KHRYSTINE' POV
Hindi ako makahuma, nanlalaking mata pa rin akong nakatayo roon. Ang hudyong to.. . pero aminin ko man o hindi, yung halik na yon ang kaisa isang bagay na namimiss ko sa ginagawa nya noon.
Tinapos nito ang isang makakapugtong hiningang halik, noong una nagkatitigan lang kami, pero ng ngumisi ito ay walang pakundangang lumipad ang kaliwang palad ko sa pisngi nito. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa. Basta na lang ko sya nasampall
"Para saan yon?!" takang tanong nito
"Bastos!" bulyaw ko sabay walk out sa harap ng mga ito. Para kong kandila na nauupos dahil sa kahihiyan.
"shit ka khrystine! Hindi nya dapat malaman!" sabad ng utak ko.
"Arghhhhhh!" sigaw ko sa kawalan, wala akong pakialam kung maraming magtinginan. Patakbo akong lumabas ng campus. Hindi ko namalayan na unti unti na rin palang bumabagsak ang mga luha ko.
Bumabalik na naman ang mga alalala nito noon sa akin
flashback.. .
"khrystine?" napalingon ako sa paggawang pagtawag nito sa akin, nakahiga yung ulo ko sa balikat nito
"Promise me, you'll wait for me" seryosong sabi nito. Ngumiti ako rito at saka tinawid ang natitirang pagitan sa aming mga labi
"Mahal kita, kaya hihintayin kita kahit gaano pa katagal ang itagal mo sa states" nakangiting wika ko sa kabila ng paghalik ko rito
Muli akong humilig sa balikat nito habang ang isang braso nito ay nakakawit sa bewang ko.
'promise me you'll wait for me'
"Sabi mo hintayin kita, kaya heto' ako" bulong ko, nakaupo na ako sa isang bench "Pero, may hihintayin pa ba ako? ang sakit" dugtong ko,
"Khrystine?" napalingon ako sa tinig nyang iyon "kaibigan ba kita noon?" kunot noong tanong nito na lalong nakapagpaiyak sa akin.
"hindi na nya m-maalala talaga?" tanong ko sa sarili ko
Liham sa luhang tumayo ako at patakbong umalis sa lugar na iyon.
Ang sakit, ang sakit sakit!
***
JET's POV
Alam kong may mali eh, sa pangalawang pagkakataong hinalikan ko sya, may alaalang pumapasok sa utak ko.
Malabo pero alam kong may kinalaman sya roon. Alam ko sa sarili kong may pinagsamahan kami, ngayon lang may ala alang bumalik sa akin after how many years, mula ng maoperahan ako sa utak.
"Mahal kita, kaya hihintayin kita kahit gaano pa katagal ang itagal mo sa states"
Naningkit lalo ang mga mata ko sa munting bulong na iyon sa akin
"Khrystine? sino ka ba talaga?" tanong ko sa utak ko.
Bumalik ako sa school para kuhanin ang impormasyon nito sa office nila tita.
Nang makuha ko iyon, kahit tinatawag ako nila dominic, hindi ko na sila pinansin pa, agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot iyon.
Na sa labas na ako at tinitigan ang pamilyar na bahay sa harapan ko.
Tumawag ako pero walang nagbubukas niyon. Nang itulak ko ang saradong pinto, hindi iyon nakalock kaya pumasok na ako. Maliit lamang ang bahay, nilibot ko iyon hanggang sa may mahagip ang mga mata ko.
"Kami to ah! pero bakit kami magkasama?"
Isang ingay ang nakapagpalingon sa akin, nagkatinginan kami hanggang sa mapansin na nito ang litratong hawak hawak ko. Agad nya iyong hinablot sa akin
"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong nito
"Sino ka? ano ba kita? bakit may litrato tayo na magkasama?" sunod sunod na tanong ko rito, mas kinagulat ko na lang yung biglang pagbuhos ng mga luha nito.
"Taena, Jet! sabihin mo naman sa akin kung may hihintayin pa ba ako?" halos pabulong na lang na wika nito. Napaupo rin ito sa sahig, unti unti na namang bumabalik sa utak ko ang nakaraan.
"Promise me you'll wait for me"
Pilit kong inaalala ang nakaraan, mahirap, malabo pero kinakaya ko, pinipilit ko.
--
Last one or two spec. chap ni jet, dominic and mitch na tayo :)))
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Roman pour AdolescentsRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...
