GEORGE' POV
Nag iwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko
"H-Hy--"
"Stop it, ron. Huwag ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang isasagot ko sayo. Please." pagmamaka awa ko rito ng di tumitingin sa kanya. Naaninag ko lang yung pagpunas ng mga kamay nya sa mga pisngi nya. Sabay buhay ulit ng makina ng sasakyan.
Nakarating kami ng University ng walang nagkikibuan sa pagitan amin. Sinisikap kong mauna ang kaso, sinasabayan nya talaga ako. Hindi ko na lang iyon pinansin.
Pagkapasok namin sa loob ng classroom, mahahalata ang gulat sa mga mukha ng mga tao roon. Taas noo pa rin akong naglakad papunta sa upuan ko.
"Hi george"
napabaling ang tingin ko sa nagsalita. Nginitian ko naman sya
"Hi dom" response ko rito. "Ah? may kai--"
"Everyone!"
hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita. Lumingon kami sa prof namin.
"Mr. and Mrs. Dimatalo together with Mr. and Mrs. Smith is here, they have their important announcement so please, be quite for a while" sabi nito. Medyo nagulat pa ako at napatingin sa gawi ni Ron.
Anong nangyayari? tanong ko sa isip ko. Nakita ko ang pagpasok nila tita at tito kasama si daddy at mommy.
"Good afternoon, everyone. We're here because we have an important announcement." Nakangiting pauna ni daddy
"Dad! anong meron?!" napatayo na ako
"Mr. Ron Ivan Dimatalo and My dear daughter Ms. Georgina Hyle Smith were engaged now. So please ayoko ng mga kung ano anong maririning na nacommit or link sa dalawa. Pag may nabalitaan kami, you are automatically kick out from this school" instead na sagutin, dineretsa na talaga ni daddy.
"Tito?!" si ron na napatayo na rin
narinig ko naman ang pag "Wooo" at "Huh?" ng mga kaklase ko.
"Dad naman!" ako, nagpapadyak. Napaupo na rin ako, si dominic na sa tabi ko, binalingan ako
"P-paanong nangyari? k-kayo ni Ivan?" naguguluhan at kunot noong tanong nito sa akin.
"Mahabang kwento" pataray na sabi ko. Arghhhhhh! asar talaga sila! shit lang. Letse! bakit kailangan pang ipaalam sa lahat?!
"Parang kailan lang kayo nagkita, tapos ngayon engaged na kayo" sabi ulit nito sa akin.
"So everyone, Thank you. Have a wonderful afternoon." si daddy sabay labas na sila.
Agrhhhhhhh! Dammit! ano na ang mangyayari ngayon? Hindi naman pwedeng, kami lang ni ron ang magkasama. For sure sasabog lang kami pagmagkasama dahil mag aaway at mag aaway lang kaming dalawa.
***
IVAN's POV
Seriously? Ano ba ang nangyayari at na sa ganitong sitwasyon ako ngayon?
Hindi ko na makita ang isang Ron Ivan Dimatalo na malikot, maloko, mapaglaro, nagpapaasa. Ano ba ang ginawa ng isang Georgina Hyle Smith sa isang katulad ko?
Hindi ko nga rin mahanap ang dahilan kung bakit napaiyak ako kanina habang magkausap kami.
"Pre? Anong nangyayari? paanong naging mag fiance kayo ni george ngayon?" tanong ni Jet sa akin. Na sa loob pa rin kami ng classroom, Naiilang ako sa mga tinginan ng mga tao sa akin
"Anong tinitingin tingin nyo?!" sigaw ko sa mga ito. Mabilis naman silang nag iwas ng tingin.
"Ano pre? paano nga?" pagkulit ni jet sa akin.
"Mahabang istorya!" paangil na sagot ko rito.
"eh di paikliin mo, dami mong palusot eh" si jet. Tinitigan ko lang ito ng masama, at dahil tropa, ginantihan nya yung tingin ko.
"Fine! sya yung babaeng kinekwento ko sa inyo. SATISFIED?!" sagot ko. May diin talaga yung word na satisfied ng di na magtanong pa.
"Hindi pa. Ikwento mo na kasi, paanong? eh! base sa nakikita ko sa ngayon, malayo sa kwento mo. Ayan ba ang sinasabi mong chubby? pangit? nagkakamali ka ata e"
"Pwede ba jet?! huwag mo muna akong kulitin, naiimbyerna na ko sa mga nangyayari. Damn bullshit!" sabi ko rito sabay tayo at labas ng klase.
Pumunta ako sa auditorium ng university at nag locked mag isa roon. Bahala sila, ayoko ng istorbo ngayon. Matutulog ako, wala akong pakialam sa kung ano man ang nagaganap ngayon.

BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Teen FictionRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...