JET's POV
"KHRYSTINE?!" sigaw ko ng bigla itong mawalan ng malay, agad ko itong binuhat at inilapag sa sofa nila.
Ginagawa ko ang first aid, sinampal sampal ko sya at the same time, pinapaypayan ko. Lumipas na ang isang minuto, di pa rin ito binabalikan ng malay, so I decided to bring her in hospital.
Mabilis kaming nakarating, pagkababa na pagkababa ko sa kanya sa higaan sa emergency room, agad naman syang inassist.
Umalis muna ako para bumalik sa bahay nito, para na rin kumuha ng konting gamit nito.
Nang na sa harap na ako ng bahay nito, may isang lalaki ang tumigil din sa harap ko at pinakatitigan ako
"Jet?!" gulantang na tawag nito sa pangalan ko. Napakunot noo ako,
"Do I know you?" tanong ko rito, bigla naman nag iba ang ekspresyon ng mukha nito. Naging malungkot ito
"Hindi mo na talaga maalala noh?" malungkot na tanong ulit nito sa akin "Im Rafael Revilla, khrystine half brother" pagpapakilala nito.
Okay, Rafael Revilla? sounds so familiar, pero ano ba ang meron sila o ano bang papel nila sa buhay ko?
"Pwede mo bang ikwento?" biglang tanong ko rito. Tumango ito, sumakay kami sa kotse ko at pumunta sa isang malapit na park
"Sino ba sya? Ikaw? Ano ko kayo noon?" Sunod sunod na tanong ko, naka cross arms pa ito.
"Maraming taon na ang lumipas mula ng lumipad ka sa states" seryosong paliwanag nito, nakatingin lang ako rito. Hinihintay ang mga susunod nitong sasabihin.
"Ng operahan ka. Mula noon, hanggang ngayon, hindi sya napagod na hintayin ka" dugtong nito, sabay tingin sa kalangitan.
"Bakit nya ako hinihintay?" takang tanong ko
"A promise"
'promise?' ulit ko sa sinabi nito
"Mahal kita, kaya hihintayin kita kahit gaano pa katagal ang itagal mo sa states"
Napapikit ako sa mga katagang bumubulong sa akin.
Flashback.. .
"huli ka!" sabi ko rito ng mahuli ko ito. Na sa isang beach resort kami.
"T-tama na, Jeeeeeeeeet!" pagtili nito, habang patuloy ako sa pagkiliti rito.
"Mahal kasi kita" bulong ko rito ng itigil ko ang ginagawang pagkiliti ko rito. Nakayakap ako mula sa likuran nito
"I love you more" sagot nito. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon. Magkayakap habang nakatanaw sa magandang view ng kalawakan.
Hindi ko namalayan na unti unti na pa lang bumabagsak ang mga luha ko.
"khrystine.. ." bulong ko, alam ko masyadog gayshit. Bakit hindi ko nagawang alalahanin ang nakaraan ko? Ilang taon kong sinaktan ang babaeng mahal ko.
"Hinihintay ka pa rin nya" wika ni rafael. Oo nga, dapat puntahan ko na sya.
"Na sa ospital pa sya, puntahan na natin" sabi ko rito, ng ngumiti ito at tumango. Mabilis kaming sumakay na at saka pinaharurot ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Roman pour AdolescentsRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...
