IVAN's POV
Days after.. .
"Pre! ano na? balita ko pumunta kayo ng france ah?" masayang bungad sa akin ni jet ng makapasok ako sa audi. Kakatapos lang ng klase namin. Inihagis ko yung bag ko sa katabing upuan nito.
"Badtrip ka ah?" nakangising pangbubuska ni jet ulit sa akin.
"Tang ina pre! akala ko okay na eh!" sigaw ko
"Sabi sayo, ang mahulog talo" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si dominic yon.
Ito talaga e, mula ng mawala si Joyce naging seryoso na sya sa lahat. Ang laking pagbabago ang nangyari sa lalaking to.
"Wala pre, revenge na ba?" si jet
"Jet!" saway ni dom dito.
"Watta good idea! jet, dating gawi?" sagot ko
"Bahala nga kayo dyan." singit ni dominic
"Ang KJ mo, parang di mo to gawain noon ah?" pang aasar ko
"Fuck ka!" natatawang sabi nito sa akin
"Oh? a-ha-ha-ha" natatawa talaga ko, masarap din talaga to maasar e "teka nakita mo na ba si mitch?" biglang tanong ko ng tumigil ako sa pagtawa.
"Si mitch na tyler? ah, oo. Bakit?" kunot noo na tanong nito sa akin
"Bakit? tang inang yan, hanggang ngayon ba naman, torpe ka pa rin?!" kunot noong tanong ko rito "aw naman dom!" maya maya ay natatawang dugtong ko
"Gago! di ako torpe, sadyang humahanap lang ng timing" dipensa nito. Nagkibit balikat lang ako
"Oh, tama na yan! night jam na?" singit ni jet
"Gusto mong mauna? una ka na" pangbabara ko rito.
"Gago! iba talaga epekto ng Broken nuh? natututo mangbara. Tsk" pagpalatak nito
"Lul ka jet! palibhasa di ka pa nakakahanap ng katapat mo e. Mahahanap mo rin yung malaking karma mo." natatawang sabi ko rito, tumayo na ito at naunang maglakad
"Tumayo na rin kayo dyan, nag bell na" maya maya ay pahabol nito
"Tignan mo, paglabas mo dyan makakaharap mo yung hinahanap mo" sigaw ko, bago ito lumabas ng tuluyan, dumungaw ito at ngumisi ng nakakaloko sa amin.
Nagkatinginan naman kami ni dominic at sabay humagalpak ng tawa
***
"Class dismiss"
Napaunat ako saka mabilis na tumayo ng marinig ko na yung signal ng prof namin.
"Uy! george"
Napalingon ako sa boses lalaking tumawag sa pangalan ni Hyle. Napakunot noo naman ako, di ko kasi kilala yung lalaki
'Selos ka na?' sabad ng utak ko
"Uy chayls! wait me there" sigaw ni hyle rito, mabilis na isinara nito yung bag nya at tumakbo palabas ng room kung saan nag aantay yung chayls. Sinundan ko lang sila ng tingin
Nakabalik lang ako sa huwisyo ng may maramdaman akong brasong umakbay sa akin
"Ang mata pre! selos ka lang eh" pangbubuska na naman ni jet, sinikmuraan ko naman ito.
"Hi jet!" pareparehas kaming napalingon sa boses babaeng tumawag naman kay jet
"Ikaw na naman, regina?!" sigaw ni jet dito
"Bakit? di ka naman taken di ba?" sagot ng babae sa tonong nanglalandi.
"FLIRT!" sa isip isip ko
"Tigil tigilan mo nga ako" sabi ni jet "Ay! ayan na pala ang babe ko eh" maya maya ay sabi ni jet na nakapagpalingon sa amin. Inakbayan nito yung magandang babae
"Kamusta ang klase, babe?" si jet, pansin na pansin naman sa babae yung pagkagulat. Kinindatan ko ito sign as sakyan na lang nya yung kalokohan ng kaibigan ko, kaso sa gulat namin bigla nitong pinalis yung braso ni jet at saka sinuntok ito sa tyan
"aw" si jet na napangiwi pa.
"Babe, may problema ba?" pagtuloy ni jet
"babe? baliw ka ba? hindi nga kita kilala, tapos maka babe ka wagas?" pagtataray ng babae, nagkatinginan lang kami ni dom at nagngitian, sabi na eh, makakahanap din to ng makakatapat nya
"Ano ba yan, jet! sa susunod galingan mo naman ah?" si regina na nakangisi saka tumalikod at umalis
"Ano bang problema mo? di mo ba ko kilala?!" sigaw ni jet
"paki ko sa pangalan mo?" sagot ng babae, tatalikod na sana ito ng bigla itong hablutin ni jet at halikan sa labi nito
"aba! sino ka para manghalik?!" yung babae na kunot na kunot ang noo.
"Ah, ako lang pala si Jet Aseo" pamimilosopo ng magaling kong kaibigan
"Loko ka ah! ito ang sayo!" sabi ng babae saka pumwesto at binigyan ng sipa sa mukha si jet, napaupo naman ito
"Loko ka ah! isang katulad ko na nga ang lumalapit sayo! ayaw mo pa?!" si jet na galit na
"eh, gago ka pala e. Sino ba may sabi sayo na lapitan mo ko?!" sagot nito sa pataray. Tumalikod na ito at umalis
Tumawa naman kami ng tumawa
"Anong nakakatawa?!" napalingon kami kay jet na kakatayo lang. di ko pa rin mapigilang tumawa
"Sabi sayo e, makakahanap ka ng katapat mo" si dom,
"Good luck pare! ahahahahahahaha" pft. taena nakakatawa talaga yung itsura nya
---
at dahil walang pasok, update tayo <3 votes and comments. Follow nyo ko, follow back kita :* hashtag #JetAseoTCH
![](https://img.wattpad.com/cover/17617445-288-k613192.jpg)
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Teen FictionRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...