TCH 20

142 3 1
                                        

IVAN's POV

'Ang tanga tanga mo Ivan! umasa ka' panenermon ko sa sarili ko,

Nakabalik na kami sa hotel pero sya ang pinatuloy ko sa kwartong ipinareserba ng magulang namin.

Kumuha ako ng panibagong kwarto, ng maihatid ko sya kanina, wala ng kibuan ang naganap sa pagitan namin.

"Hyle.." pagtawag ko sa pangalan nito, nakatingin lang sya sa Eiffel tower. Umusod ako sa tabi nya para lalo pa kami magkadikit

"hmm?" pagbaling nito sa akin

"Mahal kita" pagderetsa ko. Halata naman sa mukha nito ang pagkagulat. Nag iwas naman ito ng tingin

"Hyle" pagtawag ko ulit, pinihit ko ito papaharap sa akin, ikinulong ko ang isang pisngi nito sa palad ko habang ang isa naman ay nakahawak sa kamay nito.

"Bigyan mo sana ko ng pagkakataon para mapatunayan sayo ang nararamdaman ko"

"I-Ivan a-ano--" nauutal na sabi nito, umiling iling ako para masabi rito na "okay lang, sabihin mo sa akin ng deretsa" saka nginitian ko sya.

"Ginamit kita, di mo ba nahahalata? Hindi kita mahal, wala kong nararamdaman para sayo!" sabi nito na nagpagulat sa akin, hindi ko naman alam ang magiging emosyon ko. Nabitawan ko sya mula sa pagkakahawak sa pisngi at kamay nya. Lumayo ito at saka tumalikod.

"Ayokong maniwala" lakas loob kong sagot rito, humarap naman ito sa akin

"Dammit! Ivan! tanga ka ba o nagtatanga-tangahan? hindi mo ba nakikita? Hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit di ko nagawang magpakilala sayo ng una pa lang?"

"SHIT ka Ivan! bakit? bakit mo hinayaan? alam mo ba ang sabi ko sa utak ko for the past five years at mula ng bumalik ako rito? Yun ay ang paibigin ka at iwan ka" madiing sabi nito na nakapagpanga nga sa akin, di ko na namalayan din na may mga luha na palang magsisiunahanf bumagsak sa mga mata ko

"M-magbabago rin yan" mahinang sagot ko rito.

"Hindi ako magpapakasal sayo"

"Tingin mo ba pag sinabi mo yan sa kanila, papayagan ka? kahit ayaw mo, magpapakasal at magpapakasal pa rin tayo" deklara ko rito. Tumawa ito ng pagak

"You're insane Ivan. Napaka selfish mo"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? ako pa ang Selfish? sino kaya ang nang gamit ng kapwa nya para lang makasakit ng damdamin ng iba?"

"Selfish na kung selfish! ang gusto ko lang naman ay ang maramdaman at maranasan mo ang pakiramdam ng masaktan ka ng taong minahal mo"

"Hindi ko iyon s-sinasadya nagkata-"

"Bullshit! hindi sinasadya? pwes ako rin hindi ko sinasadya. quits na tayo Ivan" pagkasabi niyon ay tuluyan na itong tumalikod sa akin, at naglakad papalayo.

Ang sakit, ang sakit na malaman sa taong mahal na mahal mo na hindi ka nya mahal, na ginamit ka lang nya.

Ayokong maniwala, pero ang utak ko nilalamon ng Insecurities. Bakit ganon?

'Sa isang laro kailangan lumaban ka ng patas dahil it's either ito ang magpapasaya o magpapalungkot sayo. Tandaan mo rin sa isang laro may nananalo at natatalo' sabad ng utak ko. Yung sinabi ni Dominic sa akin

'Ang mahirap pa, ikaw na nahulog ikaw pa ang aasa kapag di mutual ang feelings.'

Sana nakinig ako sa kanya, pero hindi ko nagawa. Lintek kasi na puso yan oh! kapag ito na talaga ang umentrada, wala ka ng magagawa pa!

---

Hi reeeeeaaderrrs! may pinanghuhugutan ang author nyo ngayon :( Arghhh! Nakakaasar yung feeling na yune. :3 Next update after prelim exam. Within this week guys. Comments and votes!

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon