Marso 11

1.1K 54 7
                                    

Marso 11

Nagpatuloy lamang ito sa pagtawa. Tumatawang pailing-iling ang ulo sa akin papunta sa kaniyang katawan. Paulit-ulit siyang tumatawa nang malakas sa nasisilayan na aking pagdating sa kaniyang kinalalagyan. Natatawa siya na may nakakita ng kaniyang ginawang pagbibigti.

Ngunit, hindi ko na pinansin ito dahil kung aking papakinggang mabuti ang tinig nito ay kababakasan ng pighati kahit tono ito ng tumatawa. Isang tumatangis na pagtawa ang pinakawalan nito sa kaniyang mga halakhak.

"Bakit ka nagpakamatay?" tanong ko rito kahit na patuloy ito na tinatawanan ang walang buhay niyang katawan.

Hindi ako pinansin nito bagkus nagpatuloy lamang ito sa paghalakhak.

Inulit ko ang aking tanong nang mas malakas at mas matigas dahil kanina ay mahahalata ang takot sa aking tinig.

Napatingin ito sa akin nang nakabuka ang mga bibig. Mahaba at kalat ang mga buhok nito na halatang hindi nasuklay ng maraming araw.

"A-aaah!" hiyaw nito bilang pagtugon sa akin. Nilakihan ako nito ng mga mata at akmang ako ay susugurin. Nakaramdam ako ng kaba sa paglapit nito sa akin dahil animo'y naging isang halimaw ito sa galit.

Kung kanina ay hindi ko magalaw ang aking mga binti ay ako naman na mismo ngayon ang hindi na gustong gumalaw.

Gusto kong malaman, gusto kong malaman kung bakit siya nagpakamatay dahil ang sa akin ay hindi ko maalala! Gusto kong malaman kung bakit kinitil din niya ang sariling buhay! Gusto kong malaman ang kaniyang dahilan kahit na kinakain ako ng sarili kong takot!

Tumingin itong muli sa akin. Seryoso na ito dahil sumeryoso ang mga mata nito.

"Bakit ako nagpakamatay?" hiyaw niya nang malakas sa hangin.

"Hindi mundo ito!" hiyaw niyang muli na kababakasan ng isang pagdadalamhati at poot sa tinig.

"Isang impyerno ang kinalalagyan natin! Hindi tayo tao! Lahat tayo ay makasalanang mga demonyo na nagpapanggap lamang na mga anghel na animo'y walang bahid ng dungis sa kanilang mga katawan!" sigaw nitong muli sa aking harap dahil mas lalo itong lumapit sa akin.

"Akala nila, mga malilinis sila! Akala nila, hindi nasasaktan ang taong hinuhusgahan nila?" tanong nito na biglaang tumangis.

Naghuhumiyaw itong muli ng iyak ng pagdurusa.

"Ano ang ibig mong sabihin? Sabihin mo sa akin, makikinig ako sa iyo," tugon ko rito kahit na mayroong takot pa rin ang aking dibdib. Tumitig lamang ito sa akin habang sarili nito ay yakap-yakap. Para itong baliw. Matapos itong umiyak ay tumatawa ito sabay ang pagyakap at paghaplos sa kaniyang sariling balikat.

"Ang aking anak, kung hindi dahil sa mga taong mapanghusga, hindi malalaglag ang aking anak. Kung hindi nila pinagkamalang demonyo ang aking anak, baka sakaling nabuhay pa ako sa kaunting pag-asang ibinigay sa akin ng Diyos. Ngunit wala man lang sa kanila ang naniwala na hindi magiging demonyo ang batang aking dinadala." Naging normal muna ito habang nagpapaliwanag sa akin.

Napaupo itong muli sa sahig.

"Isang grupo ng kalalakihan ang gumahasa sa akin. Akala ng mga tao ay nabuntis ako ng isang demonyo dahil bigla na lang ako nabuntis ng walang ama. Hindi nila alam na mas masahol pa sa mga demonyo ang humalay at lumapastangan sa aking katawan. Ang mga tao, walang ginawa kung hindi ang manghusga at mang-alipusta ng kapwa. Mga marurumi ang isip! Mas madaling maipasa ang karumihan kaysa sa kalinisan at kabutihan ng kalooban. Ang mundong ito ay pinapaligiran ng mga tao na ang asta ay demonyo."

Mistulang napupuyos ang damdamin nito sa kaniyang mga sinabi. Hinaplos-haplos nito ang kaniyang buhok upang hawiin ang mga nakaharang sa kaniyang mukha.

She's DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon