TCH 1

290 4 2
                                    

"Hoy! Ron Ivan!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Jet lang pala. Jet Aseo, buti na lang madali lang bigkasin yung pangalan ng lokong to. Siya ang 'Kapre' sa aming magbabarkada, sobrang tangkad kasi e, saka part talaga sya ng varsity. Ako? Ako naman si Ron Ivan Dimatalo. Nice name right? lol. Oo na lang kayo guys.

"Ano? May chix na ba?" nanlolokong tanong ko sa kanya

"Imba ka brad huh? chix agad" sabad naman ni Dominic. Yup! Dominic Chuaquico. Hirap bang bigkasin ng last name? 'Chu-wa-ki-ko' ayan na huh? Sya yung klase ng tao na makulit pero pinaka seryoso sa aming lahat. Siya rin ang pinaka matalino at laging Active sa lahat ng academic subjects.

"Hindi naman pre! nagkataon lang na boring ang buhay" natatawang sagot ko sa tanong nya kanina sa akin.

"So new month, new flavor na naman pala ang tema natin huh?" sagot agad ni jet sa akin

"Sort of guys" sabi ko sabay tayo na sa kinauupuan namin. Favorite tambayan namin ang auditorium ng school namin. Walang ibang nakakapasok doon maliban sa aming tatlo. Pag may gustong ibang pumasok dito, they need my permission first. Bakit? dahil anak ako ng may ari ng university na ito.

Nag ring na yung bell, Okay! start na ng class. Lahat ng madaanan namin na nakaharang sa dinaraanan namin, syempre alam na nila yung gawain nila. At yun ang Tumabi silang lahat. Papasok na lang kami sa classroom ng mapatigil ako at sumandal sa wall ng pintuan dahilan para sumilip din sila jet at dom dito. Sinamaan ko ng tingin yung babae, wala ba tong pakiramdam? di man lang ako napansin. Di man LANG! kami napansin ng babaeng to. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan nya.

"Hoy miss!" tawag ko rito, K. fine!

"Hoy miss! wala ka bang pakiramdam?!" sigaw ko rito at dun na sya tumingin sa akin. Hindi sya sumagot, tinitigan nya lang ako ng masama.

"Ano?! di mo ba ako kilala?" masungit na tanong ko rito. Lumapit na sila jet sa akin at saka ako inakbayan ng tropa tropa

"Alam mo miss, upuan kasi nya yan. At saka ayaw nito ni Ivan na may mas nauunang pumasok sa kanya rito sa loob ng classroom" sabi ni jet

"Kaya kung ako sayo miss, umalis ka na dyan kung ayaw mong masaktan" sabi naman ni dominic rito. Nagulat lang kaming tatlo ng bigla itong tumayo at tinapakan ako sa paa, sabay talikod sa akin. Awts.

"Hoy! bakit mo ginawa yun?!" tanong ko rito habang iika ikang sumunod dito. Tumingin ito sa akin sabay ngisi.

Okay! nakakaloko tong babaeng to ah.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko rito, marami rami na ring estudyanteng nakikitingin pero wala akong pakialam. Tumayo ulit ito at saka tumingin sa akin ng deretso. Mata sa mata. Wala akong makitang takot doon.

"Eh ikaw sino ka, kayo para maghari harian dito?!" mataray na ganti nito sa akin.

"Alam mo bang ikaw pa lang ang sumagot ng ganyan sa akin?" medyo kalmado ko ng tanong sa kanya

"Paki ko naman sayo? feeling nyo hawak nyo lalo na ikaw, lahat ng tao rito. Sa paligid nyo." mataray pa ring sagot nito. Saka umupo na ulit sa pwesto nito. Napanganga na lang ako .

"Pre, nakahanap ng katapat?" narinig kong tanong ni Dominic. Lumingon ako dito to find out na ayun nakangisi silang dalawa na kinasimangot ko. Badtrip! Iika ika pa rin akong naglakad para pumunta sa upuan ko. Sumunod lang sila sa akin. Napagitnaan ako ni jet at dominic

"Sino ba yung babaeng yun?" tanong ko sa kanila

"ah, balita ko transferee yan e. George ang rinig kong tawag sa kanya kanina" sabi naman ni dominic habang pasulyap sulyap sa likuran

"Kaya naman pala barako kung makaasta e. George ang pangalan" 

"Nickname nya lang yun pre. Masakit ba huh?" natatawang tanong ni jet sa akin. Sinamaan ko lang sya ng tingin

"Huli ka na pre! tingin ko may katapat ka na" biro ulit nito

"Ngayon lang yan pre, tignan mo lang. Aasa rin yan sa atin tulad ng ibang babae na nakasalamuha natin" matapang na deklara ko

"Tignan natin pre, Tingin ko hindi sya basta-basta e." sabad ni dominic. Sinulyapan ko lang si george, ng mapatingin ito sa gawi ko nag smirk lang ito. Napaka boyish ng babaeng ito, pero in fairness huh? may itsura sya, Maganda sya, matangos ang ilong niya. Sexy sya, Yung buhok nya na umaabot lang hanggang balikat na bumagay sa malapusong mukha nya. Tingin ko mga na sa Five six ang height ng babaeng ito. Modelo ang labas nya.

"Huy! pre ayan na! nahulog na ba?" napalingon ako bigla sa tanong na iyon ni jet

"Ano pinagsasabi nyo dyan?"

"Tulala ka kaya, hahaha" si dominic. Tulala nga ba ako? ewan! di ko na lang pinansin pa yung kalokohan ng dalawang to. Bahala sila sa iniisip nila.

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon