Marso 26

519 23 6
                                    

Marso 26

Naghintay kami ni Bella ng halos isang buong araw sa  hinihintay nito. Noong una, akala ko ay buhay na tao ang kaniyang hinihintay. Iyon pala ay hindi.

"Nasabi na ba sa iyo ang pangalan mo?" tanong nito sa akin. Tumango lang ako sa tapat ng aking lapida.

Napatingin lang din si Bella sa aking lapida matapos nitong makita sa aking mga mata ang kasagutan.

"Victoria," mahina at pabulong nitong saad. Napatingin ako sa maulap na kalangitan, mukhang hindi maganda ang timpla ng langit ngayon. Mukhang may nagbabadyang kadiliman na bababa mula sa kalangitan. Kagaya ng langit na bumabagabag sa mala-matampuhing panahon, kagaya ito ni Bella na nakatulala nang muli sa aking lapida.

"Alam mo bang ang hirap ng mga pinagdaanan ni Victoria?" tanong nito sa akin. Wala akong maisagot dahil kahit na ako ay nasa aking lamay ng mga sandaling iyon ay hindi ko naman matandaan ang tunay na nangyari sa akin. Parang lahat ay nakita ko lang, parang ikinekwento lamang sa akin ang mga nangyari sa walong araw na iyon.

Umiling ako, "hindi, halos wala akong ideya kung ano o paano ako naging si Vicky. Basta ang alam ko, napunta ako sa isang kwarto, mayroong patay na katawan na nakahiga sa kama, at kahit na anong aking pilit ay hindi ko ito magising dahil halos lahat ng bagay na konkreto sa aking paligid ay tumatagos lamang." Natahimik sumandali si Bella. Tumango-tango pa ito. Tahimik lang din ako, nag-iisip ako.

Iniisip ko ang mga nangyari nang mga unang araw. Lalo na iyong mga bagay na nagtatanong ako kung sino ako, kung bakit ako nagpakamatay o lahat-lahat ng tungkol sa akin. Ang tanging nalalaman ko lang ay ang mga bagay sa araw ng mga lamay. Hindi ko alam ang buong istorya ng aking buhay. Wala akong kaalam-alam o ideya sa sarili kong buhay.

"Ano pa ang nangyari ng mga panahon na iyon?" binasag ng katanungan nito ang mga katahimikan sa gitna ng aking malalim na pag-alala simula ng nagpagala-gala ako bilang isang kaluluwa.

Inisip kong mabuti ang mga nangyari. Naalala ko ang aking ina na halos patayin na ang aking katawan sa bugbog dahil ayaw magising ng aking patay na katawan.

"Namatay ako noong Marso 1. Ang tagal ko nang patay at malapit na ako umabot sa pang-apatnapung araw. Sabi nila, pagsapit ng araw na ito, aakyat na ang kaluluwa mo sa langit." Natawa si Bella sa aking sinabi. Alam ko naman na may mali sa aking sinabi, pero ano ang sasabihin ko? Ito iyong nakalakihan ko.

Saglit lang, nakalakihan ko? So ibg sabihin, mayroon pa rin akong alaala sa aking nakaraan. Hindi lamang ang mga kwento na nakita ko sa aking lamay, hindi lamang sa bibig ng mga nakiramay sa aking lamay.

Sa aking palagay ay may alam si Bella na hindi ko mapagtanto sa aking sarili.

"Paano mo nalaman na namatay ka?" Hindi ba obvious? Malamang kaya alam kong namatay ako ay dahil isa na akong kaluluwa, ni anong bagay wala akong mahawakan, walang nakakakita sa akin, pero ang ilan ay nadarama lamang ako, at lalo na –na nakakausap ko si Bella, na isa nang kaluluwa.

Hinintay lamang nito ang aking sagot. Alam kong hindi ang nasa isip ko ang gusto nitong marining mula sa akin. Alam ko ang gusto nitong marinig na sagot, iyon ay ang mga nakita kong pangyayari para masabi na patay na ako.

"Nang kinaumagahan nang paggising ko sa aking pagkakatulog sa tabi ng aking patay na katawan ay nagising ako sa isang babae na halos patayin ako, magising lamang ako. Nang malaman nitong patay na ang sinsaktan niya, ay sobra itong nag-aalala. Doon ko napagkaalaman na nanay ko pala siya." Maliwanag kong sinabi sa kaniya.

Napabuntong hininga ito sa aking sagot. Natahimik muli. Hindi ko siya kayang abalahin sa kaniyang pag-iisip dahil kahit ako ay malalim ang mga iniiisip.

She's DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon