IVAN's POV
Maaga akong nagising, sakto sa pagbaba ko, naabutan ko si tita na nag aayos na ng hapag kainan. Sabi ko tutulong ako since nakakahiya naman if hindi kasi dito na nila ko pinatulog. Ang sagot lang nya sa akin 'Huwag na iho. para ka naman na iba sa amin. And dont call me tita, mommy or mama na lang. Kung gusto mo talaga ko tulungan, ikaw na lang ang umakyat sa kwarto at gumising sa soon-to-be-wife mo. Aalis kasi tayo'
Syempre, ako nagulat. Ako talaga ang gigising dun? Talagang desidido at siguradong sigurado nga sila na makakasal kami ng anak nila.
'bakit ayaw mo ba?' tanong ng isip ko.
'syempre, gusto ko' agad na sagot din nito.
Wala na kong nagawa. Alangan naman na tumanggi ako di ba?
Pumunta na ako ng bathroom sa may kwarto na ginamit ko para mag ayos. Naligo ako at nagbihis at nag ayos ng buhok. Di pwedeng di maayos ang buhok ko. Panira ng porma yun pag nagkataon e.
Matapos ko mag ayos, pumunta na ako sa kwarto ni hyle, na sa harap na ako ng pinto nya. Di ko alam kung kakatok na ba ako o hindi. Ayoko kasi syang maistorbo, pero kailangan ko na talag syang gisingin. Kakatok na sana ako ng may tumikhim sa likuran ko. Paglingon ko si tito. Itinaas nito yung susi na hawak nya
"Nagsasara yan ng pinto. Oh ito oh, para makapasok ka" nakangising sabi ni tito sa akin sabay abot ng susi. Napangiti lang din ako ng pilit. Inabot ko yung susi kay tito
"What's wrong with those people?" bulong ko, ng makaalis ito sa tabi ko. Ipinasok ko na yung susi sa door knob at pinihit iyon.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto at pumasok na sa loob. Ingat na ingat akong humakbang para di ako makalikha ng ingay.
Na sa harap na ko ng kama nya. Nakatalikod sya mula sa akin. Lilipat na sana ako ng pwesto ng humarap na ito.
Ang sarap nyang pagmasdan. Para syang baby kung matulog. Ang mga pilik matang kay hahaba, ang ilong na matangos, mga pisnging kay kinis at ...
"Ivan!" palihim na saway ko sa sarili ko. Magtimpi ka!
Lumapit pa ako sa kanya ng magmulat ito ng mga mata. Mabilis naman akong lumayo at tumayo ng diretso.
"Paanong nakapasok ka sa kwarto ko?" kunot noong tanong na bungad agad nito sa akin. Palihim akong nangingiti ng umayos ito ng upo at ipinulupot sa katawan nya yung kumot nya.
"Kung makabalot ka naman, akala mo gagahasain kita" sabi ko rito habang nagpipigil ng tumawa. Nakakatuwa sya. Pero pinilit kong maging cold sa kanya "Kilala mo naman siguro ang may gawa nito, Bumangon ka na dyan at aalis tayo" pagtatapos ko, hindi ko na sya hinintay pang sumagot. Tumalikod na ako at lumabas na ng kwarto nya. Baka di lang makapagtimpi at mahalikan ko ulit sya. Letse lang.
***
Nakababa na ako, dumiretso ako ulit sa kitchen. Naupo ako, at kumain na. Huwag ko na raw kasi hintayin si hyle. Hindi daw kasi sanay na nagbrebreakfast yung tao.
Natapos ko yung pagkain ko, nag punta ulit ako sa kwarto ko para toothbrush ulit. Pagkababa ko naman sa sala, nandoon na si hyle kausap yung parents nya.
"Iho!" tawag sa akin ni tita
"Bakit po?" sagot ko agad
"sorry pero hindi na pala kami makakasama sa pupuntahan natin. May biglaang meeting kasi ang tito mo and out of town pa." pagpapaliwanag nito. Napakunot noo akong napabaling kay hyle na kasalukuyang naka cross arm at naka simangot.
"Eh, paano po yan? di na po matutuloy?" taong ko sa mga ito.
"Kami lang ang hindi matutuloy, pero kayo, oo." nakangiting sagot ni tito na lalong nakapag palakas ng hinala ko.
May iba eh! Planado na to for sure! tsk.
"saan po ba kami pupunta pag nagkataon?" clueless kong tanong sa mga ito.
"Europe." simpleng sagot ni tita
okay, europe lang pala e. teka
"EUROPE?! AS IN SA EUROPA?!" nanlalaking matang tanong ko. napabaling din ako ng tingin kay hyle na nanlalaking mga mata.
SERIOUSLY?!
---
Hi readers. Surry na poooo :( bitin lagi ano po? nitatamad kasi ako mag update kahapon. ahahaha, kungbaga sa nakainom, may hang over pa ko mula sa first tour namin xD sige na! happy reading! Just leave a comment for any suggestions or reactions :* dont forget to vote it also.
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Teen FictionRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...
