TCH 11

169 2 0
                                    

GEORGE' POV

Anong problema non? okay! Got it. Kahit ako medyo naiimbyerna na rin.

Nasundan ko na lang sya ng tingin ng tumayo ito sa kinauupuan at lumabas ng walang pasabi.

Tumayo na rin ako at tangkang susundan sya ng may makita akong babaeng nakatayo sa harap ng pinto ng auditorium. Alangan ito kung kakatok ba o hindi.

Lalapit na sana ako pero napagdesisyunan kong huwag na lang pala. Aatras na sana ako ng may mabunggo ako

"S-sorry" nakayukong hingi ko ng dispensa rito

"Okay lang, bakit di mo na tinuloy?" sabi nito na ikinaangat ko ng tingin sa kanya.

"I-ikaw pala yan dom" iiling na sabi ko rito. "Alin ang di ko itinuloy?" pagpapanggap ko. Naglakad na ako, sinusundan naman nya ako.

"Yung pagsunod sa kanya sa audi. Tara doon tayo oh." sabi nito sabay turo sa may mini garden. Tumango naman ako.

Umupo kami sa may damuhan doon. Iginala ko lang yung paningin ko sa kalangitan. Hindi mainit since ang mini garden namin may salamin. Garden House kumbaga.

"Pwede ka magkwento, okay lang sa akin" basag nito sa katahimikang bumalot sa amin.

"Ano ba ang gusto mong malaman?" tanong ko rito ng di tumitingin rito

"Paanong nangyaring kayo ni Ivan?" simula nito

"Bata pa lang kami, magkakilala na kami ng hudyong yon. Ninong ko ang daddy nya, si tito dex. Tapos magbest friend ang mga nanay namin" pagkwento ko

"Huh? eh di ang labas parang di lang kayo magkababata pero magbestfriend pa?" gulat na tanong nito, umiling lang ako sabay pagak na tawa

"Bestfriend? okay sana sa mga naunang pinagsamahan namin, pero ng s-saktan nya ako? tsk" sabi ko na may pait sa tono

"Saktan? bakit? paano?" sunod sunod na tanong nito "At saka paanong di ka nya nakilala ng unang pasukan? ay! taena! ikaw siguro yung babaeng mukhang bibig nya noon." nanlalaking matang sabi nya sa akin

Napakunoot noo naman ako. Mukhang bibig? so, nagkwekwento si Ron about sa akin?

"Nagkwekwento sya? pero baka hindi ako yun. Marami ng babaeng dumaan sa buhay ni Ivan ng mga panahon na magkasama kami." sabi ko rito

"Bakit ka nga pala nya sinaktan?" tanong ulit nito

"Dapat ba akong masaktan kung sinabihan nya ako na katulad ako ng mga naging babae nya na walang ginawa kundi ang umasa sa kanya?" mahinang tanong ko rito, umiling iling pa ko

"Oo naman, Wala namang babae na gusto maikumpara sa ibang babae e. Vice versa, ganon di kaming mga lalaki. Walang taong ginustong ikumpara o ihalintulad sa ibang tao." seryosong sagot nito. Tumitig ako sa kanya sabay ngiti rito.

"Alam mo, nakakapagtaka kung bakit kayo napasama ni jet sa kanya" taas kilay na sabi ko rito.

"Alam mo, kahit gago at tarantado yun? may puso pa rin naman yung kumag na yun e" natatawang sagot nya sa akin na ikinatawa ko na rin. Napailing ako sabay tingin sa itaas

"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nagagawa nya pa rin ang mga katarantaduhan nya sa buhay nya. I thought five to ten years is enough for him to be matured" sabi ko

"Kulang kasi sa atensyon, alam mo naman kasi si tita at tito. Trabaho lang ang laging alam"

Medyo nagulat din ako sa sinabi nya.So ang labas parang nagrerebelde sya? ganon?

"Rebelde si Ivan?" di makapaniwalang tanong ko

"Not exactly na nagrerebelde sya. May times na mas alam pa rin naman nya yung limitation nya. Di ba ang rebelde nakakalimutan yung word na yun?" nakangiting baling nya sa akin. Sabagay.

"Mapunta tayo sayo, grabe yung first meet ah. Kaya pala ang tapang at ganon na lang ang lakas ng loob mong sagutin si Ivan" nakangising sabi nya sa akin, oo nga. Nakakatawa lang

"Iba na kasi ang Hyle na nakilala nya noon sa ngayon. A lot of changes, everything." nakangiting tugon ko

"Sabagay, ang layo nga ng isang hyle na kinenkweto nya sa amin sa kaharap ko ngayon. Galing ka ng canada, right?" tanong nya, tumango tango naman ako.

Marami pa kaming napagusapan ni Dom. Hindi na nga namin napansin na mag gagabi na pala. Kung wala pang tumawag sa amin, na kilalang kilala ko. Mawiwili pa ako sa pakikipagkwentuhan ko with dominic.

"Bye for now dom! thanks a lot." nakangiting pagpapaalam ko rito

"My pleasure" nakangiting sagot nito sabay kindat sa akin. "Sige pre, una na rin ako. Ingat kayo" baling nito kay Ivan.

***

IVAN's POV

Na saan na ba si hyle? asar yung babaeng yun ah! kanina ko pa sya hinahanap, tumawag kasi si tita. Ako daw ang maghatid sa anak nila pauwi.

"Uy! Jet! nakita mo ba si hyle?" tanong ko rito

"Sinong hyle? ah! si george ba? nakita ko sila ni dominic sa may mini garden" sabi nito na nakapagpakunot noo sa akin. Bakit sila magkasama?

Hindi na ako nag abala pang magpasalamat kay jet, understood na nya yon. Dali dali akong kumaripas para makapunta agad sa mini garden. Napahinto ako sa paghakbang ng makita ko nga sila doon na nakaupo sa damuhan habang masayang nagkwekwentuhan.

'Inggit ka?' sabad ng utak ko

'Hindi ako naiinggit pero parang may kurot sa dibdib ko' sabad naman ulit nito.

'Bakit di mo puntahan? Fiance ka na nya di ba?'

'Fiance pero walang pagmamahal na namamagitan'

'Hindi mo sya mahal? bakit nandito ka nakatayo, nag eeffort na sunduin sya?'

'One sided love.. .'

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at lumapit sa kanila

"Ahem" pagtikhim ko mula sa likuran nila, agad naman tumayo si Dominic at inalalayan si hyle na tumayo. Napakunoot noo ako sa nakikita ko

"Kanina pa kita hinahanap. Ako na daw ang maguuwi sayo sabi ni tita" walang emosyong baling ko kay hyle. Tumango lang ito saka binalingan ulit si Dom

"Bye for now dom! thanks a lot." nakangiting pagpapaalam nito rito

"My pleasure" nakangiting sagot naman ni dom na sinabayan ng kindat. "Sige pre, una na rin ako. Ingat kayo" baling nito sa akin. Tumango lang ako rito. Nang umalis ito, tumalikod na din ako at naunang maglakad sa kanya. Nakasunod lang sya sa akin.

Sa byahe, hanggang sa maihatid ko sya, tahimik lang kaming dalawa.

"Ivan! dito ka na mag dinner" imbita ni tita,

"Ah! tita huw--"

"Dito ka na mag dinner" singit ni hyle. Nang lingunin ko ito, nakangiti ito. Napangiti na rin ako.

"Okay" simpleng tugon ko

"Akyat lang ako para makapagpalit na" paalam niya. Tumango naman ako.

Ah! Sana ganito na lang kami.. .

'SANA.. .'

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon