KHRYSTINE' POV
Nagising ako sa isang malaki at maputing silid. Iginala ko ang paningin ko to find out na wala nga ako sa amin.
"Khrystine?" napalingon ako sa boses lalaking iyon
"Raf?" mahinang pagtawag ko, pinikit pikit ko pa ulit yung mga mata ko para masiguradong siya nga ang nakikita ko
"I'm back!" nakangiting hayag nito. Naluluha naman ako. Seriously? nagbalik sya. Ilang taon na kaming di nagkasama ng half brother ko sa dahilang pumunta ito ng states para sa pag aaral ng medesina nito.
"You're back" masayang sabi ko, nagyakapan naman kami, after non
ng maghiwalay kami, ginulo pa nya yung buhok ko.
"Anong nangyari sa akin?" tanong ko rito
"Nawalan ka ng malay kanina sabi ni Jet, dinala ka nya dito ng di ka pa rin binabalikan ng malay" paliwanag nito "oo nga pala, may kakausap sayo" dugtong nito
Napakunot noo ako kasabay ng paglingon sa taong nagbukas ng pinto.
"J-Jet" mautal na pagtawag ko sa pangalan nito
"Maiwan ko muna kayo" sabi ni rafael sabay alis, tinapik pa nito si jet sa may balikat nito at saka tuluyan ng lumabas ng kwarto.
"Khrystine" pagtawag nito, ramdam ko ang lungkot sa mga mata nya. Lumapit ito sa akin at saka niyakap ako ng mahigpit. Nang una, nagulat ako pero unti unti na rin ako nalusaw ng nararamdaman ko. Niyakap ko ito ng pabalik.. ng mas mahigpit
"Sorry, hindi ko alam. Sorry kung pinaghintay kita" simula nito, napapikit lang ako ng mariin ng maramdaman ko ang pagiinit ng sulok ng mga mata ko "Sorry kung di ko man lang naalala na may babaeng super mahal ko na maghihintay pala sa akin"
'babaeng super mahal ko'
Tama ba ang narinig ko? humiwalay ako mula sa pagkakayakap rito
"A-Anong sinabi mo?" di makapaniwalang tanong ko rito "Tama ba ang narinig ko? Mahal mo ako?" tanong ko rito. Ngumiti ito at saka sinakop ng mga palad nito ang mga pisngi ko.
"I love you so much, Khrystine Mae Villanueva Tapel" hayag nito at hinalikan ako sa mga labi ko. A kiss with full of Passionate and Love.
"Paano mo naalala?" takang tanong ko ng maghiwalay ang mga labi namin. Umupo sya sa tabi ko
"Kinwento ni Rafael sa akin, mula sa una hanggang sa huli"
Tumango tango naman ako. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nya habang ang isang kamay nito ay nakayakap sa akin. Wala na akong pakialam, ang importante na aalala na nya ako. Bumalik sya sa akin. Worth it ang ilang taong paghihintay at hindi ko pagsuko sa kanya..
---
Okay. Next Special Chapter, Dominic and Mitch <3
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Teen FictionRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...