Marso 7

1.5K 73 18
                                    

Marso 7

Habang patagal nang patagal, parami nang parami ang mga taong nakikiramay.

Parami nang parami ang mga taong nakikipag-usap sa akin sa aking kabaong. Hindi ko alam kung bakit hindi nila sinabi ang mga ito sa akin noong ako'y buhay pa.

"Mahal na mahal kita."

"Mahalaga ka sa akin."

"Ingat ka."

"Ang saya mong kasama."

"Ang sarap mong kausap."

"May problema ka ba? Halika, pag-usapan natin."

"Musta ka na? Sana masaya ka na riyan."

"Tara kain tayo, libre ko."

"Tara kape tayo, bangon ka na riyan."

"Kahit busy ako, pupuntahan kita kasi alam kong kailangan mo ako."

"Huwag kang mawawalan ng pag-asa, ha. Nandito lang ako."

"Kailangan kita kaya huwag mo akong iwan."

Ilang beses kong nadinig, pabiro man o hindi pero nakakataba ng puso. Simple lang ang mga salitang iyan. Ngunit kadalasan, hirap pa nating banggitin.

Isa lang din naman ang mga tumatak sa akin na salita. Dalawang salita na halos lahat ay hirap sabihin habang buhay ka pa. Nagiging madali na lang sabihin kapag patay ka na.

Ito ay ang "I'm SORRY."

Patawad...

Iyan ang palagi kong naririnig.

Patawad...

Iyan ang nakakarindi na sa aking taenga.

Patawad...

Mga salitang paulit-ulit na umuukit na sa bawat sulok ng aking kabaong.

Hihingi ka lang ba ng tawad kapag huli na ang lahat?

Mas masaya ba na humingi ng tawad kapag patay na ang tao?

Bakit hindi kayo himingi ng tawad noong ako ay buhay pa?

Bakit ngayon niyo sinasabi ang mga katagang iyan?

May nabuo pa raw na dating mga samahan dahil lahat sila nakiramay sa aking pagkamatay.

Parang naging reunion site itong aking lamay.

Masaya sila dahil nagkita-kitang muli.

Kahit ganito ang tagpo ay nagawa ko pa rin daw buoin ang tropa.

Ang mabigyan sila ng dahilan para magsama-samang muli.

Hindi nila iyon magawa noong ako ay buhay pa. Wala silang mabigat na dahilan para buoin muli ang tropa na nabuo sa dating samahan.

Hanap nila ay kamatayan para mabuhay ang dating tali na nagbubuklod sa bawat isa.

Malungkot sila, ngunit nang magsama-sama ay hawak-kamay na nakiramay sa aking pagkamatay.

Mga taong nakalimutan ang kahulugan ng samahan dahil nabuhay na sa pagkatuto na tumayo sa sariling mga paa.

Hindi rin naman masama, pero ang kalimutan na mayroon kang barkada na magtatayo sa iyo sa pagkadapa, dadamay sa pagkarapa, at itatayo mo rin sa kanilang pagkadapa.

Mga barkadang sangga mo noon, hindi mo na mahagilap ngayon. Ngunit narito sa harap ng aking kabaong, nagtatanong.

Nagsilabasan ang aking magugulong barkada. Lahat sila ay nagsisi-iyakan sabay na nag-aasaran pa.

She's DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon