Marso 27

536 24 3
                                    

Marso 27

"Ako si Victoria."

Pareho kaming napalingon sa babaeng nakaputi, mahaba ang buhok, maganda ang kaniyang mukha, malaman ang pisngi, maliit ang ilong at makapal ang labi.

Gulat ang tanging mababakas sa mukha namin ni Bella. Ngunit sa 'di inaasahan ay mukhang mas nakahanda siyang makita ang tagpo na ito.

Nakita kong sumilay ang ngiti ni Bella sa kaniyang labi, hindi ko inaasahan na parang pareho akong pinaglalaruan ng dalawang kaluluwa na ito. Hindi ko akalain na totoong mhilig makipaglaro ang mga kaluluwa. Wala na silang magawa sa kabilang buhay.

"Ako si Victoria Cherubille. Ako ang may ari ng puntod na ito. Ako ang tunay na nakahimlay sa hukay na iyan." Napatingin ako nang mabuti sa aking harapan. Napapaiyak ako at sumisikip ang aking dibdib sa tagpong ito.

Ang bangkay na nakita sa aking tabi ng gabi na iyon, ang bangkay na binantayan ko ng ilang mga araw, ang babaeng nasa larawan ng aking tarpaulin, ang bangkay na akala ko ay ako ay nasa aking harap.

Naninigas akong muli. Hindi na ngumiti ang dalawang aking nasa aking harap at tabi. Parang hindi makagalaw ang ang aking katawan at maging ang aking isip ay nabablangko dahil kanina pa ito pagod sa kaiisip.

Umihip ang hangin na kanina ba bumabadya. Sa isang iglap, tila bumilis ang takbo ng oras, naramdaman ang mabilis na hagatak ng ulan at matapos ang ilang segundo ay naging araw ang gabi. Isang umaga na naman na bumilis ang hindi ko maipaliwanag sa panahon na ito.

"Hindi ito maari," bulong ko sa aking sarili. Hinawakan ko ang aking ulo dahil parang niloloko ako ng aking sarili, parang niloloko ako ng sarili kong isip, ng sarili kong mga mata.

"Sino ako? Sino ako!" pasigaw kong tanong sa dalawa kong kasama. Hindi kababakasan ang kanilang mga mukha na gusto nilang sagutin ang aking tanong. Sa aking pakiramdam ay gusto nila akong makitang nagtatanong sa aking sarili.

Tumingin ako sa langit dahil ako ay litong-lito. Nagpaunahan na ang aking mga luha sa aking mga pisngi.

"Hindi ko na po talaga alam kung ano ang nangyayari," napapaluha kong bulong sa Maykapal. Hindi ko maisip, litong-lito na ako. Napaluhod ako habang ang mga patak ng luha ay dumiretso sa lapida ng akala kong ako, akala ko ay ako si Vicky.

Nagpaunahan ang mas maraming mga katanungan. Mga tanong na akala ko ay isa-isa ko nang nasasagot, pero ngayonay tila wala nang katapusan ang mga pagtatanong. Mga kasagutan na mas lalong lumalabo nang lumalabo.

"Kung hindi ako si Victoria, sino pala ako?" nagmamakaawa ko nang tanong sa dalawa kong kasama. Ngunit, nanatili silang nakatayo lamang, habang ako ay naghihinagpis na sa mga katanungan.

Dahan-dahan kong nakita si Victoria na papalapit sa akin. Nang makalapit na ito ay agad nitong tinumbok ang kaniyang lapida. Hinawakan niya ito na tila may pandama pa ito, pakiwari nito ay kaya pa nitong hawakan ang kaniyang sariling lapida, ngunit hindi na. Kaluluwa siya, katulad ko, katulad ni Bella.

Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata na hindi ko pa nakikita sa kahit na kaninong tao o kaluluwa na nakita ko, maski kay Bella man o maski kay Lalaine.

"Natagpuan ako ni Bella noong isang araw." Nagsalita ito sa kabila ng kalungkutan sa tinig nito.

"Tinanong niya ako kung bakit ako nasa lugar ng libingan ng kaibigan niya." Napakalungkot ng tinig nito na kung sa aking pandinig, naiiyak ako marinig ko lamang ang kaniyang tinig.

"Sabi ko sa kaniya na ako ang nakalibing sa puntod na ito. Nagtaka siya dahil hindi ko naman daw kamukha ang kaibigan niya. Hindi naman daw ako ang kausap niya sa lamay niya. Hindi naman daw tayo magkahawig," mayroong natatwang tinig sa dulo ng kaniyang mga salita. Hindi ko tuloy alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Parang naghahalo ang mga ito.

She's DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon