TCH 5

183 4 3
                                        

IVAN's POV

George? George Smith, Sino ka ba talaga? Ano ang meron sayo na di ko makita sa iba? Ang hirap mong basahin. Ang hirap mong intindihin.

Ano ba nangyayari sa akin? Ang kilalang Ron Ivan Dimatalo na mahilig maglaro, walang iniintindi, walang pakialam. Bakit ngayon? tila nag tatanong, nag iisip ang utak ko!

"Arggghh!" sigaw ko sabay suntok sa pader na sa gilid ko. Putsa naman!

"Chill pre" sabay na sabi ni jet at dominic.

"Chill? ano ang dapat ika chill ko? nagugulo ang utak ko ng dahil sa babaeng yan! pero bakit din ganon? Ilang araw pa lang pero may iba na. Ibang iba sya sa mga babaeng nakakasalamuha ko" galit na sabi ko sa kanila, tinapik tapik naman nila ako sa balikat ko

"Iba? hmm, bago yan sayo pre ah! mukhang nakahanap ka talaga ng katapat. Pre! umiibig na?" biro ni jet

Umiibig? di ba parang bago yun sa akin? di ko alam kung paano umibig dahil ang alam ko, naglalaro lang ako. Di ako nagseseryoso. Nananakit, Nagpapaasa. Taenang yan! di kasi ako lumaki sa pamilyang puno ng pagmamahal eh!

oo, kumpleto kami pero parang broken dahil kung hindi si mama ang na sa trabaho, si papa. Na sa bahay nga sila pareho, di ko naman nakakausap. Laging

"Mamaya na yan Ivan, may trabaho pa ako"

"Malaki ka na, kaya mo na yan nak."

Letse naman! Pamilya pa ba ang matatawag ko dun?

"Bakit di ka mag imbestiga? Mag tanong ka. Kilalanin mo sya, pero pre paalala lang, Huwag kang mahuhulog, dahil once na nahulog ka, talo ka. Ang kilalang Ron Ivan Dimatalo na FLIRT, ay nagseryoso. Ang mahirap pa, ikaw na nahulog ikaw pa ang aasa kapag di mutual ang feelings." paglilintanya ni dominic sa harap ko.

'Huwag kang mahuhulog, dahil once na nahulog ka, talo ka.'

Linya na di ko maialis sa utak ko. Ako mahuhulog? parang imposible naman ata.

'Imposible na pwedeng maging posible'

sabad naman ng utak ko ulit. What the F! pati utak ko ayan nagtatalo na.

****

Umuwi ako ng bahay na gulong gulo ang utak ko, pagkapasok napagkapasok ko sa bahay. Himala! naririto ang lahat huh?

"Son, narito ka na pala" sabi ni mama,

"Di po ba halata ma?" walang emosyong tanong ko, medyo nabigla sya sa sagot kong iyon pero sanay naman na ako. Maglalakad na sana ako ng may lumabas mula sa loob ng kitchen area namin at ganon na lang ang pagkagulat ko.

"Ikaw?! anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko rito

"Di ba halata? hello? malamang na inimbitahan. shungaks nito" matabang na sagot nito sa akin. Sige, barahin ba ako? na sa pamamahay kaya kita!

"tsk." iling ko sabay lakad papuntang hagdan. Eksena ng babaeng to

"Ivan!" huling hakbang na lang! bakit mo pa ako tinawag? napilitan akong harapin si papa,

"po?" tanong ko

"Bumaba ka muna rito" sabi nito, okay! no choice. Bumaba na ako at umupo sa may upuan doon. Nilingon ko si george at putek! smirk pa, nakakaloko pa yung ngiti nya.

"Son, meet Georgina Hayle Smith. Ang unica Iha ng tito Andy mo" sabi sa akin ni papa, napatayo naman ako. ANAK ni tito andy?! so sya ang babaeng dati kasakasama ko noong bata pa kami?! wow! ang tinde naman!

"Hello, Mr. Ron Ivan Dimatalo, nice to meet you AGAIN" diniinan pa talaga ang again huh? tsk.

"Naalaa mo pa ba sya?" tanong sa akin ni papa, oo naman, tandang tanda ko pa! tsk.

"For sure tito, hindi na, five? ten years? matagal tagal din yung tito. At saka di ba ivan, ano ulit yung huling sinabi mo sa akin? AASA ako sayo tulad ng mga naging babae mo? sorry ka pero hindi ako isa sa kanila" sarkistong sabi nito

"Ano ang nangyayari dito?" singit ni mama

"hmm, Wala naman tita." nakangiting sagot nito kay mama, kumunot noo lang ito.

Flashback... .

"Oy Georgina! for sure ikaw aasa ka rin sa akin! nakita mo yung babaeng yun? katulad ka lang nila" sabi ko rito, magkasama kami sa may park. Nag uusap bago sila umalis papunta sa canada

"Umasa ka ron!" inis na sabi nito sa akin, sabay tayo at talikod. Tumawa lang ako na kinaharap nya ulit at inis na lumapit sa akin saka sinipa ako.

"Oy! Tulad ka lang nila!" pahabol ko rito

End of Flashback.. .

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon