TCH 4

179 4 0
                                    

GEORGE' POV

Ang hudyong yon! asar -.- ang dumi ko na tuloy, buti na lang may extra t-shirt pa ko sa locker ko.

"Bwisit ka Ron Ivan!" sigaw ko habang nakatingin sa may salamin. Kasalukuyan kong pinupunasan kasi yung mukha ko na natapunan ng pintura. Buti na lang pala hindi mahirap tanggalin yung pinturang naibuhos nya sa akin.

"Letse ka talaga Ivan! ibibigay ko talaga yung hinahanap mo!" pag sigaw ko pa rin. Nangingitngit talaga ako eh! pasalamat sya yun lang ang inabot nya sa akin kanina. Ang sarap na kayang manapak. Yung Sapak na tipong babasag talaga sa Gwapong mukha nya

'Gwapong mukha?'

huh?! asa sya! tulad nga ng sabi ko mas cute pa yung aso ko sa bahay namin kaysa sa kanya. Duh! Over my dead body!

***

Natapos na ako sa pag aayos sa sarili ko ng bumalik ako sa loob ng classroom. Wala pa rin ang hinayupak. Nakita ko lang ay sila Jet at dominic na nakayuko. Lumapit ako sa kanila at kinalampag yung upuang na sa gitna nila. Nag taas naman sila ng tingin at pinukulan ako ng isang nagtatanong na titig.

Tinaasan ko lang sila ng kilay and I guess nakuha nila yung ibig kong iparating ng dumeretso sila ng upo. Si Jet naman ay itinaas ang dalawang kamay sabay iling na akala mo ay susuko sa pulis. Binalingan ko naman si dominic

"Belive it or not, napilitan lang talaga kami" seryosong sabi ni dominic.

"Aaminin ko na maloko talaga kami pagdating sa babae pero feelings lang yun, hindi kasama yung ginawa sayo ni Ivan kanina" mahabang pagdepensa agad ni jet sa akin.

"eh bakit nya ginawa yun?" taas kilay na tanong ko, nagkibit balikat lang silang dalawa sa akin. Tumalikod na ako at naglakad papalabas ng classroom. Ano pa bang gagawin ko dito eh, wala na nga rin yung prof namin! Wala na rin yung ibang mga classmate namin.

Naglalakad na ako papuntang exit gates ng university ng may tumawag sa pangalan ko, paglingon ko yung dalawa lang pala.

"Di ka pupunta sa auditorium?" nag aalalang tanong ni dominic sa akin

"Anong mapapala ko dun kung pumunta man ako?" balik tanong ko rito

"Eh, pag nagkataon kasi, ano eh, ahmm--"

"Ikaw ang unang di sumunod sa utos ni Ivan" pagtutuloy ni dominic sa di matapos tapos na sasabihin dapat ni Jet. Napataas naman ang isang kilay ko. Pakialam ko naman sa utos nyang yun? bakit ako susunod? Instead na sagutin yun, tinalikuran ko na sila at magsisimula na sanang humakbang ng may pumigil sa braso ko

"Saan ka pupunta?!" napataas lalo kilay ko ng makilala ko ang boses ng hudyo. Pagharap na pagharap ko sinapak ko agad sya-- Sa Mukha!

"Shit!" pagmumura nito habang hawak hawak yung part ng mukha nya na sinuntok ko.

"Ayan ang bagay sa isang gagong katulad mo!" sigaw ko rito.

"Alam mo, di ko talaga alam kung bakit ang init init ng dugo mo sa amin e. lalo na sa akin, kung may gusto ka sabihin mo agad. Hindi yung nagtatapang tapangan ka, na akala mo kaya mo kami, na masisindak mo kami. Babae ka george-- babaeng dapat na sa tabi lang, nanahimik, pinapaasa at naloloko dahil mahina. Then now, tell me ano ba ang gusto mo? Gusto mo ng pera?!" tuloy tuloy na sabi nito sa mataas na tono. Nagpantig naman mga tainga ko sa narinig ko. Ang kapal ng mukha nito. Ano akala nya sa akin mukhang pera?! gusto ata mapakitaan ng yaman e!

"Pasensya na ah? hindi kasi ako yung klase ng tao na sinasabi mo. Hindi ako yung tipo ng babae na magpapaikot sa isang lalaking mapaglaro at manlolokong tulad mo. Hindi ko rin kailangan ang pera mo. Sayong sayo ang kayamanan mo. Alam mo kung bakit ayoko sa inyo lalo na sayo? Yung masyado kang mapagmataas!" galit na turan ko dito. Dinuroduro ko din ito.

"Hey! stop that!" awat nito sa akin "Hindi ko kasalanan kung bakit ganito ako. Kung ayaw mo sa barkada ko at sa akin, Malaya kang mag drop sa university na ito"

"Drop? baka pag nalaman mo ang totoo eh, ikaw ang mag drop? Baka pag nakilala mo ako, ikaw na ang sumuko mismo sa huli." Sagot ko dito na nakapag patahimik sa kanya na ikinangisi ko naman "Don't you dare Ivan, baka ikaw lang din ang mapaasa ko sa huli. Palibhasa kasi wala kang ibang ginawa at atupagin kundi ang barkada mo. Ang mang inis, mag laro kung saan saan kaya wala kang nalalaman." pagkasabi niyon ay umalis na ako pero pinigilan na naman nya ako. Tumingin ako sa kamay nya na pumipigil sa akin at saka tumingin ulit sa kanya.

"Ano ang ibig mo sabihin?" kunot noong tanong nya sa akin. Ngumiti ako ng nakakaloko rito

"Matalino ka di ba? sagutin mo mismo yung sarili mong tanong kung matalino ka talaga" naiinis na sabi ko rito at binanatan na ng layas. Asar.

Alam nyo yung totoo? Di wag na. Find out nyo na lang sa susunod na susunod na kabanata. Pabitin ho si Author dahil may pasok pa sya bukas. At saka ng makuwi na ako. Nakakabanas ang araw na to dahil kay ivan at sa barkada nya.

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon