TCH 28 (Jet and Khrystine)

128 3 6
                                    

JET's POV

Sino yung babaeng yun? Ang lakas ng loob nya para sapakin at tadyakan ako. That damn, woman! Lumipas na ang isang sem. Panibagong sem na naman ito pero ginugulo pa rin ang utak ko ng babaeng yon.

"Pre! Ano? sya na naman ba yan?" bungad sa akin ni Ivan. Takte to, parang walang pinagdadaanan ah?

"Tantanan mo ako, porke't wala na si hyle, yan ka na naman" inis na sabi ko, bigla naman itong sumimangot. Papasok na kami sa loob ng classroom ng may maulingan ako, lumingon ako rito saktong paglingon ko, tumama sa akin ang kamao nito. Hindi sa mukha pero sa sikmura. Ang sakit lang.

"Shit ka!" inis na sigaw ko habang himas himas ang sikmura kong natamaan nito kani kanina lang

"Shit ka rin, ang tanga mo. Hindi ka umilag. Nakaharang ka kasi sa daan" mataray na sagot pa nito sa akin

"Alam mo, ikaw na tong may atraso ikaw pa tong may ganang magalit!" seryosong sabi ko

"Duh?! di ko kasalanang nakaharang ka sa daan. Hindi naman kasi para sayo ang sutok na yon" taas kilay na sagot nito, magsasalita pa sana ako ng magbell na.

Pagkapasok ko sa loob ng room, dating gawi lang din. Dumating na yung prof namin at sinenyasan kami na manahimik

"okay, meron kayong bagong ka block mate she's from bsba course at nagshift sya sa course nyo. Please do welcome." sabi ni prof, pumasok naman yung sinasabing ka blockmate namin at ganon na lang ang paglaki ng mga mata ko

"Hi, Khrystine Mae Tapel, nice to meet you guys." nakangiting pagpapakilala nito, hindi man lang ako napansin nito.

"ah? khrytine? you look like familiar. Varsity ka po ba?" rinig kong tanong ng classmate namin

"Yeah" simpleng tugon nito

"Kaya pala magaling sa self defense eh" rinig kong sigaw ni Ivan rito.

Bigla naman kumunot noo ito ng magkasalubong ang mga mata namin.

"Bakit nandito yan?!" sigaw nito habang nakaturo sa akin

"Is there any problem?" tanong ni prof, umayos ako ng upo at saka ngumisi rito ng nakakaloko

"Baka kasi ito ang classroom ko? Isa pa, dito ako nag aaral. Ikaw na lang tong nag shift, magrereklamo ka pa" pangbabara ko. Lalo naman nagdilim ang mukha nito, bagay na ikinatuwa ko.

"You can seat beside him, Ms. Tapel" si prof. Nakasimangot ito na tumalima papunta sa pwesto namin.

Ibinaba nya ng padabog yung gamit nya at ng uupo na ito, isang kapilyuhan ang ginawa ko.

Lahat ay nagtawanan, sa ginawa kong paghila sa upuan nya na naging dahilan para mapaupo ito sa lapag.

"Ooops, sorry" pekeng paghingi ko ng sorry rito. Sinamahan ko pa ito ng isang nakakalokong ngiti.

Tumayo ito at saka inayos ang sarili nito at ang upuan.

"Tayo" utos nito maya maya. Napataas naman ang kilay ko rito.

"Tayo!" sigaw na nito,

"Lagot ka pare" bulong sa akin ni dominic

"Pwede po ba umalis muna kayo dyan saglit?" sabi nito sa mga taong naka upo sa likuran namin. Mabilis naman ang mga ito na kumilos. "Tayo sabi!" angil nito ulit sa akin. Tumayo ako at saka humalukipkip sa harap nya.

Tahimik ang buong klase, kahit ang prof. namin wala akong marinig na kahit anong saway man lang

Nagulat ako ng sipain ng babaeng to na yung upuan ko. Tinitigan ko ito ng masama.

"Now, seat!" utos nito. Uupo na sana ako sa upuan ng magsalita ito

"Hindi dyan, sa sahig"

"you just to be kidding me" hindi makapaniwalang bulalas ko rito.

"Nope. I'm serious. Now, you seat!" matabang na utos na naman nito.

"Ayoko" matigas na sagot ko rito, pinanlakihan ako ng mga mata nito, nilabanan ko ang mapanghamong titig nyang iyon. Sa isang kurap, bigla akong sinikmuraan nito.

kahit masakit, nagawa ko pang pigilan ang kamao nito sa eree ng umamba na naman ito na suntukin ako. Sa pagkakapigil kong iyon, bigla ko itong hinatak at siniil ng halik sa mga labi nito

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon