TCH 22

153 2 0
                                        

GEORGE' POV

'Awkward' sa isip isip ko. Sinubukan kong huwag syang lingunin. Nakuha lang ang atensyon ko ng may tumawag sa pangalan ko. Pagtingin ko, si chayls? si chayls talaga?!

"Uy chayls! wait me there" masayang sigaw ko rito. Mabilis akong kumilos at saka tumakbo papalabas. Nagyakapan pa kami saka nya ginulo yung buhok ko

"Sino yung lalaki dun?" tanong nito matapos.

"Sino?" tanong ko kahit nahuhulaan ko na kung sino ang tinutukoy nito

"Yung lalaking nakatayo, sinusundan tayo ng tingin. May gusto sayo yun noh?" pang aasar bigla nito na ikinasimangot ko

"Sorry na, ito naman eh" sabi nito with matching pout at puppy eyes "pero seriously, speaking here. Sino nga yung lalaki? balita ko kasi engaged ka na eh"

Huminto kami sa paglalakad ng tumapat kami sa pinto ng cafeteria. Sersoyo talaga tong lalaking to.

By the way, he's Chayls Jhasper Coronado. One of my super closed cousin, sa mother side ko. He's one year older than me. Galing sya ng states kung saan nag aaral sya ng medicine.

"Kwento ko pa ba sayo?" kunot noong tanong ko ng makapasok at makaupo kami sa may bakanteng upuan at lamesa sa loob ng cafeteria

"Of course, di ako papayag na hindi. Loko ka, uunahan mo pa ako sa pag aasawa" nakangising sabi nito, nanahimik naman ako "so?" pataas taas kilay pa nitong tanong

"so?" pang gagaya ko rito

"Sino nga kasi?"

"Sya yun. Sya si Ivan, yung Ron na kinekwento ko sayo noon ng magkita tayo sa canada" seryosong sagot ko sa tanong nito

"Huh? sya yung tarantadong lalaking nanakit sa batang puso mo?!"

"O.A ka na masyado, nakaganti naman na ako" proud kong sabi rito, yung kani kaninang naka kunot noo nya, seryoso na naman

"Masaya ka ba ng nakasakit ka?" tanong nito, alangan akong tumango

"Bakit kailangan mong gawin?"

"Bakit nga ba? hindi ko alam eh, ang alam ko lang kasi nasaktan nya ako. Gusto kong maramdaman nya kung ano yung naramdaman ko" halos pabulong ko na lang na sagot rito

"Kaya nga, masaya ka na? tignan mo kung ano ang ginawa mo. Mukhang binalik mo na naman ang dating sya" sabi nya, napatingin naman ako sa gawing ininguso nya. Nakita ko nga si Ivan na may kaakbay na babae. Maganda ito, sexy, kahit hindi ito katangkaran, may sinasabi to.

Para naman ako nawalan ng gana dahil sa nakita ko.

"Oh? ni reject mo tas' ngayon sisimangot ka kapag may nakita ka" si chayls na lalo pang nakapag pasimangot sa akin

"You know what? I don't care. If he want too, then be it. It's none of my business, anyway" mataray na sagot ko.

"Sus, I don't care daw. lokokin mo sarili mo" sabad ng utak ko

"Dammit! ikaw ang nagsabi na biguin ko sya, tas' ngayon sasabihin mo yan sa akin?!" sabad naman ng isa

"Any way, change topic, how's lheigie?" biglang tanong nito, bigla naman akong napakunot dahil sa ngiti nito

"Hindi ka pa rin move on?" nagtatakang tanong ko

"ah? eh--?" nagkakamot ulong nauutal na sabi nito, ngumiti naman ako ng nakakaloko

"cut that shit smile, hyle!"

Nang marinig ko iyon bigla akong tumayo para abutin sya at batukan

"Para saan yun?" kunot noong tanong nya

"Loko ka eh! naghihintayan lang kayo. Gago!" natatawang sagot ko

"Mura pa, hyle!" sita nito

Well? lheigie is my one of my closed friend too, bestfriend kung maituturing na rin. Naging sila nitong kumag na to fot the past four years, yet? they ended, breaking up with each other. Muntanga kasi, ang baba ng rason para maghiwalay. Nang dahil lang sa sabi sabi na ikakasal ang pinsan ko sa ibang babae, ayun. Nakipaghiwalay na. Tapos ng maikwento ko kay lheigie yun, sising sisi sya. Nang gusto na nyang makausap si chayls, that's the time na lumipad na ang pinsan ko papuntang states.

--

Hi readers ✌ Meet Chayls and Lheigie

(Baifern and Porshe Saran) Si Chayls and Hyle yung nasa picture :))

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon