TCH 3

186 3 0
                                    

IVAN's POV

Hindi ko inaakala na may maghahamon sa akin at sa barkada ko. Sa lahat na pwedeng maghamon bakit ang isang katulad pa nya? bakit ang isang babae pa? Wala kong makitang ni katiting na pagkatakot sa mga mata nya sa tuwing natititigan ko sya. Saang lupalop ba nya nakuha yung lakas ng loob nyang yun?! kakaiba syang babae.

"Masakit ba pre?" nakangising tanong ni Jet sa akin, kasalukuyan kaming nakaupo sa loob ng audi ng school. Himas himas ko pa rin yung part ng ulo ko na tinamaan ng george na yun ng bola. Badtrip sya!

"Sabi sayo pre e. Hindi sya basta basta" seryosong sabi ni dominic sa akin. Napaisip ako sa sinabi nyang yun. Hindi ko alam, pero tingin ko nga. Hindi basta basta ang isang katulad nya, pero hindi naman ako papayag na mag baback out na lang.

"tsk"

"Ano balak mo ngayon?" tanong ni jet. Nakatingin din sa amin si dominic

"Sisiguraduhin kong sya ang matatalo sa labang to. Sisiguraduhin ko rin na bago matapos ang laban, pati puso nya nahulog na ng tuluyan" seryosong sagot ko

"Huwag magsalita ng tapos pre. Hahaha, baka mamay kainin mo yan. Mamaya nyan eh, Ikaw na pala ang umaasa at hindi siya" sabi naman ng dominic. Ako ang aasa sa isang babae? pathetic! sarap tawanan nun ah!

"Hmp. Yan ang di mangyayari dom, makikita nya ang hinahanap nya" pagkasabi niyon ay tumayo na ako at lumabas ng auditorium.

Papalabas na ko ng school ng may bumunggo sa akin. Okay! sino na naman to!

"Tumingin ka nga sa dinaraana-" di ko na natuloy yung sasabihin ko ng taasan nya ko ng kilay. Grrr, ano bang epekto ng babaeng to?! di pwede yun! First day pa lang ng pagkikta e. Kalandi mo Ivan! ahahaha

"Ikaw ang tumingin sa dinaraanan Mr. dimatalo, masyado kang naghaharian pati daan eh, inaangkin mo." mataray na sabi nito sa akin sabay talikod at binanatan ako ng layas

"Hoy!" sigaw ko rito, lumingon naman ito

"Nakakarami ka na ah!"

"oh bakit? na aasar ka na ba? sumuko ka na kung di mo kayang lumaban tanggap ko naman na mahina ka talaga e. You know capital W-E-A-K" sabi nito with matching action sabay poker face at talikod.

"Humanda ka talaga sa akin Ms. Smith!" bulong ko, humanda talaga to sa gagawin ko bukas!

***

Time check 7:30 in the morning, Maaga talaga kami pumasok para sa gagawin ko mamaya sa babaeng yun

"Pre, di ba masyadong effort? ganitong kaaga, papapuntahin mo kami para lang dyan?" pagrereklamo ni jet.

"Easy pre. Di effort to. Nagsisimula na ang laban, makikita nya hinahanap nya mamaya" sagot ko rito

"Di pa pala effort yan sayo? di ba effort ang magsayang ng oras para lang sa taong kinaiinisan?" sabad naman ni dominic

"Alam nyo, kay sa sermunan nyo ko, tulungan nyo na lang ako rito" inis na baling ko sa kanila, nagkakabit kasi ako ng tali e. Yung tipong isang hatak ko lang nito may tatapon din sa kanya na pintura. Iiling iling na tinulungan ako ng dalawa. Labag eh! pinilit ko talaga silang samahan ako para magawa tong pag ganti ko sa babaeng yun. tsk.

"Oh! ayan tapos na. Pwede na siguro muna tayong umupo ng makapagpahinga muna tayo. Isang oras din ang itutulog pa natin oh!" reklamo na naman ni jet

"Bahala kayo!" simpleng sagot ko. Narinig kong pumalatak yung dalawa ng dumaan na ito sa harap ko para pumunta sa upuan nila.

After one hour, time na! marami ng tao sa room, at si ms. smith na lang wala.

"Hoy! kayo huwag kayong maingay ah!" sigaw ko sa lahat. Wala naman kumibo, mayamaya nakita ko na yung anino ng babae na papasok sa loob ng classroom, pagtapak pa lang nito, hinatak ko na yung tali na naging dahilan para matapon sa kanya yung timba na may lamang pintura. Narinig ko naman ng 'woah' yung mga tao sa loob. Tinitigan ko sya na may nakakabit na naglalarong ngiti sa mga labi ko.

"Sino may gawa nito?!" galit na tanong nito sa lahat, tintigan nya ko. Nagkibit balikat lang ako sabay ngisi sa kanya.  Uupo na lang ako lahat-lahay ng sumigaw sya, paglingon ko, aw!

"Shit you!" galit na sigaw ko rito

"Shit ka rin!" ganti nito sa akin sabay bato sa akin nung isang basahan. fuck! ang sakit nung pagbato nya sa akin nung timba. Saktong sakto sa mukha

"Pre, away na talaga to" pagbulonh ni jet kay dominic

"hoy! ms. smith! magkita tayo sa auditorium mamaya! 3pm! magtutuos tayo!" sigaw ko ulit rito. Shit talaga ang sakit!

"pre! dumudugo yung ilong mo! ahahahaha" sabay na sabi ng dalawa, kinapa ko yung bandang babang ilong ko. Tumayo ako at dire diretsong lumabas ng classroom

"Duwag!" narinig ko pang pahabol ni ms. smith

Anoooo ba! bakit ba laging palpak yung plano ko? okay, nabuhusan ko nga sya pero putek naman! di man lang nandiri sa naging sitwasyon nya! ano bang klaseng babae yun?

Paano kaya sya magmahal? Yelo siguro puso nun noh? ligawan ko kaya?

RON IVAN DIMATALO?! alisin mo nga sa utak mo yan! damn that woman!

THE CAMPUS HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon