IVAN's POV
Sinundan ko si Hyle, pero syempre yung tipong pinapauna ko sya at paglumilingon naman sya mabilis na nagtatago ako.
"Akala ko ba pagod ka?" tanong ko rito ng na sa harap na nya ako. Naka upo sya sa swing sa park na kung saan una at huling pinagkitaan namin noong mga bata pa kami.
"Sabi na eh! sinusundan mo ako, anong kailangan mo?" kalmado pero taas kilay na tanong nito sa akin.
"Matagal mo na palang alam, bakit di mo sinabi? Payag ka bang magpakasal sa akin?" biglang out of the blue na tanong ko. Bumalot sa amin ang isang nakakabinging katahimikan ng di sya sumagot.
Umupo ako sa katabi nyang swing, pinagmamasdan ko sya habang nakatingin sa ulap.
"Alam mo kung a-"
"Di ba ako ang dapat magtanong nyan sayo?" putol nito sa sinasabi ko
"huh?"
"Ikaw na kilalang di nagseseryoso, biglaang magpapakasal? di ba parang kahihiyan yun sayo?" lingon nito sa akin
'Kung ikaw naman ang mapapangasawa ko, bakit ako tatanggi?'
Gusto kong sabihin pero nanatiling na sa utak ko lang iyon.
"Naalala mo pa?" tanong ko na lang sabay baling sa mga ulap.
"Ang alin?!" balik tanong nya sa akin.
"Ito" maikling sagot ko sabay ngiti at baling sa paligid, umiling lang naman ito.
"Bakit?" tanong ko ulit.
"Bakit?"
"Bakit ka bumalik? Bakit hindi ka nagpakilala, Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit?" sunod sunod na tanong ko.
"Bakit kailangan mong malaman? Ano ba kita? Ano ang pakialam mo?" sunod sunod ding tanong nito sa akin
"Ganyan ka ba talaga?" kunot noong baling ko sa kanya
"Ikaw, ganyan ka ba talaga?" balik na naman nito.
Ah, shit lang! lahat na lang ng itanong ko, tinatanong din nito. Konting pigil pa Ivan!
"Hanggang kailan mo gagayahin ang mga tanong ko sayo?" kunot noong baling ko sa kanya
"Ikaw, hanggang kailan ka magloloko?" tanong nito sabay tayo at lakad na paalis.
Naiwan naman akong nakatanga doon. Pinagmamasdan ang bawat hakbang nya.
'Georgina Hyle.. . Sana.. . Sana.. . Ako na lang, Ikaw lang naman ang nagpapatino sa akin.. .'
***
GEORGE' POV
Alam ko na may sumusunod talaga sa akin, pero di ko na pinahalata. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa umupo ako sa swing doon.
Pagkaupo ko, tumingala agad ako sa ulap. Ang ganda ng kalangitan. Peaceful. Buti pa ito, ang mga ulap.. . Malayang nakakapaglakbay, malayang nakagagawa ng mga iba't ibang porma. Ako wala. Lahat kontrolado.. .
Hindi na rin ako nagulat ng tumabi sya sa akin at magtanong ng magtanong. Hindi ko kasi alam din sa sarili ko kung bakit di ako tumanggi ng una pa lang.. .
'Ang plano hyle' sambit ng utak ko. Oo nga pala, balak ko nga pala iparamdam sa kanya yung sakit na ipinaramdam nya sa akin noon.
'Make Ivan Fall in love with you, then leave him' sambit na naman ng utak ko. Alam kong mali pero yun ang na sa utak ko. Gusto kong bumawi pero ito lang ang alam kong paraan. Alam kong makakasakit ako pero ang alam ko rin wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko.
Nang iwan ko sya ng tapusin ko ang pag uusap namin, pinilit kong huwag lumingon. Unti unti na ring bumabagsak ang mga luha ko. Unti unti na rin akong nanghihina. Pero hindi ko iyon ininda.
Umupo ako sa may sahig sa gilid ng daan, masakit na talaga, Gusto ko ilabas lahat.
"oh"
napaangat ako ng tingin sa taong nag aabot ng panyo sa akin, at ganon na lang ang gulat ko.
"tanggapin mo na" sabi nito sabay abot ulit sa akin ng panyo, tinanggap ko naman yun. Umupo ito
"anong nangyari? bakit ka galing kila ivan?" tanong nito, okay. Nakita nya kami? tsk.
"Masyadong personal para sagutin ko yan, Dominic" sagot ko rito.
"ganon? mukha nga, kasi umiiyak ka" sagot nito sa akin, tumayo na ako at humarap ulit sa kanya.
"Oh, thank you" sabi ko rito sabay abot ng panyo. Inabot naman niya ulit iyon at tumayo na rin.
"Sige una na ako, kita na lang tayo sa university." nginitian nya naman ako at tatalikod na sana ako ng may makalimutan ako "nga pala, Georgina Hyle Smith" nakangiting pagpapakilala ko rito sabay talikod at naglakad na papalayo.
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Novela JuvenilRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...