Marso 18
Madaling araw nang may kumalabog sa likod ng bahay nila Lalaine. Dahil sa nagtitipid ng kuryente ang mag-ina ay walang bukas na ilaw ang mga ito kaya naman ay prenteng-prente na pumasok ang isang lalaki na naka-jacket na itim at may dala-dalang bag.
Wala itong takip sa mukha, kulot ito at maitim ang kaniyang balat sa mukha, malaki ang mata at mukhang manggagawa talaga ng masama.
Tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa bahay at akalang walang nakakakita sa kaniya. Hindi naman niya ako makikitang nakasunod lang sa kaniya dahil isa lang naman akong kaluluwa. Pinilit kong magpahangin nang malakas para magkaroon man lang ito ng kaunting takot ngunit wala, mukhang halang talaga ang kaluluwa nito.
"Don Emilio, kay tagal ko nang pinagnanasaan ang asawa mo! Pahiram naman sa kaniya kahit kaunting saglit lang," bulong nito sa kawalan. Ito pala ang balak niya. Si Laxamina ang pakay niya. Nagpaalam pa siya dahil akala niya si Don Emilio ang nagpaparamdam sa kaniya.
"Saan ba ang kuwarto ng magandang haliparot na si Lalaine?" tanong pa nito nang pabulong habang kalmadong-kalmado na sinusuyod ang bahay na pinasok nito.
"Ang pangit-pangit mo na nga, ang sama-sama pa ng budhi mo," pilit kong ibinubulong sa kaniyang taenga dahil nandidiri ako sa lalaking ito.
Napahinto ito nang maramdaman niya ang aking bulong. Huminto lang saglit pero ngumisi rin naman.
"Walang magagawa ang pananakot mo sa akin Don Emilio. Wala ka nang magagawa kasi patay ka na at sa akin na ang asawa mo! Hindi mo ako madadaan sa mga ganiyang pananakot mo dahil sanay na ako kasama ng mga demonyo. Huwag ka na magsayang ng oras at panoorin mo na lang ang gagawin ko sa pamilya mo!" sigaw nito.
Napalunok na lang ako dahil ako mismo ay natakot sa sinabi nito at sa ngisi nito. Dala pa nang mala-demonyo nitong titig sa kawalan kaya maging ako ay hindi na nakahakbang pa.
Sinikap kong palakasin ang loob ko at gumawa ako ng mga tunog para madinig o magising sila Laxamina. Ngunit gaya ng sinabi ng lalaking ito, wala na talaga akong magagawa dahil isa na lamang akong kaluluwa.
Umabot ito sa kuwarto ni Laxamina.
Isang nakakatakot na ngisi ang lumabas sa labi nito. Binuksan nito ang ilaw, dahilan upang magising ang ginang sa mahimbing na pagkakatulog. Nang makita nito ang lalaking mukhang sabog sa pinagbabawal na droga, naalerto ito at tumayo sa pagkakahiga sa kaniyang kama na takip-takip ang saganang hinaharap at perpektong kurba ng katawan.
Mas lalong naghayok sa kapusukan ang lalaki, mas umapoy ang mga mata nito sa pagnanasa sa katawan ni Laxamina, at mas lalong lumakas ang loob nitong makuha ang katawan ng biyuda.
"Kamusta ka na Laxamina? Hindi kita sasaktan, isang round lang at ako naman ay iyong pagbigyan. Nagsawa ka naman na siguro sa matandang iyon kaya ako naman na mas bata ang iyong tikman." Mas lalong kinabahan si Laxamina. Hindi siya makasigaw dahil baka madamay ang kaniyang anak. Kitang-kita ko ang pagaalinglangan ni Laxamina dahil alam niyang natutulog nang mahimbing ang anak niya. Oras na maisip ng isang ito ang naiwang anak nila ni Emilio, baka iyon ang pagdiskatahan niya.
Ang anak lang ni Laxamina ang nasa isip sa mga oras na iyon. Wala na siyang pakialam pa sa bagsik ng kahayukan ng lalaking nasa harap.
"Ano Laxamina, payag ka na ba? Isang gabi lang naman. Magbabayad naman ako sa iyo. Dati mo rin naman nang gawa ito 'di ba? Baka naman na-miss mo nang may ibang humahaplos sa gamit na gamit mong katawan." Gustong umangal ni Laxamina. Gusto niyang hampasin ang lalaki ngunit baka mas lalo lamang itong magwala.
"Huwag kang lumapit," iyon lamang ang kaniyang nasambit.
Tumawa nang malakas ang lalaki. Nanlaki ang mata ng lalaki na baka narinig ng kaniyang anak ang tawa nito. Nagdarasal siya ngayong hindi lumabas ang kaniyang anak sa silid nito.