TCH 24

154 3 0
                                    

GEORGE' POV

Nagpantig ang mga tainga ko sa narinig ko kaya walang babalang lumapit agad ako dito at walang patawad na sampalin ito.

"Ano? nakaganti ka na? effective hyle! that's bullshit! mas masakit pa sa ginawa ko sayo noon" si ivan na himas himas yung pisnging nasampal ko

"Alam mo? hindi naman dapat eh, Ang kaso wala akong maisip" kunwaring mataray na sagot ko. Tinatagan ko yung loob ko para hindi na rin ako pumiyok sa pinagsasabi ko

"Para gumamit ng ibang tao ulit? masaya ka ba talaga sa ginagawa mo?" tanong ulit nito "bitiwan mo na ako" sabi nito kay jet, mabilis naman itong sumunod

"Si-"

"Ivan! stop that. Masyado na kayong gumagawa ng eksesna rito. Hindi nyo to' pag aari para dito nyo pag usapan yan" singit nung babaeng kasama nila na nakita ko rin sa university kanina. Hindi ko na rin tuloy nagawa pang tapusin yung sinasabi ko

"Anong problema nun?" si chayls, napatingin ako rito at ganon na lang ang pag alalang bumalot sa akin ng makita kong dumudugo yung gilid ng labi nito

"Okay ka lang ba?" instead na sagutin ko yung tanong nya, ako na lang ang nagtanong.

"Okay lang to malayo sa bituka"  nakangiting sagot nito

"Nasuntok ka na lahat lahat, nagagawa mo pang ngumiti dyan" pairap na sabi ko, nagsimula na kaming maglakad papalabas.

"Eh anong gusto mong gawin ko? gantihan rin sya tulad ng ginawa mo?" si chayls sa tonong naghahamon, lumingon ako rito at saka sinamaan ito ng tingin

"Alam mo hyle? pagbalik baliktarin mo man ang mundo, hindi mo mababago ang katotohanang nasaktan mo sya. Mas malala pa sa sakit na naramdaman mo noon" sabi nito

"Are you trying to say na lumuhod ako sa harap nya at mag makaawa na patawarin nya?! Over my dead body!" inis na sagot ko rito

Nauna na ko sa paglalakad. Nang makarating ako sa parking lot at makasakay ng sasakyan nito. Wala kaming kibuan hanggang sa makarating kami sa bahay namin.

Hindi ko na rin pinagka abalahan pang pumunta sa kwarto nila mommy para magpakita. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.

***

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng cellphone ko, pagtingin ko, shit! malalate na naman ako. taena naman! dating gawi, napabalikwas agad ako ng tayo at dumiretso na sa bathroom

after half hour naayos ko na ang sarili at gamit ko.

Nang makarating ako sa school, pft. The F?! bakit sila nakatingin sa akin? anong meron? naglalakad ako sa may hallway ng building namin ng may lalaking tumawag sa pangalan ko, napakunot noo ako rito.

"Im Justine Jaravata, Hrm student" pagpapakilala nito, medyo hinihingal naman ito "Fiance ka ni Mr. Ivan Dimatalo, hindi ba?" tanong nito matapos, hindi ko naman alam ang gagawin at sasabihin ko

"Nakikipagsuntukan kasi sya sa may gym. Tapos kung sino sino na naman ang babaeng kasama nya, paki awat naman sya" pagkasabi niyon ay umalis na ito.

Naiwan naman akong tigagal, pakiramdam ko napako ako sa kinatatayuan ko.

Bakit? bakit na naman nya ginagawa?

"akala ko bayou don't care?" sabad na naman ng utak ko, hindi ko iyon pinansin, pumunta agad ako sa gym tulad ng sinabi nung justine, ayun nga. Nakikipag rambulan nga ang barkada. Lumapit ako para awatin sila, ng maawat ko si ivan, nagpupumiglas pa rin ito pero hindi ko hinayaan.

"Anong ginagawa mo rito?!" 

"Hindi ba halata? malamang para awatin kayo, tanga nito!" pambabara ko

"Umalis ka na, hindi mo ako mapipigilan sa lahat ng gugustuhin kong gawin" matabang na sagot nito, napatulala naman ako sa sinabi nito.

"Wala kang pakialam, wala rin akong pakialam.. . lalo na SAYO!" dugtong nito na diniinan pa talaga ang salitang sayo! hindi ko naman napansin na tumulo na pala ang mga luha ko

Piniglas nya yung braso nya mula sa pagkakahawak ko at saka walang paalam na tumalikod at umalis.

Ako? ito.. . naiwang tigagal na para bang napako na sa kinatatayuan. Nag-iba na naman sya.. 

"dahil yan sayo" sabad ng utak ko

Oo, ako na may kasalanan, pero mali bang maiparamdam sa kanya ang sakit na ipinaranas nya noon sa akin?

"Oh" rinig kong sabi ng boses lalaki, hindi ko iyon pinagkaabalahang tignan o kunin yung inaabot nyang panyo sa akin

"Abutin mo na" sabi ulit nito "Natuwa ako noon, akala ko kasi nakahanap na sya ng katapat, no I mean oo nga. Nakahanap na sya ng katapat. Nahanap nya agad yung karma nya sa lahat ng ginawa nya. Ang kaso, ng minahal na nya, nalaman nyang pinaglalaruan at ginagamit lang din pala sya" pagtuloy nito na naging dahilan para lalo pa akong mapaiyak at mapaupo na sa sahig.

"All this time? ako pa rin ba ang may kasalanan?" mahinang usal ko

"No, unless gumawa ka ng way para ikaw ang mag mukhang may kasalanan" sagot nito

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko nagawang kumalma. Nilingon ko na rin yung may ari ng boses kanina na nakakausap ko. 

"Thank you" bulong ko rito

"Welcome, you're Ms. Smith right? Ms. Georgina Hyle Smith" nakangiting tanong nito, tumango naman ako "I'm Windjo Manabat" pagpapakilala nito, sabay tayo. Inilahad nito yung palad nya sa harap ko. Inabot ko naman iyon.

 "Sige na, salamat ulit. See ya' round" sabi ko rito at saka tumalikod at naglakad na papalabas ng gym

Pagkalabas ko, nakakailang, ramdam ko yung mga tinginan ng mga tao sa paligid ko. Kahit ang mga bulungan nila lalo na ang mga babae. Ang sarap sabunutan. Letse!

Papasok na ako lahat- lahat sa loob ng classroom ng may makita ako,

Si Ivan kasama ang barkada nito at may mga kanya kanyang nakaakbay na babae.

hindi ko iyon pinansin pero ng pagkatapat ko sa kanila, nagulat na lang ako ng biglang halikan ni ivan yung babaeng kasama nito, nagkunwari akong parang wala lang ang kaso, may narinig ako

"Sayang ka hyle, ang tanga tanga mo kasi para paglaruan ang isang katulad nya" sabi ng babae sa tonong nang aasar. Napalingon ako rito at walang babalang hinablot ang buhok nito. Nagsisigaw naman tong babaeng to, lalapit sana ang magbabarkada pero tinitigan ko sila ng masama kaya napaatras na rin sila, Si ivan? walang pakialam. pa chill chill lang

"Alam mo, sa susuod na may marinig ako. Hindi lang ito ang aabutin mo" sabi ko rito at saka binitawan ang buhok nito sa paraang patulak. "Sabihin mo lang, kung away o patayan ang hanap mo. Hindi kita uurungan" matapang na deklara ko rito. Hindi iyon banta, pag sinabi ko gagawin ko. May isang salita ako. Tumalikod na ako at maglalakad na sana ng magsalita ang babae

"Nagkakamali ka ata ng pinagbabantaan" 

Lumingon ako to find out na may mga resbak na sya

"You know, I can do everything I intend to do here. Kahit ang patalsikin kayo rito, magagawa ko. Huwag nyo akong takutin dahil hindi nyo ako madadala sa mga sinasabi nyo" sabi ko sabay talikod pero nakatayo lang ako "Kayo ang nagkakamali ng binabangga, hindi nyo ako kilala" pagkasabi niyon ay tuluyan na akong lumakad at pumasok na sa loob ng classroom. Bahala sila sa buhay nila. Mananahimk ako sa lahat ng bagay, pero pag ako ginalaw nila at may marinig akong hindi maganda? MAGHANDA NA SILA! 

---

Hellooooo. readers, votes and comments :)))

next update. dipindi ulit :p

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon