TCH 27

124 3 0
                                    

IVAN's POV

Naka uwi na ako at nagkulong lang agad ako sa kwarto ko. Inaalala ang sakit at pait ng pangyayari kanina.

Seriously? I cried in front of her? AGAIN?! Hindi ko na rin siguro napigilan pa. I hate myself! pero wala na kong mas kasusuklaman maliban sa lintek na pagmamahal na yan.

"Huwag magsalita ng tapos" singit ng utak ko.

Naiwan ako sa park noon, kung saan iyon na ang una at huling pagkikita namin.

flashback.. .

"You know why I have to do this, right?" mahinang tanong nito sa akin

"Pilit kong iintindihin, masakit. Pero kakayanin ko" sagot ko sa kabila ng paglandas ng mga luha ko.

"I'm going back to canada. Hindi alam to' nila daddy, so please bear with me, Ivan" pakiusap nito.

"Bakit hyle? you know, you know you can't easily do that" tanong ko pagkuwan. Hindi naman agad siya umimik.

Pakiramdam ko, sa mga oras na ito, pinagsakluban kami ng langit at lupa. We're like in the middle of the sea, tipong pinipigilan ng isang malaking alon sa paglalakbay. Ang hirap makisabay. Bakit? Bakit kami pa ang pinaglaruan?!

"Goodbye, Ivan" instead ay sagot nito at saka tumayo. Ilang segundo rin syang hindi tuminag sa pagkakatayo bago naglakad papalayo.

"Good-bye may seem forever. Farewell is like the end, but in my heart’s the memory, there you'll always be" pahabol ko rito, tumigil ito sa paglalakad pero hindi na lumingon pa sa akin. Tumakbo ako rito para yakapin ito mula sa likuran nito.

"You know that I am always here.. . Waiting for you" bulong ko, naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha nito sa balat ko. Pinakawalan ko na sya at lakas loob na tinitigan ang papalayong sya.

***

Ilang araw lang ang nakalipas pero pakiramdam ko taon na ang lumipas. Everytime na pumapasok ako sa university, pakiramdam ko may kulang sa araw ko.

"Naalala mo sya?" biglang tanong ng kung sinong boses. Napalingon ako rito para sinuhin iyon. And it was Mitch Tyler. My bestfriend.

"You know, I can be your shoulder. Huwag mo itago yan, ilabas mo" nakangiting wika nito at saka tumabi sa akin sa damuhan. Na sa garden house kami ng school.

"Bakit ba tila pinaglalaruan ako? kami?" malungkot na tanong ko

"May mga tao sa buhay natin na kahit super nating mahal ay  umaalis at umaalis pa rin"

"Bakit nga?!"

"Because there is better than her or him, waiting" sagot nito. "Oh kaya, kayo naman talaga sa huli but it takes time to discover it"

"Ang sakit kasi, mitch" wika ko, tuluyan ko na ring hindi napansin ang pagtulo na naman ng mga traydor kong luha

"Tanga ka ba? Malamang na masaktan ka, pinili mo ang magmahal eh" natatawa at iiling na sagot nito sa akin, pinunasan nito ang mga luha ko "Huwag kang umiyak. Masyadong gayshit eh!" nang aasar pa nito, pero agad din itong naging seryoso "Pain? isa sa mga thrill yan sa pagmamahalan. Kung hindi ka nakakaramdam non? ay! ikaw na dakilang manhid. Nope. I mean kahit manhid nga nakakaramdam pa rin ng sakit, nagprepretend lang sila na hindi nila nararamdanam, kasi nga alam nila sa sarili nilang manhid sila. Wala silang mga pakialam" dugtong nito.

Natahimik naman ako sa pinagsasabi ng babaeng to. May pinanghuhugatan ba to?

"Broken hearted ka ba?" biglang tanong ko. Ngumiti lang ito at saka kumindat sa akin sabay banat ng tayo at alis. Napasunod na lang ako ng tingin rito.

Ang weird ng mga tao? napangitin na lang ako at saka iiling iling na tumayo at naglakad na papalayo sa lugar na iyon. Siguro tama nga ito. Maybe we're not meant for each other. Kung kami man, It takes time for us to see and find each other.

---

Okay! End. lol

Special chapter. Next update: within this week. Subaybay lang guys, may thrill pang nakaabang :p Idea? secret ^________^

hashtag #MeantToBe

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon