kelan. Letse!
***
IVAN's POV
Di nga? pumayag talaga sya?! wow! hindi maalis alis yung ngiti ko sa mga labi ko.
'Ivan! huwag masyadong excited! mamaya nyan di matuloy e.'
Okay, okay. Inhale, exhale. Napabuntong hininga na lang ako, kinuha ko ulit yung gitara ko ang nag strum.
"Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka"
Pagkanta ko, sabay beat na rin gamit yung gitara ko. Well, ganyan ako ka vein, pagdating sa hilig ko.
"Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta Sana'y di na tayo magkahiwalay Kahit kailan pa man
Ikaw lamang ang aking minamahal Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na" pagtatapos ko sa chorus. Mukhang tanga na ko kasi para na akong nagcoconcert mag isa sa labas ng terrace namin. Inilapag ko muna yung gitara ko at sumilip mula sa glass window ng terrace, ng makita kong nakatalikod si hyle, napangiti ako. Sinigurado kong sarado yung pinto at saka bumalik sa kinatatayuan ko kanina.
Nag unat muna ako saka bumwelo para sumigaw sa kalawakan.
"GEORGINA HYLE SMITH! IKAW LAMAAAAAAAAAAAAAAAAANG!" pagsigaw ko. Matapos nun, masaya akong pumasok sa loob. Sinilip ko sya kaso nakapikit. Nag iwan na lang ako ng note sa kanya na lalabas muna ako.
Okay! simulan na ang paghahanda para mamaya. Gusto ko, ito yung araw na hindi nya makakalimutan.
----
Reeeeeeeeadeeeeeers! sigaw din tayooo <3 ahaha love ko kayo kasi sinusuportahan nyo yung katangahan ni Ivan :( Sorry sa naiinis kay hyle. Konti na lang na sa part na tayo na mas kakainisan nyo si hyle. </3 Ikaw lamang by silent sanctuary :)) Kob khun ka!
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Teen FictionRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...