2 years after.. .
"You know that I am always here... Waiting for you"
Yes, hyle. Two years, pero naghihintay pa rin ako. Hindi ko alam kung may dapat bang hintayin o wala. May pag asa ba o wala.
Buti pa ang barkada, may kanya kanya ng buhay. Minsan na lang mag Jamming
"Ivan" napaangat ako ng tingin mula sa tumawag ng pangalan ko
"Papunta na" nakangiting sabi ko rito ng sumenyas ito na lumabas na. Two years, yet I am the new president of my Dad's company. Nag aaral pa rin naman ako, patuloy pa rin ako sa pagtupad ng pangarap ko na magpatakbo ng kumpanya.
Naglalakad ako sa hallway ng may makabunggo sa akin
"Sorry" hinging paumanhin nito
"I'm sorry too" pagbalik ko ng sorry rito, nakayuko kami parehas dahil sa pinupulot ko yung mga papel na dala nya na nagkalat sa sahig
"No, I mean I'm sorry if Iniwan kita" pagtatama nito. That's the time na bigla kong naangat ang paningin ko sa taong nabunggo ko
"Hyle?"
"Hi, Ivan? Kamusta ka?" nakangiting tanong nito. Tumayo ako, pati sya
"Ah? k-kelan ka p-pa dumating?" nauutal na tanong ko
"Last week" nakangiti pa ring sagot nito.
"Akala ko hindi ka na babalik" wika ko sabay lakad, kabastusan pero ewan, parang may sariling isip ang mga paa ko. Hindi ko na sya nakikita ng muling magsalita ito.
"Bakit hindi ako babalik? eh, kung alam kong may taong mahal ako na naghihintay sa akin dito?"
Para akong napako sa narinig ko mula sa kanya, tama ba ang narinig ko?
"Hindi mo man lang ba ako sasagutin sa sinabi ko? wala na bang naghihintay sa akin?" habol nito, bakas sa tinig nito ang pagkalungkot at pagkadismaya. Lumingon ako rito at walang sabi sabing tinakbo ito ng yakap. Isang napalahigpit na yakap. Noong una nabigla sya pero naramdaman ko ang pagtugon nito sa yakap ko.
Hindi ko inantala pa kung maraming nanonood sa amin. Wala akong pakialam, ang alam ko na sa bisig ko ang taong minamahal ko.
Akala ko, hindi talaga kami. Who would've thought, right? She's my everything, now and then.
Nasaktan man ako noong una, dahil sa paasang ginawa nya, alam kong may rason. Wala naman kasi tayong bagay na ginagawa na para lang sa wala, hindi ba? laging may reason behind that agenda.
Sino nga ba mag aakala? na ang isang kilalang nagloloko, nag papaasa at lider ng "The Campus Heartthrob" ng University namin, heto' nagmamahal, nagseseryoso at higit sa lahat Determinado na sa lahat ng bagay.
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Fiksi RemajaRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...