Marso 9

1.3K 55 5
                                    

Marso 9

KASALUKUYAN akong narito sa tapat ng aking pinaglibingan.

Kahapon nang mailibing ako ay ang pinakahuling araw na makikita ang aking katawan sa ibabaw ng lupa. Ngayon kasi ay habang buhay na itong nakatabon sa ilalim.

Marami pang mga bulaklak ang nasa paligid nito. Alay ng mga taong lubos na nakikidalamhati sa aking pagkawala.

Bumuhos ang malakas na ulan.

Nabasa ang aking lapida, maging ang mga bulaklak ay sumalo ng tubig mula sa pagluha ng kalangitan.

Tinitigan ko ang itim na mga ulap. Sa aking pagtingala, dala ko ang pagkakaalam na malamig ngunit kahit ano'y wala akong madama na kahit anong panglalamig. Ganito kapag wala ka nang sariling balat at mistulang isang hangin ka na lang na nakalutang sa ibabaw ng lupa.

Ano nga ba ang mas nakakalungkot, ang lumutang sa ibabaw  ng lupa at hindi makadama o ang patuloy na nakatatapak sa lupa at patuloy na nakadarama ng sakit at pighati sa ibabaw ng mundo?

Ano nga ba talaga? Magaan na ba talaga ang aking pakiramdam dahil wala akong madama? O sadyang isang maling akala na kapag ikaw ay namatay, tuluyan nang mawawakasan ang lahat ng pighating nararamdaman.

Bakit tila ganito pa rin? Ang aking mga katanungan ay hindi pa rin nasasagutan. Isang panggulong tanong na kung pipilitin kong isipin ay mauuwi lang akong muli sa pagtatanong. Hanggang sa puro na lang pagtatanong ang aking nagawa rito.

Napatabi ako dahil mayroong pilit na pumunta sa harap ng aking libingan.

Isang lalaki.

Isang lalaki na sa aking tingin ay ka-edad ko lamang. Nakaitim na polo shirt, may dalang sunflower na bulaklak na nababasa na ng ulan ngayon. Maging ang mismong lalaki ay basang-basa na ng ulan.

Wala itong dalang payong. May kayumangging kulay, malalim ang ibaba ng mata, may pagkakulot ang maayos na pagkakagupit na buhok, may bilugang singkit na mga mata, at malaki ang hubog ng katawan.

Hindi ito umiimik. Sa ilang saglit na malakas na pagpatak ng ulan, kusang kumakawala ang sabay na sabay na mga patak ng luha sa kaniyang mga mata.

Nakatitig lamang ito sa tapat ng aking libingan. Katulad ng ginagawa ko simula pa kahapon. Pareho kami ng mga katanungan ngunit sa aking palagay ay mas malalim ang mga tanong nito sa kaniyang isipan.

Sa lahat ng taong dumalaw sa akin, siya lamang ang natatanging nakakitaan ko ng higit na pagsisisi. Kitang-kita ko sa kaniyang mga malalim na mga mata ang higit na panghihinyang.

"Nahuli ako ng dating." Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito matapos maramdaman ang dahan-dahang pag-tila ng ulan.

Isang hagulgol ang pinakawalan nito habang bumaba sa tapat ng aking lapida. Kinapa-kapa nito iyon at hinahaplos.

"Natakot ako, naduwag akong pumunta sa lamay mo, Vicky. Sabi ko, baka hindi ako ang kailangan mo. Ang tanga-tanga kong pakawalan at sayangin ka, mahal. Hindi ko naisip na wawakasan mo nang ganoong kadali ang buhay mo. Hindi ako nakapag-isip nang iwan mo ako dahil mayroon akong nabuntis na iba. Nagparaya ka, para sa magiging pamilya ko." Sabay nito ang pakawala ng isang mahinang iyak na punong-puno ng panghihinayang.

"Nagsisisi akong nawala ang babaeng totoong nagmahal sa akin. Nagsisisi akong nawala na ang babeng palagi kong sandalan kapag may dinadala akong problema. Nagsisisi ako na wala na ang babaeng minahal at tinangi ko ng ilang taon sa aking buhay." Napapalunok ito sa bawat kataga na lumalabas sa bibig nito.

"Kung mayroon lamang akong magagawa upang pigilan ka noong araw na iyon. Noong sinabi mo sa akin na piliin ko ang mag-ina ko, sabi ko pa sa sarili ko, sige! Iyon naman pala ang gusto mo, gusto mo pa lang mawala ako sa iyo at iyon ang ginawa ko kasi nagmalaki pa ako sa iyo." Napatigil ito sa mga sinsabi dahil napaiyak itong muli.

She's DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon