LHEIGIE's POV
"Lheigie? please talk to me" pakiusap ni chayls sa akin pero hindi ko pa rin nagawang kibuin ito.
"Hindi totoo yun!" dagdag pa nito sa boses na medyo tumaas na.
"Get out. Tapos na tayo" mariing sabi ko. Napakagat labi ako pilit na tinatakasan ang patulong luha ko. Nakatalikod ako sa kanya.
"Get out? Tapos na? naririnig mo ba ang mga pinagsasabi mo?!" pasigaw na sabi na nito. Hindi ko na napigilan ang umiyak
"Umalis ka na"
"You know, what? you're being so unfair. Four years Lheigie! four years! shit! itatapon mo lahat yun? ng dahil lang sa narinig mo? fuck!"
Iyak na ako ng iyak dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko alam kung kanino ako maniniwala. Yes! I do love him. Ang kaso, bakit ganon? feeling ko, totoo yung mga narinig ko. Even Hyle, hindi ko magawang makausap dahil pakiramdam ko napagkaisahan ako.
Humakbang na ako papalayo ng matigilan ako sa katagang binitawan nya.
"I'm going to States, next week. Now, once na hindi ka humarap then I guess, this is our last"
Hearing those words from him? ang sakit. Gusto kong humarap at pigilan sya pero ewan ko, hindi ko pa rin nagawang humarap.
"L-Lheigie.. ."
"Good bye, chayls" pagkasabi niyon ay lumuluhang nilisan ko ang lugar na iyon
"CHAYLS?!"
"Lheigie? are you okay? why are you cryin'?" tanong sa akin ni hyle,nakaupo ito sa gilid ng kama ko. kinapa ko yung pisngi ko. Umiiyak nga ako.
"Naalala mo? Hindi pa rin mawala" iiling iling na sabi nito. Napatango naman ako
"Gaga ka kasi! you know, lheigie? ng umuwi ako ng pilipinas, at ng magkita kami ulit? kinamusta ka nya sa akin" nakangiting sabi nito. Napatitig naman ako sa kanya hanggang sa lumabas ito ng kwarto ko.
"Oh, chayls" mahinang bulong ko sabay hilamos ng palad ko sa mukha ko. Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa ganong position para hindi marinig ang pagring ng cellphone ko.
Napaangat lang ako ng tingin ng iabot iyon ni hyle sa akin.
"Unknown, eh?" sabi nito na nakapagpakunoot noo sa akin. Wala kasi akong ineexpect na tawag. At saka sino ito?
"Hello?" pagsagot ko sa tawag
"H-Hi?" mahinanang pagbati nito sa kabilang linya. His voice.. .
"Chayls?" kahit hindi ko nakikita ang sarili ko alam kong kunot na kunot na ang noo ko.
"I'm glad, na hindi mo pa rin nakakalimutan ang boses ko" sagot nito. My Gosh! God knows how I missed him so much!
"I missed you so much, lheigie"
"C-chayls, I missed you too, I'm sorry" umiiyak na sagot ko sa kabilang linya
"Hindi pa ba ako huli?" napa lingon ako sa boses na yon, umiiyak na tinakbo ko ito at niyakap ng pagkahigpit. Ginantihan naman nya iyon ng mas mahigpit pa
"Hindi ka mahuhuli, kasi wala ka naman kalaban sa pagkuha sa puso ko"
"I love you, Lheigie Navidad" pagkasabi niyon ay mabilis ako nitong kinintalan ng halik sa mga labi ko.
"YES! Kasalan na itoooo!" parehas laming napalingon sa pagtili na iyon ni Hyle at muli ay nagtitigan
"I love you, Chayls Jhasper Coronado"
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
أدب المراهقينRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...