IVAN's POV
Malapit kami sa cafeteria, kung saan kitang kita ko si hyle at ang kasama nitong lalaki.
Kahit nagseselos ako, di ko iyon pinansin.
'Once is enough' sabad ng utak ko.
ayokong ipakita sa kanya na apektado ako sa ginawa nya.
"Hi Ivan" napalingon ako sa boses babae na tumawag sa akin, ngumiti naman ako dito
"Hey, Jeline! long time no see" masayang bati ko rito, lumapit ako saka inakbayan agad ito.
Malapit sa akin si Jel, since high. Sya yung tipo ng babae na hindi ma flirt kahit nilalandi mo. Kahit anong pangbabara mo, papatulan nya pa yon ng mas makakabara pa sayo.
"Oh? ayan ka na naman eh" natatawang tinampal din nito yung braso ko na nakaakbay sa kanya
"Mabilis talaga yan si Ivan, Jel" singit ni jet.
"Mas mabilis yung babaeng nanipa sayo" natatawang ganti ko
"Really? si jet? ikaw na as in na si Jet Aseo? nasipa ng isang babae?!" di makapaniwalang tanong nito. Sabay naman kaming tumango ni Dom, bigla namang tumawa si jeline ng malakas
"A-ha-ha-ha-ha-ha, sige tawa pa" si jet sa tonong naasar na. Tumigil si jeline sa kakatawa saglit saka nag peace sign rito.
"Sorry na, ikaw kasi. Di lang ako makapaniwala, sa laking taong mong yan? may nanipa sayong babae? Cool!"
"Di lang yan nasipa, nasuntok din yan. Oo nga pala, anong ginagawa mo rito?" singit ko na,
"Ah, galing ako sa bahay nyo, nandun na pala si tita? sabi nya puntahan na lang daw kita dito eh" sagot nito
"Bakit? anong kailangan mo sa akin?" kunot noong tanong ko
"Wala lang, jam tayo?"
"Ay! sakto, may night jam talaga kami" singit ni jet sa usapan namin
"Ngayon? tara na!" si jeline sabay hatak sa akin, sumunod na lang ako, habang naglalakad, tawa kami ng tawa. Binabalik kasi namin yun pangyayari kanina kay jet.
"Eh? sayo Ivan? sabi ni tita sa akin, engaged ka na raw?" si jeline
"Engaged na yan, soon-to-be-husband ng babaeng minahal nya tapos, ni reject sya." nakangising singit ni dom, lumapit ako rito para batukan ito. Tumawa naman ito
"Hindi lang basta basta, saktong na sa harap pa sila ng eiffiel tower ng paris sya ni reject!" si jet "Ang sweet noh? ay este ang sakit pala!" si jet sabay hagalpak ng tawa, ng lalapit sana ko rito bigla itong tumakbo, hinabol ko sya. Para tuloy kaming bata sa ginagawa namin.
"Bakit ka naman na reject?" curious na tanong sa akin ni jeline ng makabalik ako sa pwesto nito
"Hindi ko rin alam e, ginamit nya lang daw ako" bale walang sagot ko
"Ganyan talaga kapag nakasakit ka? Some girls do revenge para maramdaman din ninyong mga lalaki ang ipinaramdam nyong sakit sa aming mga babae"
'Some girls do revenge para maramdaman din ninyong mga lalaki ang ipinaramdam nyong sakit sa aming mga babae'
saglit akong napatigil sa paglalakad dahil sa huling sinabi nyang iyon.
"Ganon ko ba sya nasaktan? para gamitin nyan ako? bakit sa paraang yun pa?" inis pero kalmado kong tanong ko
"Don't you get the point? ginamit ka nya, para saktan ka. Yun ang paraang alam nya para maiparamdam sayo ang sakit na ipinaramdam mo noon sa kanya" paliwanag ni dom
"In short, karma mo na nga. Tanga nito!" epal na naman ni jet na sinamahan pa ng pagbatok sa akin, sinimangutan ko ito at saka hinabol ng batok. Narinig ko naman yung tawanan ng dalawa.
***
JELINE's POV
I guess you already know who I am. Wala na dapat pang sabihin.
"Jel! tara sayaw tayo!" aya ni ivan sa akin, nakarating kami sa bar kung saan nakagawi ng tambayan ng barkada.
"Sige ba" pagpayag ko rito, nagpatianod naman ako rito papunta sa dance floor at nakisabay sa isang malamyos na tugtugin.
Nang hapitin ako ni Ivan, that the time na medyo nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi ko na naman alam kung ano na naman ang pumasok sa utak nito.
"Stay still. Let me do this for a while jel." bulong nito sa akin, okay. Hinayaan ko lang sya, hanggang sa matapos na yung kanta.
Pabalik na sana kami ng bigla akong napalingon kay ivan ng sumigaw ito.
Napatili na lang ako ng suntukin ni Ivan yung lalaking nakaakbay dun sa babae.
"pre! awat na" si jet, hawak nito si ivan habang si dominic naman ay hawak yung lalaki na sinuntok ni ivan.
"Bullshit naman! ikakasal na lahat lahat lumalandi pa!" sigaw ni ivan sa babae. pft. those people who staring at us. nyeta.
Nagulat na lang ako ng lumapit yung babae saka binigyan ng sampal si ivan.
"Sino ka para diktahan ako? di ba sinabi ko na sayo na, ginamit lang kita." sagot ng babae sa tonong nagtitimpi ng galit.
---
next update, depende :)
hawak lang sa kwento guys, extended ang TCH :*
(MarioM. with Erich G.) Si ivan and jeline yan ;)
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Подростковая литератураRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...