TCH 12

230 1 0
                                        

MITCH POV

Hi! Im Mitch Tyler, Ivan's EX-girlfriend slash BEST FRIEND  Hayan na, diniinan ko na talaga yung salitang 'ex' at 'best friend' para wala ng umangal sa inyo. Actually, Im the one who broke up with him. Well? naglalaro lang naman kami eh, kaya di ko yung sineryoso at saka ako talaga ang nagpahamak kay ivan, huli na ng malaman nya na dineclare ko na boyfriend ko sya pero dahil malakas din ang topak nya, pinatulan na lang nya. Alam nya kasing kaibigan nya ang mahal ko, pero still kami lang ni ivan ang nakakaalam non until something happend.

Kanina sa university, ng marinig ko ang balita, ay? hindi pala! mas tamang sabihing naka post sa may bulletin board ang 'MR. DIMATALO AND MS. SMITH LATE ENGAGEMENT PARTY TO BE ANNOUNCE'

Natatawa nga ako e, kahit papaano kasi sa mga panahong naglalaro kami ng kumag na yon, panay kwento sya about his past. His First true love. The only girl who caught his attention and his cold heart.

Grabe, sino bang mag aakala na matatagpuan nya ulit ito? ito pa, sa pagtatagpong iyon, kasalan agad ang nakaabang.

Nakita ko si Ivan na lumabas ng classroom so I decided to follow him. Ang kaso ang bilis nyang mailock yung pinto ng audi. Kahit kailan talaga tong kumag na to! kapag tinopak, topak talaga!

Nakatayo lang tuloy ako sa harap ng pinto ng audi. Alangan ako kung kakatok ba ako o ano. Nang kakatok naman na sana ako, naramdaman kong may mga matang nakatingin din sa akin. Pagtingin ko, ganon na lang ang paniningkit ng mga mata ko dahil sa nakita ko. Ang isang babae na kausap ang lalaking mahal na mahal ko.

Pupuntahan ko sana sila ng bumukas naman yung pinto ng audi, kaya napatingin ako rito. Tapos binalik ko agad kung saan ako nakatingin ang kaso wala na sila.

"Mitch!"

Napabaling ulit ang tingin ko sa lalaking na sa pinto. Okay? ahahaha,

"Ivannnnnny!" nakangiting tawag ko rito.

"A-ha-ha-ha ang baduy mo pa rin" sabi nito sabay poker face. "Kailan ka pa bumalik?" tanong nito.

Ang walanghiya, di man lang mag alok na pumunta sa cafeteria.

"Uso mang imbita sa cafeteria, para doon tayo makapag usap" pairap na sabi ko rito na ikinangisi nya.

"Tara na!" masiglang deklara nya sabay hila sa braso ko at takbo sa may cafeteria. Ang adik talaga ng lalaking ito.

"Bitawan mo na ako, baka masira ang image mo bilang campus heartthrob nyan eh" natatawang napatampal ako sa kamay nya na nakakawit sa braso ko. Mabilis naman nya iyong binitawan. Naupo na kami sa upuang bakante, umorder si ivan ng coffee at cake.

"So? kailan ka pa dumating?" excited na tanong nito

"Ah, kanina lang. Sumugod agad ako rito para sana sopresahin ka, ang kaso ako pala ang masosopresa." nakangiting tugon ko rito. Sabay subo ng cake.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong nito.

"Hello? Di mo ba nabasa yung nakapost sa bulletin board nyo? bah! masyadong malaki at naka Bold letters pa para di mo mabasa yon" pairap na sabi ko, na lalong nakapagpagulo sa ekspresyon ng mukha nya. "You're getting married soon! at hindi ko inaakala na sa babaeng mukhang bibig mo pa, ikaw maikakasal" pagpalatak ko.

"Nag iba na sya mitch. Ang layo ni hyle noon, sa ngayon"

"Bakit? iba rin naman ang Ron Ivan noon, sa ngayon. Hindi ba?" taas kilay na tanong ko rito. Iiling iling lang ito sa akin.

"Ala--" hindi ko naituloy yung sasabihin ko ng mag ring yung cellphone nya "Go ahead. Take your time" nakangiting sabi ko

"Excuse me" sabi nito sabay tanggap ng tawag, Inabala ko lang yung sarili ko sa pagkain ng cake at pag inom ng coffee. Ito ang na missed ko rito e.

"Mitch, I have to go na. Hahanapin ko pa kasi si hyle, pinapahatid ni tita" maya maya ay pagpapaalam ni ivan sa akin. Nakakaunawang tumango tango naman ako rito.

***

DOMINIC' POV

Hi, Im Dominic. Ivan's closed friend. Well, medyo naguluhan ako ng una sa sitwasyon nila ni george. But, to think of it? ahm.. . Kahit magulo pero Masaya naman yung sitwasyon nilang dalawa lalo na sa part ni Ivan. Sino ba ang mag aakala na magkakaharap pa sila ng babaeng panay kwento nya noon sa amin?

Anyway, naintindihan ko na lahat, ng makausap ko si george. Masarap din pala talaga sya kausap. Hindi sya nahihiyang magkwento. Mabilis din syang magtiwala, dahil sa sinabihan nya ako ng kung ano ang meron sa nakaraan nya, nila ni Ivan.

Napapangiti ako habang naglalakad papunta sa may parking lot ng may makita akong babae.

'Mitch Tyler?' sambit ng utak ko. Oh! shit! sya nga!

"Mitch!!" tawag ko rito. Nakatalikod ito at mukhang nag aabang ng masasakyan. Lumingon naman ito sa akin sabay kaway. Sumenyas ako sa kanya na hintayin nya ako. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar iyon. Huminto ako sa tapat ni mitch.

"Going home?" tanong ko

"Yup."

"Come, ihahatid na kita" nakangiting sabi ko rito

"Sure? di ba kita maiistorbo?" nag aalangang tanong nito. Nang umiling ako, ngumiti na ito. Mabilis itong umibis ng sasakyan.

"Kailan ka pa nakabalik?" tanong ko dito habang nagmamaneho

"Kanina lang, dumiretso lang ako agad dito" sagot nito

"Nakita mo na si Ivan?" tanong ko

"oo, nag cafeteria kami, usap lang saglit kasi kailangan na daw nyang umalis da--"

"Dahil hahanapin nya si hyle" tuloy ko

"oo, pano mo nalaman?" baling nito sa akin

"Kasama ko kasi si hyle kanina." sabi ko

"ahh" tumatango tangong sagot nito

Naihatid ko si mitch ng di na kami nagkikibuan sa isat isa. Okay, awkward ba? tsk. Kasama ko ang ex ni Ivan ngayon, tapos kanina si Hyle ang soon to be dimatalo. Nabanggit ko pa. Gue!

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon