IVAN's POV
How come na ang kilala kong Hyle noong mga bata pa kami ay makakaharap ko ngayon? Ay, wait! matagal tagal ko na rin pala syang nakaharap, hindi ko lang napansin agad na sya yung babaeng kahit mga bata pa kami ay minahal ko.
Ang kaso 'wrong move' ang pagpapansin ko sa kanya. Fuck! ahahaha, grabe natatawa na lang ako sa mga nangyayari ngayon. Asar, Basta pag si hyle ang kalaban ko o kaharap ko, nawawala ang isang ron ivan na makulit at mapaglaro. Kaya pala sa unang paghaharap ulit namin, kahit anong palag, laban ko sa kanya, sa huli ako pa rin ang natatalo.
Bakit kaya di ko sya nagawang makilala sa paghaharap ulit namin noon? Sabagay tama sya, five? ten years? masyadong matagal para maalala ko sya, ang mukha nya, ang tinig nya, ang pag iyak nya sa tuwing malungkot sya, ang pagtawa nya sa tuwing masaya sya. Wow! Ako ba to? grabe noh? Ganyan ako katindi ng mahulog ang puso ko sa kanya.
Isa rin sya sa mga rason kung bakit ganito ako ngayon, sinisisi e noh? pero hindi, kasalanan ko talaga. Kung hindi ko nasabi ang mga iyon sa kanya, sana ngayon sya ang BEST Girl bestfriend ko in this whole world! at kung pwede lang mapalitan yon ng Best GIRLFRIEND, gagawa ako ng paraan mapalitan lang yon. Ang OA ko na! taena naman ho.
'Puppy love to True love'
sambit ng utak at puso ko. Manahimik nga kayo dyan! letse! dapat di nya malaman yun! Yun ang sikretong pinaka iniingatan ko sa buong buhay ko.
"Ivan!" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, napangiti naman ako ng masinuhan ko iyon.
"Tito andy! nice to see you again!" sabi ko rito ng makatayo ako, lumapit ako rito para makipagyakapan.
"Long time no see, Ivan. Gwapong bata ah? pustahan marami ka ng napaiyak" biro nito
"Dad!" parehas kaming napalingon sa boses babaeng tumawag kay tito.
"Hyle, come here." sabi ni tito rito, lumapit naman ito ng medyo di maipinta yung mukha.
"We have something to tell both of you" sabi ni tito habang naglalakad kami patungo sa couch.
"Andy!" ooops, papa.
"Where's Helena?" si mama
"Busy as ever" natatawang sagot naman ng tito. "Any way, alam na ba ng mga bata?" tanong ulit nito, na pakunot noo naman ako sa sinabing iyon ni tito.
"Ano po ang dapat malaman?" singit ko
"Ah, iva--"
"About our Wedding, Arrange marriage" walang emosyong sabad ni hyle. Hindi agad ako nakakibo
"Paano mo nalaman?" si tito
"I heard you and mom talking when we're in canada. Kaya nga po tayo bumalik di ba? para sa Arrange married namin?" sarkistong tanong ni hyle, nakalingon ako sa kanya kaya nakita ko ang isang nakakalokong ngisi na nakabakas sa magandang mukha nito.
"Teka? marriage? as in kasal?" singit ko ng matauhan ako
"Oo, kasal tanga nito!" mataray na sagot ni hyle sa akin
"Hyle!" madiing tawag ni tito rito
"What? dad? Mali ba ako? nagtanong sya, sinagot ko lang" sagot nito
"Anong karapatan mong sagutin ako ng pabalang?" galit na sabi ni tito
"Andy, tama na yan" singit ni papa at mama
"Kayo dad, ano ang karapatan mo para panghimasukan ang buhay ko? Now, if you'll Excuse me. Im tired, I wanna go home." pagkasabi nito ay naglakad na ito papalabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/17617445-288-k613192.jpg)
BINABASA MO ANG
THE CAMPUS HEARTTHROB
Novela JuvenilRon Ivan Dimatalo-- Lalaking kilala bilang isang manloloko, mapaglaro, hindi marunong magseryoso, lider ng grupo. Georgina Hyle Smith-- Babaeng matapang, hindi basta basta nagpapatumba. What if ang mundo nila ay magsama? Magawa kayang mapatino ni h...